Chapter 27 - Disqualified
Author's POV
Pagkalabas ni Elijah ay inikot nito ang tingin sa buong paligid ngunit hindi niya ito makita kaya naglakad pa ito ng kaunti dahil alam nitong hindi pa siya nakakalayo mula sa paglabas nito.
Hindi sa kalayuan pero nahalagilap na ni Elijah ang kanina pa niyang hinahanap. Humakbang ito patungo sa kanyang hinahanap.
"Kuya Paul?" usisang tawag ni Elijah atsaka naman lumingon ang taong tinawag niyang Paul habang may kausap sa telepono pero ibinaba niya rin iyon agad atsaka lumapit ito kay Elijah.
"Oh, Elijah anong ginagawa mo dito? Tapos na ba yung roleplay?" takang tanong ni Paul sa kanya habang seryosong nakatingin si Elijah.
"Sinong kausap mo kanina? Atsaka bakit ka andito? at bakit judges si Dad hindi ba ayaw niya maging judge sa mga ganitong event?" sunod sunod na tanong ni Elijah kaya naman napangisi si Paul sa kanya.
"Ikaw talaga. Hindi ka pa rin nagbabago palagi ka paring tanong ng tanong." sagot nito atsaka niya hinaplos ang buhok ni Elijah pero inalis rin agad iyon ni Elijah. "Nagpasama si Dad sakin kaya sumama na lang din ako since hindi naman ako masyadong kailangan sa resto ko. Yung kausap ko kanina sa telepono ay staff ko. Tinanong ko lang kung wala bang naging problema sabi naman niya ayos lang daw ang lahat." dugtong nito atsaka siya ngumiti.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay inaya na siya ni Paul para pumasok sa stage at sumama naman ito. Bakas pa rin kay Elijah kung bakit judge ang kanyang ama dahil alam naman nitong nasasayangan sa oras ang kanyang ama sa mga ganitong patimpalak.
"Kuya Paul." sambit ni Tristan ng bumungad ito sa kanilang harapan atsaka siya nakipag kamao kay Paul. Umupo si Paul sa tabi nila Tristan atsaka siya inusisa nila Dave at Charles gayon rin si Tristan.
Magkakasama ngayon sa iisang pwesto ang Macabre at Paul habang pinagmamasdan ang gumanap na Maria Clara. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Dave sa kanyang narinig gayon rin ang iba. Hindi kasi nila inaasahan na ang gumanap na Maria Clara ay isang lalaki at bukod pa don ay napakaganda talaga niya. Hindi napagkamalang lalaki o bakla si Alex dahil sa pangangatawan nito at mahinhin nitong pananalita habang binibigkas ang kanyang dialogue.
------×××------
Dahil sa pagpapakilala ni Alex sa harapan ng entablado ay kitang kita niya ang bawat reaksyon ng mga manonood. Hindi naman masyadong kinabahan si Alex sa mga naging rekasyon ng iba dahil pinalakas ni Carlo ang loob nito atsaka hawak ni Carlo ang kanyang kamay.
"Okay lang yan Alex, huwag mong isipin yung sasabihin ng iba." bulong ni Carlo sa tabi ni Alex habang nakangiting nakatingin sa mga manonood.
"Thank you." pasasalamat ni Alex kay Carlo dahil hindi ganon kalala ang pagkakaroon nito ng kaba at saka siya ngumiti sa harapan ng mga manonood na walang pag-aalinlangan.
------×××------
"What the fuck." natatawang sabi ni Cloe sa kanyang mga katabi habang pinagtitinginan nila si Alex.
"I know right! Ang lakas ng confidence akala niya siguro siya ang bida." sambit ni Claire habang nakangising nakakainsulto. "Make a scene, Crystal." dugtong nito atsaka niya nilingon si Crystal.
"No way. My god." pagkabiglang sagot ni Crystal kay Claire atsaka niya nilingon si Claire na nakakunot ang noo.
"Oh my god! Hindi mo kaya?" paghahamon ni Claire kay Crystal habang nakangisi ito ng nakakainsulto upang pangliitan si Crystal ng tingin. Bakas naman kay Crystal ang pagkainsulto kaya aakma na sana itong tatayo ng biglang may sumigaw malapit sa kanilang kinauupuan.
"What the fuck. Really ganiyan niyo insultuhin ang isang Maria Clara? Bakla ang gaganap? How pathetic is that at isa pa hindi sila yung nasa poster so bakit iba ang gumanap bilang Clara at Ibarra. Sobrang unfair sa ibang opponent." protesta ng babaeng estudyante.
