STORIES

Seize Everything - Chapter 26

Part 26 - Reveal


AUTHOR'S POV


Tumakbo si Alex patungo sa pang apat na palapag ng building tinawag pa ito ni Remy ngunit hindi niya ito narinig dahil sa kakamadali niyang pagtakbo patungo sa kanilang klasroom.


Hingal na hingal ng makarating si Alex sa loob ng klasroom atsaka niya binuksan ang pintuan. Pagbukas nito ay nakita niyang inaayusan sila ni Luigi at Sofhia. Habang si Carlo naman ay buhat buhat ang mga props na gagamitin para sa roleplay. 


"Alex, bakit ngayon ka lang at mukhang pagod ka?" takang tanong ni Carlo kaya napalingon ang ibang kaklase ni Alex sa kanyang gawi atsaka lumingon si Luigi sa kanya.


"Beh, patulong ako rito." tawag ni Luigi kay Alex kaya agad ng naglakad patungo si Alex sa gawi ni Luigi pero bago ito tumungo kay Luigi ay sinagot na muna ni Alex ang katanungan ni Carlo.


"Nagka-traffic kasi kanina eh." pagsinungaling ni Alex atsaka tumungo ito kila Luigi upang tumulong sa pag-aayos sa mga gaganap sa roleplay.


Inusisa ni Alex ang mga suot ng kanyang mga kaklase para sa gagamitin nilang roleplay dahil hindi naman marunong mag make-up si Alex. Pagkatapos ay inisa-isang ibinigay ni Alex ang mga wig ng kanilang gagamitin.


"Guys may problema tayo." kinakabahang sabi ni Hazel. Si Hazel ay kaklase nila Alex. Napalingon naman ang lahat sa gawi niya at bakas sa mukha nito ang pagkakakaba. "Malapit na magsimula ang program." tarantang dugtong nito sa buong klase at halos manginig na ang katawan nito dahil sa kaba.


"Saglit na lang to." sagot naman ni Luigi habang tinatapos ang huling pag-aayos sa isa pang kaklase nito na kasali sa roleplay. 


"Hindi iyon ng problema." sigaw ni Hazel dahil hindi na niya alam ang gagawin at bakas naman sa mukha ni Alex ang pagtataka kung ano ba ang gustong sabihin ni Hazel sa kanila. "Wala pa si Sharon at Miguel." dugtong ni Hazel sa kanyang sinabi kaya nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng klasroom nila Alex.


"What the fuck! So, ano nagback out yung dalawa?" naiinis na sagot ni Luigi dahil nadismaya ito sa ginawa nila Sharon at Miguel atsaka naman nilapitan ni Sofhia si Luigi upang pakalmahin ito.


"Guys nagtext si Sharon nag overheat daw yung sasakyan ni Miguel." sagot ni Myrtle isa pang kaklase nila Alex na kaibigan ni Sharon. 


Dahil sa narinig nila ay nagkaroon ng mga pagtatalo sa loob ng klasroom. Hindi nila inaasahan na magkakaroon pa ng aberya ang sinasakyan nila Miguel kung kailan malapit ng magsimula ang programa.


"Siguro sunduin ko na lang sila." suhestyon ni Carlo kaya napalingon sila Alex sa gawi ni Carlo atsaka naman tumango si Alex para sumang-ayon ito.


Aakmang aalis na si Carlo ng biglang pumasok ang kanilang Professor sa loob ng klasroom. Inusisa ng Professor ang loob ng klase at saka niya nilingon ang mga props na gagamitin para sa roleplay atsaka niya tinignan ang mga gaganap sa roleplay.


Bawat estudyante na nasa loob ng klasroom ay walang imik dahil sa kaba. Hindi nila alam ang gagawin dahil nagkaroon ng problema at ilang minuto na lang din ang kanilang oras na natitira ay magsisimula na ang programa. 


