STORIES

Seize Everything - Chapter 3

Chapter 3 - Apartment

8:15 na ng umaga ng imulat ko ang aking mga mata napansin ko ring wala na si Tito Paul sa aking tabi. Wala din akong naririnig na ingay mula sa labas. Tila'y walang gulong nangyayari hindi naman sa gusto ko ng gulo pero yung pinangako ni Tito Paul na aayusin na niya ang pagkakamali niya ay alam kong gulo ang mangyayari, pero, parang hindi tinupad ni Tito Paul ang pangako niya, so ibig sabihin lang non ay mahal niya si Tita. Kaya para wala ng gulo siguro ako na lang ang iiwas ako na lang ang lalayo dahil ako naman ang dahilan ng problemang ito. Para hindi na lalong masira pa ang pagsasama nila.

8:40 ng bumangon na ako sa aking pagka kahiga isinaayos ko ang mga unan at tinupi ang kumot. Inayos ko na rin ang aking buhok at kinuha ang sipilyo at twalya upang isabay sa pagligo. Paglabas ko ng kwarto ay napansin kong nakaupo si Tita habang nag kakape ito. Wala sa bahay si Tito siguro pumasok na ito sa kanyang trabaho.

"Good morning Tita." masayang pabati ko "Good morning Alex." nakangiting pabalik nito sa akin. "Oh, mag almusal ka muna." dugtong pa nito

"Mamaya na lang Tita pag tapos ko sigurong maligo." sagot ko. Pumasok na ako sa cr upang mag sipilyo at sinabayan ko na rin ng pagligo. Mga ilang minuto din ako sa pagligo ay nagpunas na ako ng katawan at nag tapis na, binuksan ko ang pinto ng cr upang makalabas na. Nagtungo na rin ako sa aking silid upang magbihis ng pang alis.

Mga ilang minuto ng pag aayos ng katawan ay inayos ko na rin ang aking mga gamit sa iisang bag, tinignan ko ang mga documento ko kung nailagay ko na sa aking bag, kumpleto naman ito kaya lumabas na ako sa aking kwarto upang samahan si Tita mag almusal at makausap na din sa aking plano.

"Tita, anong almusal natin today?" nakangiting tanong ko kay Tita

"Tinapay at kape lang Alex, san punta mo bakit nakabihis ka?" nagtatakang tanong nito habang humihigop ng kanyang kape mula sa may lamesa.

"Ahhhh, Tita aalis na ako." kinakabahang paalam ko dahil kabago bago ko palang dito sa Maynila at alam kong nagtataka siya ngayon.

"Saan ka pupunta? Hindi naman kita pinapalayas ah." nagtatakang tanong nito.

"Ahmm, Tita doon na ako sa kaibigan ko makikituloy" pagsisinungaling ko kay Tita kahit alam kong hindi siya maniniwala pero kailangan kong galingan ang pag rarason.

"Kailan kapa nagkaroon ng kaibigan dito Alex, yung totoo saan ka talaga pupunta?" pagtatakang tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay nito.

"Ah, Tita nung nilibot ako ni Tito Paul sa barangay natin nakilala ko yung kaibigan ko si Michael taga Ilocos din siya. At tsaka nakausap ko siya na pwede daw akong makitira sa kanila tsaka mas malapit don yung school na papasukan ko. Kaya balak kong doon na lang ako sa kanila para mas malapit." pasinungaling kong sa kanya at bumaba naman ang kanyang kilay ng marinig niya ang aking rason.

"Maasahan ko ba yang Michael na yan? Baka kung anong gawin niyan sayo ah, ang ganda ganda mo baka anuhin ka niyan." seryosong tanong nito sa akin.

"Oo Tita, mabait si Michael. Matagal na kaming magkakilala non." nakangiting pagsisinungaling ko para hindi niya mapansin na puro rason lang ako.

"Oh sige kung saan ka masaya pero mag iingat ka ah." pag-alalang tugon nito sa akin.

"Salamat Tita." pasasalamat ko. Tama lang ang desisyon kong umalis na dito sa bahay dahil hindi ko na kayang saktan si Tita. Sobra yung pagmamalasakit sa akin ni Tita, sobra din ang pagmamahal niya sa akin kaya tama lang na ako na lang ang aalis, tama na yung ako yung masaktan wag lang siya. Bumalik na ako sa kwarto ko upang kunin ang malaki kong bag.

