Chapter 23 - Music Room
Ang Krampt and Orgon University ay isa sa mga prestigious university sa pilipinas. Kung natatandaan niyo ay naibahagi ko na ito sa naunang chapter. Ang Krampt and Orgon University ay tinatawag nilang KAOU kung saan nag aaral si Leonardo Salazar. Yung lalaking nameet ko sa bar.
"Beh! Narinig mo ba iyon?" biglang sabi ni Luigi sa aking harapan habang ito'y kilig na kilig. "OMG! Beh, wala kang reaksyon? for sure wala kang kilala sa KAOU." dugtong nito kaya napangisi na lang ako dahil wala nga akong masyadong kilala, tanging si Leo lang ang kilala kong nag-aaral roon.
"Wala eh." tanging naging sagot ko sa kanya atsaka ito humarap sa akin at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa KAOU ang mga sikat na nag-aaral sa unibersidad na iyon.
Natapos na nga ikwento ni Luigi ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa KAOU. Base sa kwento ni Luigi ay marami din daw gwapo sa unibersidad na iyon bukod kay Elijah at Charles ay meron pa daw itong mga naging crush sa ibang university. Lalo na daw sa mga Varsity player ng KAOU, ang Dragon Tamer.
Ang Dragon Tamer daw ay Rivalry o katunggali ng Phoenix Eagle. Ang Dragon Tamer ay isang ngalan ng isang grupo ng basketbolista na galing sa KAOU. Samantalang sa HU naman ay tinatawag itong Phoenix Eagle kung saan pinangungunahan ni Elijah kasama si Dave.
Dati pa daw na magkatunggali ang dalawang panig kaya halos mahati daw ang mga fans ng mga ito dahil sa sobrang galing daw nilang maglaro kahit si Luigi ay hindi niya daw alam kung sino ang kakampihan niya tuwing nagkakaroon ng matinding labanan ang dalawang koponan.
Dahil sa mga kwento ni Luigi ay mas lalo akong nagkaroon ng interest tungkol sa mga taga KAOU lalong lalo na kay Leo. Gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.
"Tara cafeteria." pag-anyaya nila Luigi sa akin habang tinapik tapik ako sa kamay dahil lunch break na pala namin..
"Ahm, sige wait lang." sabi ko rito dahil mag-aayos pa muna ako ng itsura bago lumabas para naman hindi ako mukhang haggard tignan. "Tara na." aya ko pagkatapos kong mag-ayos atsaka lumabas na kaming tatlo nila Luigi at Sofhia papunta sa cafeteria.
Pagpunta namin sa cafeteria ay naghanap na muna kami ng table, dahil lunch break na ay marami ng tao kaya halos wala na kaming makitang bakanteng mauupuan. Kahit malaki pa ang cafeteria kung maraming estudyante at sabay sabay ang lunch break ay mapupuno talaga.
"Wala na tayong muupuan." nakasimangot na sagot ni Sofhia dahil totoo ngang wala na kaming mauupuan.
"Kalma lang kayo, Edi kumain na lang tayo habang naglalakad." suhestyon ni Luigi atsabay pa kaming napalingon ni Sofhia sa kanya.
Dahil sa punuan naman ang cafeteria ay sinunod na lang namin ang suhestiyon ni Luigi. Andito kami ngayon sa hallway habang hawak namin ang aming mga pagkain.
Habang sa paglalakad ay may napansin kaming nagsisiksikan sa gilid ng hallway. Kaya agad na tumungo si Luigi doon upang usisain atsaka sumunod si Sofhia. Dahil ako na lang naiwan ay tumungo na rin ako para makiusyoso.
"Padaan." pagtulak ni Luigi sa ibang estudyante dahil hindi nito makita ang mga nakasabit sa billboard.
"Dahan dahan lang beh." sabi ni Sofhia kay Luigi habang tinitignan namin ang kanilang pinagkakaguluhan.
"OMG! Hindi nga nagbibiro si Prof. Bering." gulat na sambit ni Luigi sa amin habang tinitignan ang mga nakapaskil na list at mga larawan na gaganapin kinabukasan.
"Beh! Sa tingin mo ba magbibiro si Prof. Bering ng ganon." sabi ni Sofhia kay Luigi.
"Malay mo diba jokerist si Prof." pabirong sagot ni Luigi atsaka kami nagtawanang tatlo. Dahil tapos na namin nalaman kung ano ang inuusisa ng ibang estudyante ay magtutungo na kami sa iba pang bahagi ng unibersidad.
"Alex!" tawag nito ng malapit na kaming makaalis. Kaya nagtataka naman ako kung ano ang kanyang gustong sabihin kaya tinignan ko lang ito upang hintayin ang susunod niyang sasabihin. "Can we talk?" seryosong dugtong nito kaya napalingon ako kila Sofhia at sumenyas naman ang mga ito na sige lang.