Napanganga naman ang Tripple C dahil hindi na pala nila kailangan gumawa ng hakbang dahil may gumawa na para sa kanila. Habang si Alex ay napalingon sa gawi ng babaeng nag protesta.
"DISQUALIFIED" sigaw ng isang estudyanteng lalaki kaya napalingon ang iba sa kaniyang gawi. Sinundan din ng iba ang sigaw na Disqualified kaya napahigpit ng hawak si Alex sa kamay ni Carlo.
Ramdam ni Carlo ang takot at kaba ni Alex dahil napansin nito ang itsura ni Alex na namumutla. Kahit si Carlo ay hindi alam kung paano niya patitigilin ang ibang estudyante.
------×××------
"Grabe hindi ako makapaniwala sobrang ganda nung gumanap na Maria Clara pero may lawit pala." sabi ni Gio kay Leo pero si Leo ay seryoso paring tinitignan si Alex. Gusto niyang lumapit doon upang usisain si Alex pero ayaw niyang makadagdag sa problema ni Alex.
------×××------
"Anong gagawin mo?" takang usisa ni Jasper kay Erick habang tinitignan nila si Alex.
"Hindi ko alam Jas." sagot ni Erick sa tanong ni Jasper atsaka siya nag-isip isip ng malalim.
"This is your chance Erick kunin mo na ang loob niya. Kailangan niya ng tulong." sabi ni Jasper kaya napalingon naman si Erick sa gawi ni Jasper atsaka tumango ito upang sumenyas na gawin na ang dapat gawin.
------×××------
Nagsitinginan naman sila Dave, Tristan, at Charles sa isa't isa dahil hindi nila inaasahan ang ganitong pangyayare at bukod pa don ay minsan lang din nangyare ang ganitong situation sa Hu.
Nilingon pa ni Dave yung lalaking sumigaw na disqualified si Maria Clara sa kanyang likod at tinitigan niya ito ng masama. Napansin naman ng lalaki iyon kaya napatikom ng bibig ang lalaking estudyante.
Anong susunod mong gagawin Alex. seryosong bulong ni Elijah sa kaniyang sarili habang tinitignan ng seryoso si Alex mula sa gitna ng mga upuan.
------×××------
"Bitawan mo ako Sofhia sasabunutan ko lang yung babaeng sumigaw. Masyadong paepal." bwisit na sabi ni Luigi kay Sofhia dahil sa pagkasira ng moment ni Alex sa pagkapanalo dahil sa babaeng nagsimula ng protesta.
Nagpupumilit parin kumalas si Luigi sa pagkahawak ni Sofhia sa kanya dahil gustong gusto ng manampal ni Luigi dahil sa inis.
------×××------
Nakatulala naman na pinapanood nila Mhaela at Greg ang nangyayari kay Carlo dahil bilang kaibigan ni Carlo ay nakikitaan rin nila ito ng pagkaawa dahil tingin nila ay na aapektohan si Carlo sa nangyayari sa partner niya.
------×××------
"Ladies and gentlemen. Gusto ko lang sabihin na may reason kung bakit sila ang gumanap bilang isang Maria Clara at Crisostomo Ibarra." anunsyo ng emcee atsaka nagsitahimikan ang lahat. "Nagkaroon ng problema ang gaganap bilang Maria Clara at Ibarra kaya sila ang nag boluntaryo bilang Clara at Ibarra." dugtong ng emcee upang maliwanagan ang manonood.
"Bakit isa lang ba ang babae sa kanilang section kaya bakla ang gumanap bilang Maria Clara?" protesta ni Cloe ng tumayo ito atsaka siya nilingon ni Claire at Crystal na parang namangha.
"Oh my gosh! Cloe sayo na ang korona." pagkamangha ni Claire sa kanyang besties na si Cloe kaya sinabayan na nga nila si Cloe sa pagprotesta. Alam nilang malakas ang mga ito sa mga estudyante dahil binansagan silang Cheerleader queen.
"Cloe is right! Disqualified Maria Clara and Crisostomo Ibarra." pagsang-ayon ni Claire atsaka ito sumigaw ng Disqualified.
Dahil sa mga binitawan na mga salita ng mga cheerleader ay mas lalong lumakas ang loob ng iba na idisqualified ang team nila Alex. Kahit si Luigi ay napahinto na lang sa likod ng stage at hindi niya alam ang gagawin.