"Okay, Students. Tama na ang preparation. Lahat kayo ay bumaba na at maghanda. Lahat kayo ay pumunta sa likod ng backstage upang doon ituloy ang inyong pag-aayos. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang programa. Nandon na rin ang taga KAO University." anunsyo ni Prof. Bering atsaka naman nagsitinginan sa isa't isa ang magkakaklase. "Dalian niyong kumilos dahil pangalawa kayo sa mag peperform." dagdag nito sa kanyang sinabi atsaka ito lumabas sa loob ng klasroom. 


Bakas sa lahat ng estudyante ang pagkakakaba dahil hindi na rin kayang habulin ni Carlo sila Sharon at Miguel dahil kulang na ito ng oras para sa kanila. 


Kabado man ang lahat ay sinunod parin nila ang utos ng kanilang Professor at hanggang ngayon ay hindi parin sila nakakagawa ng paraan kung ano gagawin nila. Sunduin man nila sila Sharon ay makukulangan parin sila ng oras.


Nagtungo na nga ang lahat sa likod ng backstage at pinag-iisipan parin nila hanggang ngayon ang gagawin. Sinusubukan ring kamustahin ni Myrtle ang kaibigan niyang si Sharon ngunit inaayos parin daw ni Miguel ang sasakyan.


Wala ding daw mga sasakyan na dumaraan sa kanilang pinaghintuan kaya hindi daw alam nila Sharon kung makakarating sila ontime sa HU. Doon palang ay humihingi na ng tawad sila sa Sharon. Dahil sa mga nalaman nila Luigi at iba pang estudyante ay natataranta na ang mga ito.


"A very good morning to all of you. On behalf of the organizing committee, we are pleased to welcome all of you to our university who are responsible for this year's competition. This is the least we can do within a short period of time. Please bear in mind; we hope that all the contestants can compete in a healthy manner. Try your level of best to deliver your roleplay full of confident. Without wasting any of time, I would like to ask for permission to start on the program." panimula ng emcee sa paghahatid ng anunsyo atsaka naman nagkaroon ng pagkakakaba sa ibang miyembro na kasali rin sa kompetisyon lalong lalo na sa miyembro nila Alex. 


"For your information, there are one University who participate in this year's roleplay competition. The university that joins us is One of the prestigious university in the philippines. Please welcome to the Krampt and Orgon University." dagdag ng emcee atsaka nagpalakpakan ang mga estudyante, professor, at iba pang kasali dito.


Ladies and gentlemen,


"Now, I would like to invite the honorable judges and the time keeper to take their seats. Let me introduce to all of you the judges for today's competition. The first judge is Mr. Garon Deruso as a chief judge. The next person beside him is Mrs. Melchor Belenda as a second judge. And the next person to her is Mr. Hugo Galeigndon who donated the most in this university and as the third judges." 


"Wtf, bakit andito si dad?" gulat na tanong ni Elijah kay Tristan pero hindi rin naman alam ni Tristan kung bakit judge si Mr. Hugo Galeigndon.


"Oh my god." tanging naging salita ni Sofhia sa likod ng stage kaya napatingin si Alex sa kanya upang magtanong.


"Bakit Sofhi?" takang tanong ni Alex kay Sofhia kaya nilingon naman ito ni Sofhia.


"Si Mr. Galeigndon isa sa mga judges." sagot naman nito kay Alex pero bakas parin kay Alex ang pagtataka.


"Sino ba siya?" takang usisa ni Alex dahil hindi naman niya ito kilala at ang alam lang nito ay malaki ang idinonate nito sa university ng kanyang pinapasukan.


"Ama siya ni Elijah." pagsingit ni Carlo kaya napalingon si Alex sa kanyang likuran kung nasaan si Carlo.


"All the judges decisions are final and individual marks will not be disclosed.


The timekeeper for this competition is Ms. Janeth Bering." huling dugtong nito atsaka nag palakpakan ang mga estudyante mula sa harapan hanggang sa likod ng backstage.


"Wala parin ba sila Sharon?" usisang tanong ni Luigi na may pagkataas ng tono dahil stress na ito sa kakaisip ng paraan, napansin naman iyon ni Alex. 