Sumama ako ngayon sa kanya habang sa paglalakad namin ay maraming pumasok sa isipan ko at lalo lang akong hindi mapakali dahil alam nito ang nangyari sa amin ni Dave. Natatakot, kinakabahan, at dismaya ang aking nararamdaman habang sinusundan ko siya.
Dinala niya ako sa music room kung saan sila nag eensayo ng pagtugtog. Wala ng tao rito at tila'y tahamik dahil nga kaming dalawa lang. Nilibot ko ang bawat sulok ng room kaya napansin kong maraming instrumento rito. Malamang music room nga eh tanga lang.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya upang alamin kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Ngunit hindi ko siya matignan ng diretso samantalang siya ay nakatitig sa akin.
"May sasabihin ka ba? Erick." usisang tanong ko rito atsaka ito umiwas ng tingin sa akin kaya nagtaka naman ako sa kanyang ginawa.
"Alex, alam kong wala akong karapatan itanong ito sayo pero naguguluhan ako eh." sagot nito sa akin kaya napatulala ako dahil mukhang alam ko na kung saan tutungo ang aming pag-uusap. "Kayo ba ni Dave?" takang dugtong nito pero hindi na ako nabigla pa dahil alam kong ito ang gusto niyang itanong.
Nang gabing nahuli kami ni Erick na hubo't hubad ni Dave ay alam kong marami na itong gustong itanong sa akin. Pero hindi ito nagtangkang lumapit sa akin nung araw na iyon dahil siguro sa pagkabigla. Nagpapasalamat rin ako sa kanya dahil nung gabing nakauwi na sila Elijah ay hinarang niya ang mga ito upang tuluyan kaming makapag bihis ni Dave.
"Wala kaming relasyon ni Dave." seryosong sagot ko at napansin kong napangiti ito kahit pa'y hindi ito nakalingon sa aking gawi. Ilang segundo rin ay humarap na ito sa akin at kita ko sa mga mata niya na parang nabuhayan siya ng lakas ng loob.
"Talaga? Sabi ko na nga ba eh, hindi talaga mapagkakatiwalaan si Dave." sabi nito sa akin habang ako'y takang taka sa kanyang sinabi dahil hindi ko siya maintindihan kung bakit hindi siya mapagkakatiwalaan. Ang alam ko lang naman ay babaero siya.
"Anong ibig mong sabihin na hindi mapagkakatiwalaan si Dave?" takang tanong ko rito atsaka siya bumuntong hininga.
"Eh kasi, hindi ko alam na pati ikaw pala ay gagawin niyang parausan. Alam mo namang pati mga katulong namin dati ay hindi niya pinapalampas diba?" sagot nito sa akin kaya napangisi na lang ako dahil alam ko namang ganon si Dave atsaka ang totoo naman talaga non ay ginusto ko rin hindi kasi maiwasan ng katawan ko ang katawan ni Dave.
Tahimik lang ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot kay Erick kaya napatingin ako sa ibang parte ng room at saka ko binabago ang usapan upang maibaling ang kanyang atensyon sa iba.
"Nasaan pala yung mga kabandmate mo, Erick?" pagbabago ko ng usapin pero hindi ito sumasagot kaya napalingon ako sa kanyang gawi at napansin kong namumula ang kanyang mga pisngi. "Erick are you okay?" takang dugtong ko rito dahil nga namula ang pisngi nito.
"Alex, pwede ba kitang halikan?" paghingi nito ng permiso atsaka ito lumapit sa aking gawi pero humahakbang ako palayo sa kanya. Hanggang sa mapadpad kami sa dulo ng pader at na-korner na niya ako.
"Erick, anong ginagawa mo?" takang tanong ko rito atsaka nag-iinit na rin ang aking mukha.
"Please!" pagmamakaawa nito sa akin atsaka niya inilapit pa ang kanyang mukha sa aking mukha at halos maghalikan na kami sa aming pwesto.
"Erick!" huling banggit ko atsaka niya ako siniil ng halik. Dinampi niya ang kanyang labi sa aking bibig atsaka ko na ito nilabanan. Naghalikan kaming dalawa sa loob ng music room. Walang boses o salita ang maririnig kundi ang mga kaluskos lang ng aming mga katawan.
Patuloy lang ang aming paghahalikan hanggang sa ipasok na ni Erick ang kanyang dila sa loob ng aking bunganga tila'y nag-eespadahan ang aming mga dila sa loob ng aking bunganga. Habang sa paghahalikan ay itinaas ni Erick ang aking suot na uniporme atsaka niya ipinasok ang isa niyang kamay sa loob nito.