Dahil sa mga narinig at madaming pagsang-ayon ng karamihan na idisqualified si Alex ay nawalan ito ng pag-asa pinanghinaan ito ng lakas ng loob. Hindi na makatingin si Alex sa mga manonood dahil nahihiya na itong humarap sa mga tao. Nasa isip isip ni Alex ay gusto niya ng tumakbo pero kapag ginawa niya iyon ay mas lalo lang niya ipinahiya ang kanyang sarili.
"Ladies and gentlemen, especially to KAO University and the judges. I'am Remy Lagman, a 4th year college student and a SSG President at Holy University. Gusto ko lang pong ipaliwanag sa inyo na wala po sa rules kung sino po ang gaganap bilang isang character na napunta sa kanila. Sa katunayan po ay nakakahanga po ang kanilang ginawa, why? Dahil nagkaroon ng problema ang kanilang representative pero eto instead na mag backout sila ay nakaisip sila ng idea kung sino ang pwedeng gumanap bilang Clara at Ibarra. Hindi naging hadlang sa kanila ang ibang tao bagkus ipinaglaban at naipanalo nila ang pagiging roleplayer sa taon na ito. Nabigyan naman nila ng justice ang pagiging Maria Clara at Crisostomo Ibarra. So bakit hindi natin sila bigyan ng chance at isa pa hindi ba't napaka memorable ng taong ito dahil hindi niyo expected ang nangyari." anunsyo ni Remy habang nakangiting nakatingin sa kanyang likuran dahil sa pagdepensa kila Alex.
Naging tahimik ang lahat dahil sa anunsyo ni Remy kahit si Cloe ay walang masabi at hindi niya kayang palagan si Remy dahil mas mataas at mas kilala ito ng mga estudyante.
Tumayo si Adam ang leader ng Batotski sa kanyang kinauupuan atsaka ito pumalakpak habang nakaharap sa entablado. Nilingon naman siya ng mga ibang manonood atsaka sinabayan siya ng kanyang mga ka myembro.
Pumalakpak rin si Leonardo gayon rin si Gio. Sunod non sila Erick, Jasper, Mhaela, Greg, Tristan, Dave, Charles, Paul, Luigi, And Sofhia. Sunod sunod ng pagpalakpakan ng ibang manonood kaya napangiti ng bahagya si Alex dahil sa kanyang mga nakikita. Humarap naman sa kanya si Remy atsaka niya ito nilapitan.
"Thank you Remy." nakangiting pasasalamat ni Alex kay Remy atsaka niya ito niyakap ng mahigpit sa kabila non ay nagsisimula na din tumulo ang kanyang mga luha dahil sa pagkapanalo.
"You deserve it, Alex!" sagot ni Remy atsaka naman lumingon siya kay Carlo at sabay lapit ni Carlo sa kanilang gawi atsaka siya nakiyakap. "Congrats to both of you." dugtong ni Remy kila Carlo at Alex.
Tumayo si Elijah upang lumabas na pero napansin iyon ni Paul. Balak sa ng tawagin ni Paul si Elijah ngunit tinawag siya ni Dave. Kaya hindi niya na ito sinundan pa.
------×××------
Pagkatapos ng anunsyo ay agad ng tumungo sila Alex at Carlo sa likod ng Stage habang palapit sila sa likod ay sinalubong sila ni Sofhia at Luigi. Nagyakapan ang apat habang nagtatalon talon sa tuwa.
"Congrats Alex and Carlo!" sabay na pagkasabi ni Sofhia at Luigi at halos mapunit na ang kanilang bibig dahil sa pagngiti.
"Ano ba kayo congrats sa ating lahat." sabi ni Alex kaya naman na pa pout sa tuwa ang dalawa dahil sobrang sweet ni Alex at ibinahagi nito ang pagkapanalo sa lahat.
"Guys may pupuntahan muna ako saglit." pagpapaalam ni Carlo sa kanilang tatlo atsaka na ito umalis. Tumungo si Carlo sa hallway malapit sa may library at may dalawang lalaking naghihintay sa kanya roon.
"Good job Carlo, you did great." komplimento ni Mr. Galeigndon kay Carlo atsaka siya ngumiti sa mga ito.