"Let us begin with the first team from team Romeo and Juliet with their roleplay. " nagsimula ng pumuwesto ang mga miyembro ng team romeo and juliet. Habang ang kurtina ay nakaharang pa dahil iniaayos palang nila ang props na kanilang gagamitin.


"My god! Mercy please." sambit ni Luigi ng paulit ulit habang ito'y nakapikit at hindi mapakali sa kakalakad. Tumingin naman si Alex kay Carlo ng may pagkakakaba atsaka naman nilingon ni Carlo si Alex. Mga ilang minuto nung nagsimula ang unang performance ay nagsalita na uli ang emcee.


"Thank you to team Romeo and Juliet for their performance. Nakakakilig at nakakalungkot ang nangyari. Please give them a clap dahil sa galing na ipinamalas nila sa atin." pagpalakpakan ng bawat manonood habang ang kampo ni Alex ay kabado sa kanilang gagawing performance.


"Next, I would like to call upon the second team from Maria Clara and Crisostomo Ibarra with their roleplay." pagtawag ng emcee upang magsimula ng magsiayos ang susunod na mag peperform sa harap ng stadium.


"Beh! I'm proud of you and you look so beautiful in that outfit. Kaya mo yan and goodluck." huling habilin ni Luigi atsaka tumungo ang miyembro ng kanilang kasama sa likod ng malaking kurtina.


Dahil maayos na ang lahat at nakapwesto na rin sa tamang posisyon ang bawat kasapi ng kanilang kampo ay binuksan na ng ibang kasapi ang malaking kurtina upang simulan ang pagganap bilang Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa balkonahe.


Pagbukas ng malaking kurtina ay iba't ibang reaksyon ang nakikita ni Alex sa mga manonood. 


"Go baby Clara!" sigaw ng isang lalaki sa likuran atsaka naman nagsilingunan ang mga manonood sa gawi nung lalaking sumigaw kanina. Sila ang Bototski squad na pinamumunuan ni Adam Aguilar. 


Nanlaki ang mata ni Alex ng makita niya ito dahil hindi niya makakalimutan ang mukhang nanghampas sa kanyang pwetan noong hinihintay niya sila Erick sa labas ng bar. 


"Yuck! Wala paring pinagbago si Adam mukha parin siyang addict." sabi ng isang babae na si Claire. Isa sa mga Cheerleader Queen na toxic. Tinatawag silang Triple C dahil kasama nito ang dalawa pang toxic na si Cloe at Crystal. 


"Hindi ganon si Adam noh." pagdepensa ni Crystal kay Adam kaya napalingon si Cloe at Claire kay Crystal atsaka tinaasan ng kilay ni Claire si Crystal.


"OH MYGOSH! Dont tell me nakipag balikan ka diyan." usisa ni Claire pero itinanggi naman ni Crystal iyon. Dati kasing may relasyon ang dalawa.


"Look at that person who impersonate Maria Clara." pagputol nito sa pag-uusap nila Claire at Crystal kaya nilingon naman nila ito at kinilatis.


"Is that a girl named Sharon?" takang usisa ni Claire habang pinagmamasdan nila si Maria Clara.


"Gaga bulag ka ba? Hindi mo ba nakita yung nasa billboard sa hallway?" sagot ni Crystal kay Claire atsaka naman sila nagtinginang dalawa.


------×××------


"WTF!. Who's that girl? Is it Sharon on the billboard who will play Maria Clara?" takang tanong ni Dave kay Tristan ngunit hindi rin mamukaan ni Tristan ito dahil hindi hawig ng babae ang gumaganap na Maria Clara na si Sharon. "Well, I don't care who that person is, but she's beautiful." dagdag ni Dave sa kanyang sinabi.


------×××------


"Damn bro. Look at that Maria Clara's impersonator. She's fucking gorgeous." natutuwang sambit ni Gio kay Leo pero hindi ito lumingon kay Gio dahil nanatili pa rin itong nakatitig kay Maria Clara.