Pinagapang ni Erick ang kanyang palad sa aking katawan na mula sa bewang hanggang sa dibdib. Ramdam ko ang kiliti sa bawat haplos ng kanyang kamay kaya mas lalo akong nasiyahan sa kanyang ginagawa. Nang maabot ni Erick ang aking utong ay siya namang paglaro nito. Inipit, pinisil, at nilamas lamas niya ito kaya napahinto ako sa pakiki-paglaplapan kay Erick upang mailabas ang ungol ko.
"UGGGHHHHHHHH." kaya napatingin ito sa aking gawi atsaka ito ngumiti. Pagkatapos ay sinunggaban niya naman ang aking leeg. Hinalik halikan niya ito habang patuloy siya sa paghimas sa dibdib ko atsaka niya idinikit ang kanyang pagkalalaki sa akin.
Ramdam ko ang katigasan nito at kahit hindi ko pa nakikita ay alam ko na kung ano ang tantsa nito siguro'y nasa pito't kalahating pulgada iyon. Kaya naman agad kong dinakma ang kanyang naninigas na kargada atsaka ko ito hinimas himas.
"UGGHHMM. ALEX!" ungol nito kaya agad naman akong nakipaghalikan sa kanya. Nagtagisan kami ng paghalik habang hawak hawak ko ang kanyang pagkalalaki sa loob ng kanyang short.
eeekkkk.....
Napahinto kami ni Erick ng biglang may pumasok sa loob ng music room atsaka niya kami pinanliitan ng mata upang tukuyin kung ano ang nangyayari sa amin.
"Anong ginagawa niyo?" takang tanong nito kaya naman napatingin si Erick sa akin habang ako'y bakas ang pagkakaba.
"Tinuturuan ko lang si Alex gumamit ng instrumento." sagot ni Erick dito kaya ako naman ay tumango tango para ipahiwatig na nagpapaturo nga ako.
"Anong instrumento naman?" agad nitong tanong at bakas sa kanya na hindi ito naniniwala. "Mukhang napagod ata kaya sa pagtugtog ah!" sarkastik nitong dugtong atsaka ito ngumisi.
"Ano bang ginagawa mo rito Jas? Akala ko ba may pupuntahan ka?" pagbabalik nito ng tanong upang maiwasan ang kuryusidad ni Jasper sa amin.
"Ahhh, Yeah! May nakalimutan kasi ako." sagot nito kaya humakbang ito patungo sa gawi namin pero nakangiti lang ito. Pagkatapos niyang kunin ang nakalimutan niya ay bumalik na ito sa may pintuan. "Nakalimutan ko itong vape ko. Sana wag niyo rin kalimutan ilock yung pintuan." natatawang dugtong nito atsaka ito'y lumabas sa music room.
Pagkalabas niya ay napabuntong hininga ako at tumingin kay Erick. Pagkalingon niya sa aking gawi ay kinunutan ko ito ng noo dahil sa nangyari.
"Yung mukha mo gagalit ka agad eh." nakangiting sabi nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Wag kang mag-alala. Nakita man niya or hindi, hindi yon magsasalita." dugtong nito.
"Paano mo naman nasabi ha?" takang usisa ko dahil alam kong alam niyang nakita niya kaming may ginagawang milagro.
"Basta." tanging naging sagot nito at mukhang totoo naman ang sinasabi ni Erick kaya hindi na rin ako nag-usisa pa dahil naniniwala ako kay Erick at isa pa matagal na silang magkakilala.
Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na rin namalayan ang oras kaya mas lalo akong nataranta dahil tapos na ang lunch break at sa ngayon ay nasa loob na sila ng classroom.
Nakakainis bakit ba nangyayari ito sa akin. bulong ko sa aking isipan.
"Alex huwag mo ng isipin si Jasper ako ng bahala don." sabi nito dahil pansin nito ang aking itsura na alalang alala.
"Hindi yon ang inaalala ko ngayon Erick." naiinis kong sagot sa kanya at napatayo pa ako dahil sa inis.
"Ha! Eh ano?" takang tanong nito kaya agad ko naman itong sinagot.
"Nalate na kasi ako sa klase ko baka mamaya hinahanap na ako ni Prof. Guerero." sagot ko rito dahil si Prof. Guerero ay ang history teacher naming terror. Siya yung naging adviser namin nung first day of school.
"Ihahatid na lang kita sa room niyo at ipapaalam na lang kita kay Prof. Guerero. Wala naman kayong class ngayon diba kasi bukas is roleplay niyo na?" sabi nito kaya napatango naman ako.
Sinabayan na nga ako ni Erick sa room ko at halos wala na ngang tao sa paligid dahil nasa kanya kanya na silang klasroom. Nang malapit na ako sa pintuan ng klasroom namin ay napahinto muna ako atsaka huminga ng malalim.