"Tita, aalis na ako. Salamat sa pagpapatuloy." nakangiting sambit ko.

Sa paglabas ko ng pinto ay biglang sumigaw si Tita.

"Alex, hindi mo ba hihintayin si Tito Paul?" pagsigaw na tanong nito

"Hindi na Tita, tsaka nag mamadali din po ako eh." pasigaw ko sa tanong ni Tita.

"O sige, ako na lang magsasabi mag iingat ka ah." pasigaw nito at tumango naman ako.

Dumiretso na ako sa paglalakad habang iniisip ang mga pangakong binitawan ni Tito Paul "Alex, mahal kita, mahal na mahal kita Alex. Hindi ko alam kung anong dahilan pero sinisigurado kong mahal kita. Oo, inaamin ko Alex na mali yung ginawa ko na pumatol ako sa iba kahit committed na ako hindi ko naman inaasahan na magugustuhan kita eh kusa ko na lang naramdaman, pero, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon at bukas na bukas ay aayusin ko na ang magulong relasyon na ito, isasama kita sa aking tahanan at don natin uli sisimulan ang ating relasyon pagbigyan mo lang ako mahal ko." habang iniisip ko ang mga katagang iyon ay napansin kong sobrang layo ko na pala sa barangay namin kaya nagpahinga na muna ako.

Pumunta ako sa Starbucks at umorder din pala ako ng isang iced americano tall dahil ito lang ang pinaka mura sa menu nila sa ngayon ay nagtitipid ako ng aking pera upang mapagkasya ko ito sa pag rent ng bahay at magsisimula din akong maghanap ng trabaho.

Sa totoo lang mayaman naman kami dati eh, may negosyo ang aking magulang may malaki din kaming farm halos million ang kinikita ng aking mga magulang kada taon. Kaso nawala lahat ng iyon simula ng maaksidente ang aking mga magulang kaya halos lahat ng naipundar nilang pera ay naubos dahil sa bahay at lupa pati na rin sa mga negosyo na bumagsak dahil walang nagpapatakbo nito at mga empleyadong hindi pa nasasahuran kaya kahit isang singkong duling wala akong nakuha, tanging ang ipon ko lang talaga ang meron ako, malaki laki naman ang ipon ko pero hindi ko alam kung hanggang ilang buwan ito aabot. Sa kakaisip ko ay tumulo na ang aking mga luha pinilit kong punasan ito pero ayaw talagang mawala para bang ilog na ayaw tumigil sa pag agos.

"Panyo?" tumingin ako sa taong nag abot ng towel at nakita ko ang kanyang mukha na sobrang gwapo, bilog ang mata nito at maputi, matangkad nasa 5'10 ang taas, Tone ang pangangatawan, fringe ang buhok.

"Huwag kang umiyak, you're losing your beauty." sambit nito habang inaabot ang kanyang panyo sa akin.

"Sir Tan, here is your order of venti caramel java chip." sambit ng staff sa taong nag abot ng towel sa akin.

Oh shit! Inabutan niya ako ng towel, sinabihan pa niya ako na huwag umiyak baka mawala ang ganda ko. Shit! Kinikilig ako. sambit ko sa aking isip

"Take my towel and enjoy your day Alexis." nakangiting sambit nito sabay kindat. Natulala ako sa nangyari at hindi ako nakarecover agad. Hindi ko rin alam kung ano magiging reaksyon ko siguro akala niya babae ako pero bakit kinindatan niya ako bago siya lumabas siguro akala niya nga babae ako tapos binigay pa niya yung towel niya sakin pero infairness ang gwapo niya.

Paano naman kaya niya nalaman ang pangalan ko kaya dali dali din akong lumabas para tanungin siya at makapag thank you sa pagpapahiram ng towel niya pero hindi ko na siya nakita kaya naman bumalik na lang ako sa Starbucks upang kunin ang mga gamit ko at magsimulang maghanap ng matutuluyan.

Nagsimula na ako sa aking paghahanap pero hindi ko parin makalimutan ang lalakeng nag bigay ng towel hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya at hindi rin ako nakapag thank you. Pero dahil sa kaniya gumaan din ang aking loob dahil sa taong yon hindi ko na masyadong naisip si Tito Paul.