------×××------


"Greg, look at that guy is that Carlo?" takang usisa ni Mhaela kay Greg kaya lumingon ito kay Crisostomo Ibarra para usisain. 


"The heck he is." pagkabigla ni Greg ng matapos niyang usisain si Crisostomo Ibarra at nakipag titigan ito kay Mhaela.


Puro pagtataka ang bumabalot sa kaisipan ng mga manonood dahil hindi nila maintindihan ang mga nagaganap. Iba ang inaasahan nilang gaganap bilang Maria Clara at Crisostomo dahil hindi ito ang kanilang nakita sa billboard sa hallway ng unibersidad.


Romansa sa Balkonahe. Alex bilang Maria Clara at Carlo bilang Crisostomo Ibarra.


"Kailan ka pa dumating? Bat hindi ka man lang nagpasabi." usisang tanong ni Alex kay Carlo.


"Paumanhin kung hindi ko man lang sa iyo nasabi dahil ito sa kadahilanan na gusto kitang supresahin. Kamusta ka na? Walang pagbabagong naganap sa San Diego ngunit sayo? Isang napakalaking pagbabago. Ni hindi na kita makilala. Dahil ang kagandahang iyong tinataglay noong tayo’y musmos pa lamang ay dumoble at lumabis pa." nakangitng sagot nito kay Alex.


"Napaka ganda naman ng iyong papuri. Huwag kang ganyan at baka maniwala ako." nahihiyang sabi ni Alex kay Carlo atsaka ito ngumiti.


"Dapat kang maniwala Maria pagkat ang aking na sambit ay pawang katotohanan." pagsabi ng katotohanan ni Carlo kay Alex.


"Kung ganon maraming salamat sa iyong papuri ginoo." pagtanggap ni Alex sa papuri ni Carlo.


Saglit na tumahimik ang dalawa. Ngumiti si Carlo kaya napangiti rin si Alex. Kakanta si Alex at Carlo ngunit hindi mapakali si Carlo.


"Anong nangyayari sainyo ginoo?" takang tanong ni Alex kay Carlo at agad namang sumagot ito.


"Ikaw kasi!" sambit ni Carlo kaya bakas kay Alex ang pagtataka dahil hindi nito alam ang kanyang sinasabi.


"ha? Bakit?" tanging naging tanong ni Alex kay Carlo.


"Napakakulit mo dahil lagi kang pumapasok sa utak ko." sagot ni Carlo at pansin rin ang pag ngiti ni Alex sa mga katagang binitawan ni Carlo sa kanya.


"Anong sinasabi mo ginoo?" takang usisa ni Alex habang ito ay nakatitig kay Carlo.


"Dahil sayo nakalimutan ko ang aking tungkulin na dapat gampanan. Kailangan ko nang umuwi ngayon sa aking bayan. Bukas ay araw na ng mga patay." sagot ni Carlo kaya napatahimik si Alex. Pinagmasdan si Don at pumitas ng bulaklak atsaka inabot kay Ibarra.


"Sige na! Hindi kita pipigilan. Alam kong magkikita rin tayong muli pagkaraan ng ilang araw. Ialay mo ang mga bulaklak na ito sa puntod ng iyong magulang." nakangiting suhestyon ni Alex kay Ibarra.


"Kung ganon hanggang sa muli nating pagkikita." sagot naman ni Carlo kaya tumugon ng ngiti si Alex atsaka umalis na si Ibarra. Ilang saglit rin ay Dumating si Tiya Isabel at tumungo sa tabi ni Alex.


"Oh tiya. Nandyan ho pala kayo." takang tanong ni Alex kay Tiya Isabel.


"Oo. Marahil ay hindi mo lang ako napansin dahil nakatuon ang atensyon mo sa binatang iyon. Ano pa man ay tayo na sa silid dasalan dahil oras na ng pagdadasal." pag-anyaya ni Tiya Isabel kay Alex atsaka sila nagtungo sa silid dasalan. 