"Okay lang yan Alex. Ipapaalam kita sa Prof mo." sagot nito kaya kumalma na rin ako pero may konting kaba parin sa aking dibdib.
Pinihit ko na ang doorknob ng pintuan namin atsaka ko ito binuksan. Pagkabukas ko ay nagsitinginan ang mga kapwa ko estudyante atsaka ko nilingon si Sofhia at Luigi ngunit pati sila ay kinakabahan para sa akin.
"Mr. Guevara?! You're late." pagtaas ng tono nito sa akin kaya napakagat ako ng ngipin atsaka ako lumingon sa kanya upang humingi ng tawad.
"Good afternoon Prof. Guerero, I'm sorry for the interruption hiniram ko lang po si Alex kanina and hindi ko po namalayan yung oras kaya hindi siya agad nakabalik sa klase." pagsingit nito atsaka siya nagpakita sa aming Prof. habang ang iba naman ay may pagkagulat dahil kasama ko si Erick. The leader of the band.
"Ganon ba Mr. Del Mundo! Okay Mr. Guevara you may sit on your chair." saad ni Prof. Guerero kaya napangiti naman ako dahil hindi ako nito pinagalitan.
"Ahhmm. Prof. Guerero balak ko po sana hiramin muna si Alex ngayon." agad na sabi ni Erick kaya agad akong napalingon sa kanya ngunit nginitian niya lang ako.
"Prof. Guerero diba may klase tayo? Mas better kung maiiwan si Alex dito sa klase since scholar siya. As a student concern lang ako sa kanya baka ma-missed niya yung lecture." suhestyong pagsingit ni Carlo kaya agad akong napalingon dito gayon rin ang iba pang estudyante.
"Mr. Ventura is right, but you can go with Mr. Del Mundo if that's really important since our lesson for today is all about the lecture yesterday." sagot ni Prof. Guerero.
"Prof. Guerero I thought we were going to discuss the roleplay today since it will be held tomorrow." nakangising sagot ni Carlo habang nakatingin sa gawi namin ni Erick at hindi ko alam kung ng aasar ba ito.
"Ahhmm, mag-stay na lang po ako baka po may mga preparation pang need naming malaman." sagot ko kay Prof atsaka humarap ako kay Erick.
"Sorry Erick." malumbay kong sabi kay Erick ngunit ngumiti lang ito sa akin atsaka niya hinawakan ang pisngi ko. Mga ilang segundo rin iyon atsaka ko inalis dahil naalala ko nasa loob kami ng klasroom.
"Ahm, see you Alex. Bye Prof." paalam nito atsaka ito'y humakbang habang kumakaway sa amin kaya pagkaalis niya ay agad na akong nagtungo sa aking upuan pero bago ako nakarating roon ay nakita ko pang lumingon si Carlo sa akin.
Nagsimula na ngang idiscuss ni Prof. Gurero ang topic namin kahapon. Inaalam niya lang kung ano ba ang aming napag-aralan. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtungo namin kami tungkol sa gaganaping roleplay.
Halos lahat kami ay tuwang tuwa habang tinatalakay ni Prof. Guerero ang tungkol sa roleplay. Wala man akong masyadong gagawin bukas kundi ang mag-aayos lang ng kanilang gagamiting props.
Lumipas na rin ang ilang oras ay natapos na rin ang buong klase kaya isa isa na silang nagsilabasan habang ako'y nag aayos ng damit dahil pansin kong gusot ito.
"Maganda kana." bulong ni Carlo sa aking gilid habang inaayos ang aking itsura.
"Alex!" sigaw ni Sofhia habang papalapit ang mga ito sa aking tabi.
"Beh! Ano iyon kanina bakit ang tagal niyong nag-usap ni Erick?" usisang tanong ni Luigi sa akin atsaka naman ako ngumiti.
"Wala." tanging naging sagot ko pero hindi sila nasatisfy sa aking sinabi. "May ginagawa kasi siyang bagong kanta pinarinig niya lang sa akin tas hiningi niya opinion ko." pasinungaling kong dugtong sa mga ito kaya mukhang naging effective naman aking sinabi.
Aakma ko na sanang kunin ang bag ko ng bigla agawin ni Carlo sa upuan ko ang bag. "Ako na magbubuhat." boluntaryo ni Carlo kaya napatingin sila Luigi sa kanya.
"Wow! Carlo gentlemen yarn?" pabiro ni Luigi dahil bigla nitong kinuha ang bag ko ng hindi ko alam ang dahilan.
"Hindi na Carlo tsaka kaya ko naman eh." sabi ko rito pero mapilit si Carlo ayaw niyang bitawan ang bag ko kaya hinayaan ko na lang siya.