CARLO'S POV
Dahil nakaplano na ang lahat at hindi dadalo sila Sharon at Miguel ay kailangan kong kumbinsihin si Alex na siya ang gaganap bilang Maria Clara. Dahil utos ito ni Mr. Galeigndon.
Bumungad sa pintuan si Alex na hingal na hingal siguro ay alam nitong late na siya kaya tumakbo ito mula sa unang palapag hanggang sa pang apat na palapag ng building.
"Alex, bakit ngayon ka lang at mukhang pagod ka?" takang tanong ko kay Alex at pansin ko rin ang paglingon ng iba pa naming kaklase pero lumingon ito kay Luigi.
"Beh, patulong ako rito." tawag ni Luigi kay Alex kaya agad ng naglakad patungo si Alex sa gawi ni Luigi pero bago ito tumungo kay Luigi ay sinagot na muna ni Alex ang katanungan ko.
"Nagka-traffic kasi kanina eh." sagot ni Alex sa akin atsaka siya tumungo kila Luigi upang tumulong sa pag-aayos sa mga gaganap sa roleplay.
Inusisa ni Alex ang mga suot ng kanyang mga kaklase para sa gagamitin nilang roleplay dahil hindi naman marunong mag make-up si Alex. Pagkatapos ay inisa-isang ibinigay ni Alex ang mga wig ng kanilang gagamitin.
"Guys may problema tayo." kinakabahang sabi ni Hazel. Si Hazel ay kaklase namin. Napalingon naman ang lahat sa gawi niya at bakas sa mukha nito ang pagkakakaba. "Malapit na magsimula ang program." tarantang dugtong nito sa buong klase at halos manginig na ang katawan nito dahil sa kaba.
"Saglit na lang to." sagot naman ni Luigi habang tinatapos ang huling pag-aayos sa isa pang kaklase nito na kasali sa roleplay.
"Hindi iyon ng problema." sigaw ni Hazel dahil hindi na niya alam ang gagawin at bakas naman sa mukha ni Alex ang pagtataka kung ano ba ang gustong sabihin ni Hazel sa kanila. "Wala pa si Sharon at Miguel." dugtong ni Hazel sa kanyang sinabi kaya nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng klasroom at dahil don ay kailangan kong umakto na nabigla.
"What the fuck! So, ano nagback out yung dalawa?" naiinis na sagot ni Luigi dahil nadismaya ito sa ginawa nila Sharon at Miguel atsaka naman nilapitan ni Sofhia si Luigi upang pakalmahin ito.
"Guys nagtext si Sharon nag overheat daw yung sasakyan ni Miguel." sagot ni Myrtle isa pang kaklase namin na kaibigan ni Sharon. Pero ang totoo non ay hindi talaga nag overheat ang sasakyan nila Miguel at Sharon kasalukuyan na nandito na sila sa loob ng unibersidad.
At dahil sa narinig nila ay nagkaroon ng mga pagtatalo sa loob ng klasrum. Hindi nila inaasahan na magkakaroon pa ng aberya ang sinasakyan nila Miguel kung kailan malapit ng magsimula ang programa.
"Siguro sunduin ko na lang sila." suhestyon ko sa kanila kaya napalingon sila Alex sa gawi ko atsaka naman tumango si Alex para sumang-ayon ito.
Aakmang aalis na sana ako ng biglang pumasok ang aming Professor sa loob ng klasrum. Tuwang tuwa ako dahil umaayon ang aking plano. Inusisa ng Professor ang loob ng klase at saka niya nilingon ang mga props na gagamitin para sa roleplay atsaka niya tinignan ang mga gaganap sa roleplay.
Bawat estudyante na nasa loob ng klasrum ay walang imik dahil sa kaba. Hindi nila alam ang gagawin dahil nagkaroon ng problema at ilang minuto na lang din ang kanilang oras na natitira ay magsisimula na ang programa.
"Okay, Students. Tama na ang preparation. Lahat kayo ay bumaba na at maghanda. Lahat kayo ay pumunta sa likod ng backstage upang doon ituloy ang inyong pag-aayos. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang programa. Nandon na rin ang taga KAO University." anunsyo ni Prof. Bering atsaka naman nagsitinginan sa isa't isa ang magkakaklase. "Dalian niyong kumilos dahil pangalawa kayo sa mag peperform." dagdag nito sa kanyang sinabi atsaka ito lumabas sa loob ng klasrum.
Bakas sa lahat ng estudyante ang pagkakakaba dahil alam nilang hndi kona kayang habulin sila Sharon at Miguel dahil kulang na kami ng oras para sa kanila.