Ilang minuto ako sa paglalakad ay nahihirapan parin ako makahanap ng apartment at paubos na din ang iced americano na iniinom ko itatapon ko nasa yung lagayan ng starbucks ng napansin kong may pangalan na nakasulat naalala ko na hiningi pala ng staff ang name ko at sinulat sa inumin ko tas biglang inisip ang katagang. "Take my towel and enjoy your day, Alexis"

"Ahhhhh shit!shit!shit! Kinikilig ako. Ayun ata ang rason kaya nalaman niya ang pangalan ko at sana mameet ko siya ng personal at makapag pasalamat din." nakangiting sambit ko.

Sa sobrang tagal ko sa paglilibot ay hindi talaga ako makahanap ng murang apartment puro resto at mga malalaking gusali ang nakikita ko kaya huminto muna ako sa tabi upang makapag pahinga. Tumingin ako sa langit upang tanungin kung tama ba ang naging desisyon kong umalis sa bahay nila Tita Elizabeth ng basta basta kahit hindi ko naman talaga alam kung saan talaga ako tutungo.

Ginawa ko lang naman ito dahil gusto kong umiwas na kay Tito Paul, sobrang hirap na kasi ng sitwasyon namin eh napapamahal na din ako sa kaniya at alam kong mahal din siya ni Tita. Eto na ata ang aking parusa sa kasalanang nagawa ko. Pero hindi ako susuko at kailangan kong maging matatag at matapang.

Sinimulan ko na uli ang paglalakad ng may makita akong batang tumatakbo papunta sa kalsada kaya naman dali dali kong binitawan ang dala-dala kong bag upang tumakbo patungo sa batang papuntang kalsada baka kasi mabungo siya ng mga sasakyang umaandar.

"Ahhhhhhhh"

"Okay ka lang bata?" pag-alalang tanong ko sa batang muntik ng mabangga ng kotseng umaandar.

May babaeng tumatakbo patungo sa amin at panay sigaw nito sa pangalang Jimmy.

"Jimmy! Jimmy! Jimmy!" takot na takot ang babae habang tumutulo ang kanyang mga luha palapit sa batang tinatawag niyang Jimmy. "Okay ka lang ba anak?" dugtong ng isang babae habang patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha.

"Okay lang ako mommy." sagot ng bata habang pinupunasan ang dumi sa kanyang damit.

Anak pala ng babaeng sumisigaw si Jimmy kaya nung nalaman kong okay na yung bata ay agad naman akong tumayo sa pagkakaupo upang kunin ang gamit ko kung saan ko iniwan. Pagkakuha ko ng mga dala kong gamit ay biglang lumapit sa akin ang nanay ni Jimmy.

"Salamat ha." pasasalamat ng ina ni Jimmy sa akin pero ngumiti naman ako sa kanya.

"Okay lang po yun ang mahalaga ligtas po ang anak niyo." nakangiting pag sagot ko.

"Salamat talaga, malaki ang utang na loob ko sayo kung hindi dahil sayo ay baka may nangyari ng masama sa anak ko hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya." naiiyak nitong sambit habang hawak hawak ang aking mga kamay.

"Okay lang po yun." nakangiting sagot ko sabay kamot sa ulo. "Sige po mauna na po ako." dugtong ko at sabay lakad patungo sa aking pupuntahan kahit wala naman akong pupuntahan.

"Teka lang. Kailangan mo ba ng tulong? napansin ko kasi andami mong dala tapos punong puno pa ang bag mo." pag-uusisa nitong tanong sa akin.

Dahil natanong ni ate ay sasabihin ko na sa kanya ang aking problema baka nga makatulong siya sa akin. Mukha din siyang mayaman at alam kong makakatulong nga siya napapagod na din kasi akong maghanap ng apartment kaya kailangan ko na ng tulong. Kailangan ko ng kapalan ang aking mukha at sana matulungan nga niya ako.

"Ahhmm, sa totoo po kailangan ko po talaga ng tulong eh." nahihiyang sagot ko.

"Ano naman ang problema mo? mukhang malaki din yan ah." pag-alalang tanong nito.

"Ahhmm, kanina pa kasi ako naghahanap ng apartment eh tapos wala pa akong makitang apartment may mga nakikita naman po akong apartment ang kaso po sobrang mahal." nahihiyang sagot ko.

"Nako maswerte ka." nakangiting sagot nito at sabay hawak sa aking mga palad.

"Bakit po?" pagtatakang tanong ko sa ina ni Jimmy.

"Dahil meron akong apartment malapit lang dito." nakangiting sambit nito kita ko sa mga mata niya na handa niya talaga akong tulungan.