The end of roleplay.


Ilang oras din ang lumipas ay natapos na ang lahat ng magro-roleplay. Ngayon ay aanunsyo na ng emcee kung ano nga ba ang naging score ng bawat miyembro na kasali sa kompitesyon. 


"Again, thank you to all the judges for giving a fair score to all opponents in this competition. Without wasting any of time, I would like to announce the winner for today's competition. Starting from the third place. Please give a big round of applause to Jack and Rose from Titanic." pagpalakpakan ng mga manonood, professor at iba pang kasali atsaka lumapit ang main character ng Titanic.


"Now, time to call upon the second place winner. Please give a big round applause to Romeo and Juliet." pagpalakpakan ng mga manood at iba pa atsaka lumapit ang mga main character ng Romeo and Juliet.


Kinakabahan ang lahat sa huling tawag ng emcee dahil ang babanggitin nito ay ang winner ng competition. Magkahawak ang kamay nila Carlo at Alex dahil sa kaba na nadadama ni Alex. Maski si Luigi ay napapikit habang hawak ang kamay ni Sofhia dahil isang kampo na lang ang tatawagin upang maging isang kampyon sa pag-akto.


"Now is the time that everybody's waiting for. The winner for this year roleplay competition for prestigious university goes to……….." kinakabahan ang lahat at halos nakatutok ang mga estudyante sa pagbanggit ng mananalo. Napayakap na lang ng hindi inaasahan ni Alex si Carlo ng mahigpit dahil hindi niya kayang marinig ang sasabihin ng emcee.


"MARIA CLARA AND CRISOSTOMO IBARRA." anunsyo ng emcee atsaka iniharap ni Carlo si Alex sa kanyang mukha ng may pagka lapad na ngiti. Bakas kay Alex ang pagtataka kaya tumingin ito sa harapan ng stage atsaka niya napansin na sa kanila nakatutok ang spotlight. 


"Oh My Gosh! Nanalo tayo?" takang usisa ni Alex kay Carlo atsaka naman tumango tango si Carlo sa kanya. Kaya napangiti ng pagkalapad si Alex atsaka niyakap si Carlo. 


Nang marinig kung sino ang mga nanalo ay nagsitalunan ang mga kaklase ni Alex atsaka nakita rin nila Sharon at Miguel ang lahat tuwang tuwa ang mga ito, dahil, kahit hindi sila ang gumanap ay naipanalo ng kanilang kaklase ang lahat.


Nakangiting lumapit si Alex at Carlo sa harap malapit sa emcee upang abutin ang tropi na kanilang pinagpaguran. Iniabot naman ng emcee ang tropeyo sa kanilang dalawa. 


"Maari ba naming makilala kung sino ang nasa likod ng Maria Clara at Crisostomo Ibarra?" nakangiting tanong nito kila Alex at Carlo habang sinasabi ito sa microphone atsaka nagkatinginan sila Carlo sa isa't isa.


Dahil sa sinabi ng Emcee ay tumahimik ang lahat ng manonood at ngayon tanging sila Alex at Carlo na lang ang hinihintay upang isiwalat ang kanilang katauhan sa mga manonood. Bakas man kila Alex ang pagkakaba at takot na baka bawiin ang pagkapanalo dahil hindi sila ang totoong gaganap bilang Maria at Ibarra sa kompetisyon na iyon.


"I'm Carlo Ventura from section 401 as a Crisostomo Ibarra." pagbunyag ni Carlo sa kanyang sarili at ipinalibot niya ang kanyang mata sa mga manonood atsaka napansin nito ang pagbulong bulungan nila. 


Pagkatapos magpakilala ni Carlo ay hinihintay naman nila kung sino ang nasa likod ni Maria Clara dahil sa katangiang ganda at napakahusay nitong pag-akto. 


Kinuha ni Alex ang microphone na hawak ni Carlo at saka niya inilibot ang mga tingin sa mga manonood atsaka niya itinuon ang tingin sa mga judges. Aakma na sana itong magsasalita ng masilayan niya ang familiar na mukha. 