"Ang bigat ng bag ko, Carlo pabuhat naman ng akin." saad ni Luigi pero nginitian lang ito ni Carlo atsaka tumawa si Sofhia.
"Grabe ka Alex bakit ang lakas mo kay Carlo pati na rin kay Erick. Anong ginawa mo." takang usisa ni Sofhia. "True." pagsang-ayon ni Luigi kay Sofhia habang nakatingin ang mga ito sa akin.
"H-ha, E-eh. Hindi ko alam eh. Tanong niyo kay Carlo bakit niya binuhat bag ko." sagot ko sa kanila atsaka ibinato ko kay Carlo ang mga katanungan upang siya na lang ang sumagot.
"Explain us Carlo?" usisang tanong ni Luigi atsaka nakapamewang pa ang mga ito.
"Mukha kasing pinagod siya ni Erick kanina kaya ako na lang magdadala ng gamit niya para naman makapag relax yung... likod niya." nanlaki ang mata ko dahil sa naging sagot ni Carlo kila Luigi dahil may laman ang kanyang sinabi kaya lumingon ito sa akin ng nakangiti.
"Hmmm, sabagay." tanging naging tugon ni Sofhia sa sinabi nito at mukhang inosente naman siya dahil hindi niya iyon naintindihan ngunit si Luigi ay nakangising nakatingin sa akin kaya nginitian ko ito.
Dahil kami na lang ang natitira sa loob ng klasroom ay lumabas na kami upang makapunta na sa unang palapag. Dating gawi sabay sabay parin kaming bumaba habang nag-uusap atsaka nagtatawanan dahil sa mga pabiro ni Carlo.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa gate ng campus. May isang lalaki ang lumapit sa amin matangkad ito, maputi, matangos ang ilong, maganda ang hubog ng katawan dahil fitted ang suot nitong tshirt, at mukha siyang daddy type.
"Bye guys andito na daddy ko." saad sa amin ni Luigi pero pinahinto naman siya ng daddy niya.
"Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo baby?" sambit nito kay Luigi at nanlaki ang mata ko ng tawagin siyang baby pero normal lang kay Carlo at Sofhia ang kanilang narinig.
"Ahm, dad this is my bestfriend Sofhia, Alex, and Carlo." pagpapakilala niya sa amin habang tinuturo niya kami isa-isa atsaka namin siya nginitian. "And guys this is my father not my real dad but my stepdad." pagpapakilala nito sa amin atsaka niya kami binigyan ng ngiti.
"Hi sir nice to meet you po!" pagbati ni Sofhia kaya nakibati na rin ako gayon rin si Carlo.
"Nice to meet you din." nakangiting pagbati nito. "Ah! Sige na magpaalam ka na sa kanila baby." dugtong nito sabay lingon kay Luigi. Napansin kong kakaiba ang titig ng daddy ni Luigi sa kanya pero hinayaan ko na lang din dahil iba iba naman ang closeness ng bawat mag ama.
"Mauna na kami sa inyo may lakad pa kasi kami ni daddy eh." huling sabi nito tsaka humakbang na ito patungo sa kotse nila pagkapasok nito sa kotse nila ay kumaway pa kaming tatlo sa kanya.
"O siya mauna na rin ako sa inyo. Andito na driver ko." paalam ni Sofhia habang nakangisi sa aming gawi papunta sa kanyang kotse.
"Parang tanga tong si Sofhia, malisyosa." sabi ko rito ng nakangiti.
"Bakit naman?" takang usisa ni Carlo habang nakatingin sa akin. atsaka ko naman ito nilingon.
"Kasi akala niya may something sa ating dalawa. Bakit mo naman kasi binitbit itong bag ko!" sagot ko rito tsaka ko kinuha sa kanya ang bag ko.
"Ako na magbi-bitbit mukhang napagod ka kanina eh." sagot nito habang akap akap ang bag ko. tsaka naman kumunot ang noo ko sa sinabi ni Carlo dahil hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi at alam kong may laman iyon dahil kanina ko pa napapansin ang kanyang inaasta.
"Pinagsasabi mo?" pagtaas ko ng tono tsaka ko binitawan ang bag ko. "O ayan sige sayo na." pagtulak ko sa bag ko kaya napaurong ito sa akin.
"Bakit ka nagagalit." natatawang sabi nito tsaka ito lumapit sa akin.
"Ano ba kasing iniisip mo?" tanong ko rito dahil hanggang ngayon ay inuusisa ko pa ang bawat sinasabi nito at hindi ko alam kung may alam ba ito sa nangyari sa amin ni Erick dahil alam ko na may laman ang bawat salita ni Carlo.
