CHARLES'S POV
Pool Scene;
Napansin kong nahihirapan na si Alex sa malakas na paghampas namin ni Dave kaya pinatigil ko na si Dave sa paghampas upang alamin kung ano ang kalagayan ni Alex.
"Are you okay Alex?" pag aalalang tanong ko dahil napansin kong hindi na gumagalaw si Alex sa kanyang pwesto. Kaya naman agad akong umakyat sa lupa upang buhatin si Alex papunta sa may lupa. At napansin kong hindi pa rin kumikibo si Alex mula sa kanyang kinauupuan. Kaya natataranta na ako.
"Dave hold Alex first I'll just get him some medecine." pag aalalang sambit ko kay Dave. Kaya agad akong tumayo upang tumakbo patungo sa loob ng bahay upang maghanap ng gamot pampakalma para makahinga siya ng maayos. Nang makakita ako ng gamot pampakalma ay agad na akong tumakbo patungo kila Alex.
Nabigla ako sa aking nakita kinusot ko pa ang mata ko ng dalawang beses pero hindi ako namamalik mata. Nakita ko si Dave na hinalikan si Alex. Ang sunod na nangyari ay agad namang tumayo si Alex at sabay nitong tinulak palayo si Dave na para bang sinisigawan niya ito. Kaya naman guminhawa ang aking loob.
Kaya ng yayakapin na ni Dave si Alex ay agad na akong nagtungo sa kanila upang alamin kung ano ang kalagayan ni Alex.
"Are you okay Alex?" pag alalang tanong ko habang hinahaplos ang kanyang likuran.
"Yes, thanks for this Charles." ngiting sagot nito habang nakatingin rin siya sa akin dahil don ay guminhawa ang aking pakiramdam dahil alam kong maayos na si Alex.
Kitchen Scene;
Maya maya pa ay bumalik na kaming lahat sa loob ng bahay. Nagpaalam muna ako kay Alex at Dave na may kukunin lang ako sa aking kwarto. At agad naman akong nagtungo sa aking silid.
Nakita kong nakaopen pala ang aking komputer kaya tinignan ko ito lalong lumaki ang views at mas dumami pa ang nag follow sa akin dahil sa paglivestream namin ni Alex. Kaya gusto kong tanungin siya kung pwede ko ba siyang maging FuBu.
Mga ilang minuto ay masaya akong bumaba para yayain si Alex na sumali sa aking pag sstream at matanong na rin siya kung pwede siyang maging partner ko. Pero hindi ko inaasahan ang aking nakita, nakita ko si Dave na nakayakap ng mahigpit kay Alex. Kitang kita ko mula sa hagdan kung ano ang pinaggagawa nila.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil hindi ko inaakala na may gusto rin pala si Alex kay Dave.
Mga ilang minuto rin ay nakita kong tinanggal na ni Dave ang mahigpit na pagkayakap nito kay Alex. Ang sunod na nangyari ay hinalikan ni Dave si Alex sa pisnge nito at tila'y hindi naman tumanggi si Alex sa ginawa ni Dave.
Napaisip ako kung may relasyon na ba silang dalawa. Alam kong madami ng nakaharutan si Dave at pati mga maid namin dito ay hindi niya pinatos lalo na kung magaganda rin ang katulong namin pero hindi ko alam na pati si Alex papatusin niya.
Ilang saglit din ay patungo na si Dave papunta sa akin kaya naman bumaba na din ako mula sa hagdan. Upang lumapit kay Alex para tanungin kung hindi na masama ang pakiramdam niya.
"Alex are you sure you're okay?" pag alalang tanong ko sa kanya dahil gusto kong kumpirmahin kung ayos lang ba talaga siya pero sa palagay ko ay ayos naman na siya.
"Okay lang ako Charles, salamat sa concern." nakangiting sagot nito sa akin kaya napangiti na rin ako sa kanya. Dahil ayos naman na ang kalagayan niya ay gusto ko siyang tanungin kung okay lang bang maging FuBu ko siya.
"Ahm, don't you have anything to do later?" nahihiyang sambit ko dahil gusto ko uli siya makasama sa live namin.
"Ahm, wala naman bakit?" pagtatakang tanong nito. Natuwa ako sa kanyang response nung sinabi niyang wala naman siyang gagawin kaya baka mag karoon ako ng chance na sumali siya sa pag stream ko.
"Since you don't have anything to do later, can you join me for a livestream? Pagkatanong ko sa kanya ay batid ko sa kanyang itsura na nagdadalawang isip ito kung tatanggapin ba niya ang aking alok.
"Kailangan ba kasali parin ako sa livestream mo?" pabalik nitong tanong sa akin at bakas sa mukha nito ang pag-iisip kung sasama ba ito or hindi. Ipinaliwanag ko naman sa kanya kung anong rason kung bakit gusto ko siyang makasama sa aking pag sstream.