"Talaga po?" nakangiti kong usisa dahil hindi ako makapaniwala na may tutulong sa akin ngayon. Hulog ng langit si Jimmy siya ang naging daan para magkaroon ako ng matitirhan.

"Tamang tama dahil bakante naman na ang isang kwarto don, pwedeng pwede ka don." pag-alok nito.

"Nako salamat po Ma'am hulog po kayo ng langit." nakangiting sagot ko.

"Salamat din dahil niligtas mo ang anak ko sobrang mahalaga sa akin ng anak ko." nakangiting pasasalamat nito.

So ayun nga sinama ako ni Ma'am Rachelle sa apartment na sinasabi niya. Ikinuwento niya din sa akin kung bakit ganon kahalaga ang anak niya. Si Rachelle Hatakashi ay nasa 46 na taong gulang may asawa itong hapon, mayaman at may mga negosyo din gaya ng mga japanese restaurant.

Kaya daw sobrang mahalaga ang kanyang anak ay dahil mula nung dalaga pa siya ay gustong gusto niya na mag kaanak pero hindi siya nabiyayaan mag karoon ng anak dahil nalaman nito na baog siya pero gumawa sila ng paraan para mabuntis gumastos daw ito ng pera para lang daw mabuntis ito pero wala parin nangyayari.

Tumanda na daw ito pero wala pa daw nagiging anak kaya sinubukan nito uminom ng mga herbs at nung sinubukan daw nila uli magtalik ng asawa niya ay laking tuwa nito dahil naging positive ang kaniyang pregnancy test. Kaya sobra yung pasasalamat niya sa akin dahil nailigtas ko ang anak niya. Si jimmy ay nasa 5 taon palang. Tsaka ganun naman talaga ang mga magulang hindi mapakali kapag nalaman nilang nasa piligro ang kanilang anak.

Mga ilang oras din ay nandito na kami sa apartment na tinutukoy ni Ma'am Rachelle. Pagbaba ko sa kotse ay nakita ko ang apartment nito na sobrang laki para itong tirahan ng mga mayayaman meron silang garden, may swimming pool, at may garage.

Pagpasok namin sa malaking bahay napansin kong sobrang kintab ng mga tiles, sobrang puti ng mga ding ding, sobrang maaliwalas ang bawat sulok nito. Ganito din ang aming tahanan noong buhay pa ang mga magulang ko malaki din ang aming bahay, meron din kaming garage, at meron din kaming swimming pool. Kaya kung apartment ito para na din siyang bahay ng isang pamilya.

Magsisimulang mag alas dose ng hapon kaya naman tinawag na ni Ma'am Rachelle ang mga taong nakatira dito sa apartment niya. Pinaupo ako ni Ma'am Rachelle sa pangalawang upuan. At nakahain na din ang mga pagkain. Mga ilang segundo ay may narinig akong boses. May tatlong lalaki ang bumaba sa hagdan mula sa second floor ng bahay sobrang pogi nilang tatlo. Umupo na ang tatlo sa kanilang upuan.

"Welcome back Tita Rachelle." sambit ng isang lalaki na ang buhok ay medium length.

Si Ma'am Rachelle ay madalang lang umuwi dito sa apartment.

"By the way. This is Alex, and he'll be living here from now on." pagpapakilala nito sa tatlong nakatira dito sa apartment ni Ma'am Rachelle habang turo-turo ako.

"Wait what? where will he sleep?" pagtataka ng isang lalake na caesar ang buhok.

"Can you please listen first and then I'll explain why and I'll introduce you to each other?" naiinis nitong sumbat sa tatlo dahil pinangunguhan nila si Ma'am Rachelle. Tumahik naman sila at nakinig.

"This is Alex, and he is looking for an apartment and has nowhere to stay, so I helped him because he helped my son Jim a while ago, who almost got hit by a car, so I am very grateful that nothing bad happened to him." pagpapakilala ni Ma'am Rachelle sa akin.

"Alex, this is Charles, he is the middle son of my friend Isabelle Ventura." Si Charles Ventura ay nasa bente ang edad, matangkad na nasa 5'10 ang taas, singkit ang mata, matangos ang ilong, maputi, tone ang katawan, at textured crop ang buhok. Pogi at mukhang gentleman.

"This is Erick, he is the only son of my friend Marian Del Mundo." Si Erick Del Mundo ay nasa bente din ang edad, pinoy ang itsura nito, 5'9 ang taas, snub ang ilong, moreno, tone ang katawan, medium length ang buhok. Pogi din ito at mukha siyang nag babanda.