"Eh diba nag patulong si Erick magpatutog sayo?" tanging naging sagot nito. "Tsaka ayaw mo ba na binibitbit ko yung bag mo? Mukha ka kasing pagod kanina eh." dugtong nito kaya medyo tumahan narin ang aking pagdududa.
"Alex!" sigaw nito habang papalapit sa amin kaya napalingon kami rito. "Are you going home?" dugtong nito habang patingin tingin ito sa aming gawi.
"Oo." tipid kong sagot kay Dave atsaka ito ngumiti sa akin.
"Okay, then come with me. I'm going home too." sagot nito kaya pinanliitan ko ito ng mata upang usisain dahil alam kong may balak na naman itong gawin sa aking katawan. Kaya ngumisi ako at napansin naman niya iyon.
"Sa akin siya sasabay, magpapatulong pa kasi ako sa pag-eensayo." pagsingit ni Erick sa usapin na bagong dating lang sa aming pwesto kaya napalingon kaming tatlo sa kanya at napansin kong nakangisi si Dave atsaka lumingon ito sa akin kaya iniwas ko ang tingin kay Dave at ibinalin ko na lang kay Erick.
"No, I'll ask him first." sagot ni Dave kay Erick atsaka siya lumingon sa gawi ni Erick.
"Bago mo siya natanong, niyaya ko na siya." sagot ni Erick kay Dave at natigil lang sila ng magsalita si Carlo.
"Sa akin siya sasama guys, chill lang kayo." nakangising sabi ni Carlo kaya kumunot ang noo ni Dave.
"Carlo, don't get involved in it." sumbat ni Dave kay Carlo tsaka naman nanliit ang mga mata ni Carlo dahil sa sinabi nito. "We only go home to the same house, so he will go with me." dugtong nito.
"The fuck Dave, so do i." pagsingit ni Erick sa sinabi ni Dave kaya nagsumbatan na silang tatlo at pilit ko silang inaawat ngunit hindi nila ako pinapakinggan.
"SANDALI!!!" pagtaas ko ng tono atsaka sila nagtikom ng bibig para itong mga bata na pinagalitan ng ina dahil sumunod agad sila. "Ano bang problema niyo? Bakit niyo ba gustong sumakay ako sa kotse niyo? Ang gusto ko lang naman ay makauwi ng maayos." sagot ko sa mga ito atsaka sila nagtinginan sa isa't isa.
"Okay, Fine. Kayo na maghatid kay Alex." tanging sagot ni Carlo atsaka niya iniabot ang bag ko na hawak hawak niya tungo kay Dave.
Napabuntong pa ng hininga si Dave atsaka niya iniabot ang bag ko kay Erick tsaka siya lumingon sa akin.
"Go ahead and take Alex home." paubaya ni Dave kay Erick atsaka naman napangiti si Erick at kinuha niya nga ang bag ko.
"See you tomorrow Alex." paalam ni Carlo ng pasakay na ako sa kotse ni Erick habang si Dave ay nakasimangot.
Pagkatapos ay pinaandar na ni Erick ang kanyang kotse paalis sa university. Tahimik lang sa loob ng kotse niya at wala kaming halos pinag-uusapan.
Erick sang I will take you forever by Christopher Cross
Nagsimulang kumanta si Erick sa loob ng kotse niya kaya napalingon ako sa kanya habang patuloy parin siya sa pagmamaneho. Pinagmasdan ko lang itong umaawit atsaka hindi ko na namalayan na napapangiti na pala akong nakatitig sa kanya.
Naalala ko kasi ang kantang inawit ni Erick. Dahil yung kinanta nito ay isa sa paborito kong kanta ni Christopher Cross. At isa rin itong music theme ng GMA ng ipalabas nila ang shining inheritance noong sampung taon ng nakakalipas at hanggang ngayon ay kinikilig parin ako.
Dahil sa tuwa at kilig ay sinabayan ko ang kanyang pagkanta. Napalingon ito sa akin na parang namangha. Para kaming nagtatagisan sa pagkanta dahil nagpapalitan kami sa pag-awit.
Habang sa pag-awit ay iniimagine kong ako si Eun Sung ko at si Erick naman ay si Hwan Sunwoo. Tila'y nakangiti kaming dalawa habang inaawit ang I will take you forever.
Pagkatapos naming awitin ang kanta ay nagkatinginan kaming dalawa atsaka tumawa ng sabay.
"Alam mo pala yung kanta? atsaka maganda rin pala boses mo eh." sabi nito habang kinokompliment ako habang ako naman ay nanatiling nakangiti. "Ano pa ba ang talent mo Alex? Ginugulat mo ako eh." pabiro nitong dugtong.