"To be honest, Alex, when I included you, my viewers increased even more. Many streamers and onlyfans users dreamed to collaborate with me, but I refused, even though they offered large sums of money but I really prefer to do solo live. That's why they were surprised I was with a gay." paliwanag ko kay Alex dahil gusto kong malaman niya na kasaya ako na kasama ko siya sa pagsstream namin.
"So sinasabi mo ngayon na maswerte ako kasi ako yung kauna unahang nakasama mo sa live?" pagtatakang tanong nito sa akin.
"No, Alex, what I mean is that I'm happy to have you in my livestream." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Bakit?" pagtatakang tanong nito na para bang inuusisa ang bawat sinasabi ko sa kanya hindi ko alam kung naniniwala ba ito sa akin or iniisip niyang ginagamit ko lang siya.
"I don't know, but I'm comfortable with you because when I undress, you won't touch me unless I tell you to, as you did the last time." sambit ko habang minamasdan ko ang mga mata nito para malaman kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. "Because if it was someone else, they would rush to touch my entire body if they saw I was naked." napansin kong natagalan nagkaroon ng reaksyon sa mukha ni Alex kaya alam ko na ang kanyang sasagutin. Siguro nga may relasyon na sila ni Dave.
"Ahm, Charles." pagninilay-nilay nitong pagtawag sa aking pangalan dahil bakas sa mga mata nito na may bumabagabag sa kanyang isipan dahil kung gusto nitong sumama sa akin agad itong sasang-ayon pero hindi.
"But it's fine with me if you don't want to join my live, I understand." pagpilit kong ngumiti kahit na nabigo ako sa pag-aya sa kanya hindi ko rin siya masisi at ayoko rin pilitin yung isang tao kung ayaw naman talagang sumama.
"Hindi naman sa ganon Charles." sambit nito pero hindi ko na siya pinatapos sa kanyang susunod na sasabihin dahil alam kong wala na kaming patutunguhan.
"No need to explain Alex, don't you worry i wont force you." pilit kong ngiti. Kaya nung alam kong hindi makakasama si Alex sa akin ay nagkaroon ako ng tampo sa kanya. Kaya agad na akong naglakad patungo sa hagdan upang makapag pahinga na rin sa aking silid. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Alex sa aking pangalan pero hindi ko na ito nilingon pa.
Basketball Court Scene;
Napansin kong kasama ni Tristan si Alex habang bitbit nila ang mga pang umagahan. Sa bawat paglakad ni Alex ay nakita ko itong nakatitig kay Dave. Doon lumabas ang kutob ko na mayroon nga silang lihim na pag tingin sa isa't isa. Kaya hindi ko na lang din pinansin at nag simula na lang ako ishoot ang bolang hawak ko.
Mga ilang minuto ay narinig kong tinatawag na kami ni Tristan upang mag almusal na muna. Nakita ko si Alex na pinupuno ang mga baso ng juice. Napansin ko rin kumuha ito ng isa upang iabot nito kay Dave ngunit nabigla ako nung tinanggihan ni Dave ang alok ni Alex sa kanya kaya nagtaka ako sa mga nangyayari. At bigla naman nag salita si Tristan.
"Ah, Dave hinahanap ka pala ni Alex kanina mukhang may importante siyang sasabihin sayo." sambit ni Tristan kay Dave. Dahil sa sinabi ni Tristan ay nagusisa akong makinig sa kanilang usapan upang malaman kung bakit hinahanap ni Alex si Dave.
"H-ha, meron ba?" nauutal na pagtanggi ni Alex kay Tristan.
"Di ba kanina hinahanap mo si Dave hingal na hingal ka pa ngang bumaba kanina eh" sambit ni Tristan sabay tingin kay Dave pabalik sa tingin ni Alex. Pansin sa mukha ni Alex na nahihirapan ito magpaliwanag gaya nung nalaman kong may gusto ito kay Tristan ganiyan na ganyan ang kanyang itsura kapag hindi alam ang sasabihin niya.
"Ahh, Oo nga pala hinahanap ko si Dave kanina." pagpilit nito ngiti sabay kamot sa kanyang ulo.
"So, bakit mo siya hinahanap?" pag-usisang tanong ni Tristan kay Alex.
"H-ha" nauutal na pag sambit ni Alex. Paulit ulit na yung tanong ni Tristan pero hindi pa rin nito nasasagot ang mga tanong sa kanya. Bakas sa kanyang mukha na meron itong malalim na dahilan.
"Ano, kasi eh, ahm, magpapatulong sana ako sa kanya kanina pero wala siya sa kwarto niya." sagot ni Alex pero parang hindi ito sigurado sa kanyang sinasabi. Bigla naman gumalaw si Dave upang kunin ang kanyang cellphone at nagsimula itong maglakad patungo sa bahay.
"Dave, where are you going?" tanong ni Tristan habang inuusisa si Dave.
"I'm going to take a shower." sambit ni Dave habang nakatalikod sa amin.