"And the last is Dave Quirino, he is the youngest son of my friend Lucio Quirino." Si Dave Quirino ay nasa nineteen na edad, 5'10 ang taas, maputi din ito, matangos ang ilong, monolid ang mata, tone ang pangangatawan, caesar ang buhok. Pogi at badboy.

"Hi nice to meet you all." ngiting pagbati ko sa tatlo. Tumingin si Tita sa tatlo na parang sinasabi na kamayan ako. Kinamayan naman ako ni Erick at ni Charles pero si Dave ay hindi ako pinapansin, tinignan lang niya ako.

"Dave, may problema ba?" tanong ni Tita Rachelle dahil napansin nito ang hindi magandang pakikitungo ni Dave.

"Where will he sleep?" tanong ni Dave at tumingin ito sa akin ng nakakunot ang noo.

"Sa pangalawang kwarto." sambit ni Rachelle habang subo subo ang kanyang pagkain.

"Wait, Whaaat?" gulat ng tatlo dahil sa pangalawang kwarto niya ako papatulugin nangangamba naman ako bakit ganon ang reaksyon nilang tatlo.

"Is there a problem guys?" tanong ni Rachelle sa tatlo dahil kita sa mukha nila ang pagkagulat.

"Isn't that Elijah's room, Tita?" pagtatakang tanong ni Dave kaya alam kuna bakit ganon rekasyon nila dahil silid pala iyon ni Elijah.

"Is Elijah here?" pagsagot ni Rachelle habang nakataas ang kilay nito kay Dave.

"But Tita you know Elijah." sagot ni Dave kay Tita Rachelle . "He can't accept that." dugtong pa ni Dave.

"Sino ba may ari ng bahay na ito Dave? Si Elijah o ako? Diba hindi na umuuwi si Elijah dito ilang buwan na. Kesa naman sa walang gumagamit sa silid niya edi ipagamit sa iba." pagsermon nito kay Dave kaya napatahimik ito.

Mga ilang oras din ang pag didiscussion nila ay napansin ko mula nung pumasok kami dito sa bahay ay wala akong napansin na kasambahay kahit isa kaya nagtataka ako kung paano nila nililinis ang buong bahay.

"Ahhmm, Ma'am Rachelle wala po ba kayong kasambahay dito?" pagtatakang tanong ko. Tumawa naman si Erick at si Charles ng mabanggit ko ang kasambahay.

"Alex, Call me Tita na lang. Naghahanap pa kasi ako ng kasambahay eh halos hindi umaabot ng ilang linggo ang pumapasok na kasambahay dito." sambit nito.

"Tita paanong walang tatagal eh chinachansingan ni Dave yung mga pinapasok mong kasambahay dito." sagot ni Erick sabay tawa at sumabay din si charles sa pagtawa habang si Dave ay naiirita na sa kanilang dalawa.

"Tita bakit kasi hindi ka mag hanap ng mas matanda para hindi na matripan ni Dave." natatawang suhesyon ni Erick. Naiinis na si Dave sa mga pinagsasabi ni Erick at Charles kaya tuluyan na itong umalis sa kinauupuan niya at bumalik sa kanyang kwarto.

"Where are you going Dave?" pang-aasar ni Charles ng tumatawa.

"Nako Charles kung matanda naman ang kukunin ko baka naman mapagod agad sa paglilinis yon eh ang laki laki ng bahay." naiinis na pagsagot ni Tita Rachelle dahil mukhang walang gustong maging kasamabay sa kanila. Sa sinabi ni Tita Rachelle ay gusto kong mag boluntaryo para naman hindi libre ang pagpapatuloy niya sa akin.

"Tita Rachelle pwede pong ako na lang tagalinis para naman po masuklian ko ang tulong na binigay niyo sa akin." pag bolontaryo ko kay Tita Rachelle. Sa sinabi kong iyon ay nakita ko si Erick at Charles na tumingin sa akin na para bang namangha sila sa pag bolintaryo ko.

"Nako hindi na Alex okay na yung ganto tsaka sobrang laki ng bahay oh baka hindi mo kakayanin." nahihiyang sagot nito sa akin habang tinuturo ang mga paligid.

"Kaya ko po Tita." lakas loob kong sagot.