"Sus bolero." natatawang sabi ko rito atsaka huminto na ito dahil nakarating na kami sa bahay atsaka niya ito Ipinasok sa garahe.
Sabay na kaming bumaba ni Erick sa garahe at nagtungo na kami sa loob ng bahay. Nakita naman namin sila Elijah at Charles sa kusina habang ito'y kumakain. Napansin naman ako ni Elijah pero iniwasan ko na lang ito.
"Alex, Erick. come join us." pag-anyaya ni Charles sa amin kaya agad ng lumapit si Erick upang makisalo sa kinakain nila.
"Alex tara." sabi ni Erick ng lingunin niya ako pero nginitian ko lang ito pero humakbang ito palapit sa akin atsaka niya hinawakan ang pulsuhan ko papunta kila Charles.
"Taste it Alex. Its good." pag-alok ni Charles at mukhang masarap nga dahil sa amoy palang ay nakakatakam na.
Aakmang kukuha na sana ako ng biglang umubo si Elijah kaya napatigil ako sa pagkuha.
"Bakit Alex? ayaw mo ba." takang sabi ni Erick kaya napatingin ako kay Elijah at napansin kong pangisi ngisi ito.
Dahil sa ngisi niya ay naglakas loob akong kumuha ng isang pirasong baboy atsaka ko ito kinain hindi ko tinignan si Elijah habang nginunguya ko ang ulam dahil naalala kong inagaw pala nito ang pagkain na nilibre ni Luigi sa akin.
"Hmmmm. Ang sarap." tanging salita ang lumabas sa aking bibig atsaka ako napalingon kay Elijah at nginitian ko ito dahil alam kong siya ang nagluto nito dahil prito lang naman ang alam ni Charles.
"I told you." sabi ni Charles sa akin kaya napangiti ako dito.
Nagsimula na kaming kumain apat at talaga namang sobrang sarap ng luto ni Elijah. Sobrang lambot ng karne nito at hindi rin siya maalat, maasim, matabang o matamis. Saktong sakto lang ang timpla nito.
"Anong ginamit mong pampalambot sa karne Elijah?" usisang tanong ko atsaka naman lumingon sila Erick kay Elijah ngunit hindi ito sumasagot at patuloy parin ito sa pagnguya ng kanyang kinakain.
"Mamaya mo na lang itanong Alex pagtapos niyang kumain." bulong sa akin ni Erick kaya napatango tango na lang ako.
Naunang natapos kumain si Charles at nagpaalam na itong tutungo sa kanyang silid dahil meron pa daw siyang gagawin sa kanyang kwarto.
"Alex punta lang ako sa labas ah, papahangin lang ako. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka ng kumain." sabi Erick kaya tumango naman ako atsaka na ito nagtungo sa labas at umupo pa ito sa sunlounger.
Dahil ako na lang at si Elijah ang natitira at mukhang patapos na rin siyang kumain ay tatanungin ko na ito kung ano ang ginamit niyang pampalambot dahil gusto ko rin gamitin iyon kung sakaling magbubulalo or steak ako.
"Elijah, Ano palang ginamit mong pampalambot sa karne?" usisang tanong ko pero hindi ito sumasagot at tingin ko ay hindi niya narinig dahil mahina lang ang pagkakasabi ko. "Elijah, pwed-" pagputol nito sa sasabihin ko kaya nabigla ako sa kanyang tinuran.
"Tanga ka ba? hindi na nga kita sinasagot nagpupumilit kapa." bulyaw nito sa akin kaya napatulala ako sa kanyang sinabi.
"A-ah, e-eh sorry hindi ko kasi alam eh." nauutal kong sagot dahil biglang bumalik ang panaginip kong balak niya akong patayin.
"Wala ka naman talagang alam eh kaya manahimik ka diyan." sumbat nito kaya mas lalo akong natakot pero nilabanan ko ang takot na iyon.
"Anong bang problema Elijah? Dahil ba ito sa unang pagkikita natin at minaliit kita o baka dahil sa pagtulog ko sa silid mo." kinakabahang mga tanong ko rito kaya tumingin itong nanlilisik ang mga mata.
Mas lalo akong natakot at bahagyang napaurong sa kinauupuan ko dahil ang mga matang nakikita ko ngayon ay siyang kuha ng mga panaginip ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at habol-habol ko ang bawat paghinga na parang maubusan ng oxygen sa katawan.
Unti unti itong lumalapit sa akin kaya mas lalo akong natakot at parang naubusan ako ng hangin dahil hindi ako makasigaw.
"Elijah please wag kang lalapit." pagmamakaawa ko rito pero hindi parin siya tumitigil at sa bawat paglapit nito ay nakikita kong may pagtataka ito.