Hindi kalayuan sa mga husgado ngunit kuhang kuha nito ang mukha na dating minahal niya. 


"Tito Paul?" takang nasambit nito kaya nilingon ng mga manonood kung sino ang tinutukoy nito. Napigil ang lahat ng magsalita uli ang emcee kaya napalingon ang lahat sa harapan ng stage.


"Excited na ba ang lahat kung sino ang nasa likod ng katauhan ni Maria Clara?" magarbong tanong ng emcee sa mga manonood.


"Baby Clara name reveal!" sigaw ni Adam leader ng Batotski atsaka naman sumabay ang mga kasama nito.


"Name reveal"

"Name reveal"

"Name reveal"


Paulit-ulit na sigaw ng manonood kaya mas lalong nagkaroon ng pagkakakaba sa dibdib ni Alex. Sobrang takot itong ipakita ang kanyang katauhan dahil baka bawiin o hindi magustuhan ng iba na lalaki ang gumanap bilang Maria Clara. 


Lumapit si Carlo sa kanyang tabi atsaka hinawakan nito ang kanang kamay ni Alex kaya napalingon si Alex sa kanyang gawi. Ngumiti si Carlo sa kanya kaya nagkaroon ng konting lakas si Alex.


"Look, is that her Girlfriend?" takang usisa ni Greg kay Mhaela dahil nakita nila itong kinuha ang kamay ni Maria Clara. Pero hindi sumagot si Mhaela dahil hindi niya rin alam.


------×××------


"Ipakilala na yan..." pagsigaw ni Jasper kaya napalingon naman si Erick sa kanyang tabi atsaka niya ito pinatigil. 


------×××------


Dahil sa mga hiyawan ay naglakas loob ng ipakilala ni Alex ang kanyang sarili. Kahit pa'y takot at kabado ito sa kanyang makikitang reaksyon ng bawat manonood.


"I'm Alexis Guevara from section 401 bilang isang Maria Clara." pagkasabi nito ay biglang nagbulungan ang mga manonood at bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka at ang iba ay napatayo pa dahil sa gulat na lalaki ang gumanap bilang Maria Clara.


"Wait, what a guy?" takang sabi ni Cloe atsaka ngumisi itong nakaharap sa stage.


"The guy who got a scholarship in our university." sagot Crystal kay Cloe habang tinitignan nila ito mula ulo hanggang paa.


"Or maybe a gay." dugtong ni Claire atsaka lumingon si Cloe at Crystal sa kanya atsaka sila nagtatawanan.


"Oh my god! Kaloka ka Crystal, Baka bakla ang ipapalit sayo ni Adam." pang-aasar ni Cloe kay Crystal atsaka sila tumawa ni Claire.


"Shut up, Cloe. Don't he dare." pagtaas ng kilay ni Crystal kay Alex habang nakangisi ito.


------×××------


"What the fuck? Is that really Alex?" takang tanong ni Dave kay Tristan habang tulala ang mga ito sa stage.


"I don't know man." tanging naging sagot ni Tristan kay Dave habang nakatingin parin sa harapan ng stage. 


"He's really beautiful." nakangising pagsingit ni Charles sa kanilang usapin atsaka naman nilingon ito ni Elijah.


"Wait! Is that my brother?" biglaang sabi ni Elijah na may pagtataka atsaka niya inusisa ito sa malayuan, dahil sa pagkabigla ng pagkasabi ni Elijah ay nilingon naman nila Tristan, Charles, at Dave habang tinuturo ito patungo sa tinutukoy niyang Kuya. "Bakit andito siya?" usisa ni Elijah pero nagkibit balikat na lang ang mga ito atsaka ibinalin ang pansin sa stage. 


Tumayo naman si Elijah at saka niya sinundan ang tinutukoy niyang kuya. Palabas na ngayon si ang lalaki sa loob ng stage kaya naman hinabol ito ni Elijah.


Susunod...