"Won't you help Alex?" patanong ni Tristan
"I'm going somewhere now Tristan." sambit ni Dave
"Free ako ngayon Alex, baka makatulong ako." pag-alok ni Erick kay Alex. Napatigil naman si Dave ng nagsalita si Erick upang tulungan si Alex pero tumingin pa rin ito sa kanyang patutunguhan. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanilang dalawa dahil kagabi naman ay masaya pa itong naghaharutan.
Mga ilang minuto ay nagpaalam si Alex na mag cr daw ito pero hindi maganda ang kutob ko. Kaya ng umalis na si Alex ay agad naman akong sumunod dito dahil gusto kong malaman kung ano ang relasyon nilang dalawa.
House Scene;
Nakita ko si Alex na nasa tapat ng kwarto ni Dave at nakita kong pinagbuksan ni Dave si Alex. Agad namang pumasok si Alex ng bumukas ang pintuan at bigla itong sinarado ni Dave.
Nagtaka naman ako sa mga nangyayari hindi ko alam na magkakaroon sila ng relasyong dalawa. Dahil sa nausisa ako ay balak ko sa ng makinig ngunit sound proof ang lahat ng kwarto. Dahil sa nangyari ay naisip kong may relasyon nga si Dave at si Alex kaya siguro umiiwas sa akin si Alex.
Siguro kailangan ko na ring iwasan si Alex hanggang maaga pa. Mga ilang minuto ay bumaba na ako sa unang palapag. Nakita ko si Erick sa may sala kaya kinamusta ko siya sa kanyang pag eensayo para sa unang pasok sa paaralan.
Nakapag ensayo naman daw ito at kabisado niya na ang kanyang kakantahin at ganon rin daw ang kanyang kabanda. Masaya naman ang naging kwentuhan namin ni Erick.
Mga ilang minuto din ang lumipas ay nakita kong malungkot ang mukha ni Alex habang patungo siya aming pinaroroonan.
"Anong pinaguusapan niyo?" mausisa tanong ni Alex kay Erick at bakas sa kanyang itsura na hindi ito masaya. Iniisip ko ngayon kung ano nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng silid ni Dave.
"Tungkol lang sa pagpra praktis ko." sagot ni Erick sa tanong ni Alex.
"Ahh, kamusta naman yung pagpraktis mo?" tanong uli ni Alex kay Erick at napapansin ko na talagang hindi okay si Alex pero sino nga ba ako para mag-alala sa kanya hindi naman niya ako karelasyon.
"Okay naman, handa na rin ako sa darating na pasukan" ngiting sagot ni Erick habang tumango lang si Alex at tumingin ito sa akin ng nakangiti.
"Eh, ikaw Charles, ano ganap mo ngayon?" nakangiting tanong nito at hindi ko mabatid kung bakit bigla na lang nagbago ang ekspresyon nito na kanina lang ay malungkot pero nakangiting nagtatanong.
Nang ako na yung tatanungin ni Alex ay agad akong tumayo upang tumungo sa aking silid dahil ayoko muna kausapin si Alex.
"Oh, Charles saan ka pupunta?" pagtatakang tanong ni Erick sa akin at nakasulyap pa rin si Alex sa akin mula sa kanyang pagkakaupo.
"I'm tired, I need to rest first." seryoso kong sagot kay Erick upang mahalata nila na pagod ako. Pag alis ko ay nakita ko pa si Alex na nagtataka kung bakit ganon na lang ang aking inasta. Pero hindi ko na lang ito pinansin at ako ay umakyat na papunta sa akin silid.
Mga ilang minuto ay nakarating na ako sa aking pintuan bubuksan ko na sa ito ngunit may narinig akong sigaw na nagmula sa aking likuran.
"CHARLESSSS" pasigaw nitong sa aking ngalan. Tumigil naman ako sa pag bukas ng aking pintuan ngunit hindi ko pa rin nilingon si Alex. Ilang saglit ay may naramdaman akong kamay sa aking balikat. Rinig na rinig ko ang kanyang pagkahingal dahil sa pagtakbo mula sa akin.
"Charles" tinawag niya ng mahinahon ang aking pangalan ngunit hindi ko pa rin ito nilingon dahil ayoko muna siyang makita sa ngayon.
"May problema ba Charles?" pagtatakang tanong nito. Mali ang ginawa ko at lalo lang siyang magtataka kung hindi ko siya titignan at kakausapin ng maayos. Kaya itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ito at sabay sa paglingon sa kanya habang nakangiti.
"No alex, i'm just really tired." nakangiting sagot ko. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tingin ko tama ang aking ginawa kaya binuksan ko ang aking pintuan at agad na pumasok sa aking silid. Napasandal pa ako sa aking pintuan dahil sa kaba ng aking nararamdaman. Pero nakaiwas naman ako sa tanong ni Alex kung ano nga ba ang problema.
Gusto ko lang umiwas para kung may relasyon man sila ni Dave ay hindi na magduda si Dave tungkol sa amin ni Alex kahit alam kong madami ng naging karelasyon si Dave ay pinapahalagahan ko pa rin siya bilang kaibigan at kapatid na rin.
Susunod...