Bago pa niya ako mahawakan ay natumba na ako sa pagkakaupo atsaka gumapang ako papalayo sa kanya ng tumutulo na ang aking mga luha dahil sa takot na baka may gawin itong masama sa akin.
"Alex?" pagkakita sa akin ni Erick kaya tumakbo ito patungo sa aking gawi atsaka niya ako inalalayan. "Alex are you okay?" takang pag-alala nito kaya lumingon ito kay Elijah.
"Give me some water Elijah." tarantang sigaw ni Erick kaya dali daling kumuha si Elijah ng tubig at iniabot niya ito kay Erick.
"Don't drink that water." sagot ni Charles na pababa sa hagdan at agad na tumakbo patungo sa amin.
"Ahm. Let him sit down and take a deep breath." suhestyon ni Charles at agad naman akong ipinaupo ng maayos ni Erick.
"Alex huminga ka ng malalim." sabi ni Erick kaya sinunod ko naman iyon.
Inhale....
exhale....
Paulit ulit ko lang iyong ginawa hanggang sa maging normal na ang paghinga ko. Hindi na ako lumingon pa kay Elijah at niyakap ko na lang si Erick habang tinatapik tapik nito ang likod ko.
"What happened?" takang tanong ni Charles kay Erick pero hindi niya ito sinagot kaya napalingon ito kay Elijah pero tinitigan niya lang ito.
"Charles alalayan mo muna si Alex papunta sa silid niya." pag-utos ni Erick kaya agad akong binuhat ni Charles pero bago ako mailabas ni Charles sa bahay ay nakita ko pang nagkatinginan ng masama ang dalawa.
At hindi ko na rin alam ang susunod na nangyari dahil dinala na ako ni Charles sa maids room. Pinihit niya ang pintuan atsaka niya ako ipinasok doon. Ipinahiga niya ako sa kama atsaka ito umupo sa aking tabi.
"What do you feel now?" pag-uusisa nito sa akin kaya napangiti naman ako sa kanya. "Alex don't give me that smile i want to know what you feel! are you okay?" nag-alalang tanong nito sa akin.
"Okay na po ako." nakangiting sagot ko rito tsaka naman itong ngumiti sa akin.
"That's better than smiling." sabi nito kaya sinimangutan ko siya.
"No, Alex. That's not what i mean." natatawang sabi ni Charles. "Okay fine keep smiling." dugtong nito dahil hindi niya kinaya ang pagsusungit ko.
hayyss ang kyut talaga nitong si Charles. sabi ko sa aking isipan.
"I know Alex. So don't stare me like that." pagyayabang nito dahil titig na titig ako sa kanyang mukha kaya napatawa na lang ako.
"Can i taste it?" pilyong sabi ko rito atsaka naman itong ngumisi.
"Taste? What?" pagmaang-maangan nito kahit alam niya naman ang sinasabi ko dahil nakangisi ito.
"Here." sabi ko sabay dakma sa burat niya at napansin kong tumigas iyon kaya napakangisi ako sa kanya. "Then bakit matigas ito ha?" takang dugtong ko atsaka ito tumawa ng mahina lang.
"Because of you." sabi nito kaya aakma ko na sa nang hubarin ang suot nitong boxer ng pigilan niya ako. "I want too Alex but not this time, okay. I need you to rest first and it won't take long for Erick to come here." dugtong nito kaya napa sad pout na lang ako sa kanya.
"Okay." tipid kong sagot tsaka ko inalis ang kamay ko sa kanyang ibaba.
"Come on Alex, Saturday i'll give you what you want." sabi nito kaya napangiti na lang ako.
"I'm just kidding Charles." natatawang sabi ko rito. "Sige na magpapahinga na rin ako tsaka pwede bang pakisabi kay Erick na huwag ng sabihin sa iba lalo na kay Tristan ang nangyari kanina." dugtong ko rito tsaka naman siya tumango tango ng nakangiti. "Pakisabi na rin kay Erick na huwag ng pumunta dito. Matutulog na rin ako eh." dagdag ko pa kay Charles ng aakma na itong lalabas ng pintuan.
"Okay. Goodnight Alex." huling sambit nito tsaka niya nilisan ang silid ko.
Dahil ako na lang ang mag-isa dito sa silid ay nagnilay nilay muna ako sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nawalan ako ng hangin at halos ikamatay ko na iyon kung hindi lang dumating si Erick at Charles ng mas maaga siguro inatake na ako sa puso.
Hindi ko alam na ganun na lang kalaki ang atraso ko kay Elijah. Sobrang manggalaiti ito sa galit. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganun ang tingin niya sa akin eh dahil pinipikon ko rin siya.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim atsaka ipinikit ang mga mata. Ano bang gagawin ko para mawala yung galit ni Elijah.
Susunod...