Nasa likod ng backstage kaming lahat at kitang kita sa bawat galaw at kilos ng isa sa amin ang pagkakaba. Kapansin pansin rin na nag-aalala si Alex kay Luigi dahil hindi ito makapakali sa kakalakad. Bakas kay Alex na gusto niyang tumulong pero hindi niya alam ang gagawin.
Pagkatapos non ay lumingon sa aking gawi si Alex nakita ko itong nag-aalala kaya eto na yung time para kumbinsihin siya. Lumapit ako sa kanya atsaka ko hinawakan ang kanyang pulsuhan. Balak ko siyang ilayo sa walang tao upang makausap ko siya ng maayos napansin ko pang nakita kami ni Luigi pero hindi naman ito sumunod. Kaming dalawa na lang ni Alex andito at dito ko na balak ipaalam kay Alex ang gusto kong sabihin.
"Are you okay Alex? Kanina ka pa kasi hindi mapakali." pauna kong sabi at napasinghap ito ng malalim atsaka tumingin sa akin ng masinsinan.
"Carlo, hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam ang gagawin ayaw ko rin masayang ang pinaghirapan natin ng dahil lang sa wala atsaka inaasahan tayo ni Prof. Bering na tayo ang makakakuha ng roleplay of the year." sagot ni Alex sa akin na may pagkadismaya kaya napangiti naman ako sa kanya.
"There's one solution." sabi ko rito at bahagya itong tumingin sa aking mga mata na parang may pagtataka pero nangingibabaw sa kanya ang pagka-usisa. "Ikaw ang gaganap bilang Maria Clara." dugtong ko rito pero nanlaki ang mata ni Alex sa kanyang narinig.
"Baliw ka ba? Lalaki ako atsaka, ano, ipapasuot mo sa akin yung pangbabae?" pagtaas ng tono nito habang nakakunot ang noo sa akin. "Hindi porket bakla ako eh kailangan ko ng magsuot ng pambabae, hindi lahat ng bakla ay mahilig sa mga pambabae." dugtong nito atsaka nag cross arm pa sa akin.
"Alex, akala ko ba gusto mong makatulong? Eto na yung chance mo at saka wala naman ng iba pang nakakaalam ng script ni Clara kundi ikaw lang." pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya upang sumang-ayon siya sa akin.
"Ihhh! Nakakainis ka Carlo. Ginagaslight mo ako, Epal ka." nakasimangot nitong sagot at tingin ko ay wala na siyang choice kundi sumang-ayon sa akin.
"Alex!" hinawakan ko ang mukha ni Alex. "Ikaw ang pag-asa namin atsaka ayaw mo ba non? Ako yung Crisostomo Ibarra mo." paglalambing kong dugtong dito kaya napalingon ito sa akin na nakakunot ang noo.
"Carlo natatakot ako, paano kung malaman nila na hindi babae ang gumanap kay Maria Clara?" usisang tanong ni Alex sa akin kaya nginitian ko lang ito.
"Alex hindi naman nila malalaman yon, at kung malalaman man nila yon akong bahala sayo hindi kita iiwan." pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya at unti unti ko ng siyang napapayag.
"Per-" siniil ko siya ng halik upang hindi na siya makapag salita. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang labi. Nabigla pa siya sa nangyari pero hindi ito pumalag at nilabanan na lang niya ang paghalik sa akin.
Shrik!
"Ano yon?" takang tanong ni Alex dahil sa tunog na humalagusgos sa paligid pansin ko pa sa kanyang mukha ang pagkakaba.
"Alex daga lang yon." sabi ko rito kaya lumingon ito sa akin atsaka tinignan ako sa mga mata.
"Okay, Fine! Ako na gaganap bilang Maria Clara." sabi nito at nabuhayan naman ako ng loob dahil sa kanyang sinambit kaya hinalikan ko uli siya sa labi atsaka niyakap. "Carlo! Okay, tama na baka may makakita pa sa atin." dugtong nito kaya inaya ko na siya sa loob.
Pagkatapos ay tumungo na kami sa backstage upang ipaalam sa kanila na kami ang gaganap bilang Maria at Ibarra. Nagulat pa ang iba at tinignan si Alex pero wala na silang choice kaya kinuha na nila ang susuotin namin bilang Clara at Ibarra habang yung iba ay kinausap ang emcee upang sa pagbabago ng representative.