"Hayys Alex, sige dahil mapilit ka papayagan na kita pero sasahuran kita para naman hindi sobra sobra ang tulong na binigay mo sa akin." sambit ni Tita sa akin at tumango tango naman ako.

Pumayag na si Rachell na ako na lang ang magiging maid dito sa bahay bukod pa don ay sasahuran niya din ako. Sa totoo lang mas okay nga yun eh para kahit papaano may pera din akong mahahawakan habang nag aaral ako sa Holy University.

Nakita ko nga pala sila Charles at Erick na umakyat na papunta sa kanilang kwarto at si Rachelle naman ay umalis na ng bahay, kaya umakyat na rin ako para silipin ang silid ko. Pag akyat ko ay may lima palang kwarto siguro kay Tristan at Elijah yung dalawa pero dahil wala naman daw na si Elijah ako na lang daw ang gagamit ng silid niya. Pumasok na ako sa kwarto at nakita kong may mga gamit pa ito kaya hindi ko na lang ginalaw baka kasi masungit yung may ari ng silid na ito kagaya ni Dave na hindi man lang ako kinamayan kanina.

Naalala ko tuloy yung lalakeng muntik ng makabangga, napakasungit humingi na nga ako ng paumanhin sinabihan parin akong stupid tapos nagkita pa uli kami sa may resto at sinabihan ba naman akong wala ba sa bundok niyan nakakainis siya, buti pa yung lalake sa starbucks napakabait at pogi pa sana ma meet ko siya uli at makapag thank you man lang ng personal.

Inilapag ko lang ang aking mga bag sa gilid dahil wala naman akong paglalagyan ng aking kagamitan dahil may mga gamit pa ang may ari dito sa kwarto, humiga na lang muna ako upang makapag pahinga.

Alas singko ng hapon ng ako'y magising kaya naman bumangon na ako sa aking higaan at iniayos ang mga unan at kumot. Kinuha ko na ang aking twalya at pumasok sa cr. Sa kwarto ko ay may sarili akong cr, meron din computer, tv, at mga books.

Mga ilang minuto sa pagligo ko ay lumabas na ako sa cr upang kunin ang mga susuotin ko, yung short ko'y black hindi lumalagpas sa tuhod samantalang ang susuotin kong damit ay oversize halos hanggang pwetan, gantong kasuotan kasi ang gusto ko kapag nasa bahay lang ako lalo na ng buhay pa ang magulang ko.

Pagkatapos kong mag damit ay tinali ko na ang aking buhok ng pa-ponytail pagkatapos ay lumabas na ako upang magluto ng kakainin ko. Bumaba na ako papuntang kusina at tinignan ko ang laman ng ref, madami itong laman kaya hindi ako makapag isip ng lulutuin. Dahil hindi lang naman ako ang mag isa dito sa bahay yayayain ko na lang silang sumabay kumain tutal mag gagabi naman na. Kaya pumunta ako sa pang apat na kwarto dahil silid iyon ni Erick

Tok!!! Tok!!! Tok!!!

Binuksan ang pinto. "Alex, may kailangan ka?" patanong ni Erick sa akin.

"Ahmm, itatanong ko sana kung gusto niyo sumabay kumain." nakangiting sambit ko rito habang nakayuko dahil nahihiya pa akong makahalubilo sa kanila.

"Anong ulam?" mausisang tanong ni Erick.

"Sa totoo lang wala pang ulam eh hindi ko kasi alam lulutuin ko." sagot ko kaya napaisip naman ito.

"Marunong ka ba mag luto?" pag-uusisang tanong ni Erick at tumango naman ako sa kanya.

"Sige, tara samahan kita sa baba." sambit nito at agad na hinawakan ang pulsuhan ko at hinila papunta sa unang palapag ng bahay.

"Ahm, teka lang Erick hindi ba natin yayain sila Charles at Dave baka gusto rin nila kumain eh." suhesyon ko sa kanya ngunit parang wala siyang balak ayain kumain yung dalawa.

"Hayaan mo sila matanda na sila." nakangising pagsagot nito sa akin.

"Sigurado ka ah." pag sisigurado ko sa kanya. "Oo tara na." pag sagot naman nito sa akin. Bumaba na kami ng sabay ni Erick patungo sa kusina at tinanong ko din siya kung anong gusto niyang ulam sinabi nito na gusto niya ng adobong baboy dahil ito ang poborito niyang ulam. Kaya naman sinimulan ko ng ilabas ang mga ingredients. Nilabas ko ang pork belly, pamintang buo, limang piraso ng dahon ng laurel, bawang na dinurog, soy sauce, coconut vinegar, water, and cooking oil. Dahil handa na ang ingredients pinainit ko na ang kawali kung saan ako magluluto.

"Ang ganda mo pala Alex." nakangising pag komplimento nito sa akin habang pinagmamasdan ako sa pagluluto.

"Ha?" pakunyaring di ko narinig pero gusto kong ulitin niya iyon dahil masarap sa pakiramdam na marinig iyon lalo pa'y magandang lalaki si Erick. Ngumti naman ito habang titig na titig sa akin.

"May boyfriend kana ba?" mausisang tanong nito at napasandal ito sa kanyang kinauupuan.

Shit! Sobrang hot niya sa pagsandal niyang iyon. bulong ko sa aking isipan.

"H-ha, wala pa." nauutal kong sagot sa kanyang katanungan.

"Ang ganda mo tas wala ka pang boyfriend?" pagtataka nitong tanong sa akin.

"Eh ikaw ba?" pabalik kong tanong kay Erick habang pinagmamasdan siya mula sa kanyang kinauupuan.

"Anong ako ikaw nga tinatanong ko eh." medyo pagtaas ng tono nito sa akin.

"Wala pa nga gagalit ka agad eh." medyo pag taas ko rin ng tono sa kanya pero ngumiti lang ito sa akin.

"Bakit wala eh maganda ka naman." sambit nito. Napatingin naman ako sa kanya ng malalim upang kilatisin kung anong gusto niyang ipahayag.

"Bakla ako eh tsaka study first na muna ako." itchusera kong sagot at bigla na lang akong napangiti sa aking sinabi.

"Ano naman kung bakla ka? Love has no gender kaya kahit sino pwedeng mag mahal. Lalo ka na, kaya love me." nang-aakit nitong pagkasabi sa Love me at kumindat ito sa akin.

Umiinit na yung kawali kaya sinimulan ko ng magluto. Habang nagluluto ako ay nakikipag usap ako kay Erick.

"Study first nga muna." napataas ng konti ang tono ng pananalita ko pero deep inside ay may butterfly na sa puso ko.

Pero totoo naman love has no gender malaya kang mag mahal kung sino yung napupusuan ng puso mo matanda man o bata, bakla man o tomboy, babae man o lalake kahit sino pa yan basta mahal mo walang mali diyan dahil walang limitado pag dating sa pag mamahal.

"Okay, sabi mo eh." nakasad pout nitong sumagot habang niyuyog yog niya ang kanyang ulo pataas baba sa akin.

"Eh ikaw ba, may girlfriend kana?" mausisa kong pagbalik tanong sa kanya.

"Wala eh." tipid nitong sagot sa akin. Lumingon ako sa kanya at tumingin ako sa kanyang mga mata.

"Bakit wala pa eh pogi ka naman tas matangkad mukhang mabait tas cute din." pag kompliment kong sagot sa kanya.

"Study first daw siya eh." naka ngising nakatingin ito sa akin na parang nakakaloko.

Ha? Ako ba yung pinapatamaan nito. Hindi siguro, assuming lang ako. sambit ko sa aking sarili.

"Nako study first, mag sstudy first pa yan sila sayo eh halos nasayo na ang lahat." maypagka sarkatik kong bigkas dahil medyo natamaan ako sa sinabi ko.

"Wala pa kulang pa." naka ngisi ito sa akin habang iniangat niya ang dalawa niyang kamay papunta sa likuran ng kanyang ulo at doon nakita ko ang mga masel nito na halos pumutok sa pagkakaipit.

"Ha, ano pa bang kulang parang wala naman ah." pagtatakang usisa ko sa tanong ni Erick.

"Ikaw ang kulang." nakangising sagot nito. Nako po hindi ako magpapa apekto sa lalaking ito mga linyahan na ganiyan pang tease sa mga babae pero di naman ako babae. Gusto lang ako nito itrap kung bibigay ako sa mga salita niya. Pwes matibay to.

"Nako Erick alam kong gutom lang yan eto adobong baboy luto na." sambit ko sabay abot sa kanya ang niluto kong adobong baboy.

"Hmmm, ang bango ah mukhang masarap ah." natatakam nito sabay tingin sa akin.

"Masarap talaga yan ako nag luto eh." pagyayabang ko habang pinapanood ko siyang kumuha ng adobong baboy.


Susunod...