STORIES

Seize Everything - Chapter 11

Chapter 11 - Bar

ALEX'S POV

Lumipas na ang mga araw at hindi pa rin ako pinapansin nila Dave at Charles. Tuwing ako ay lalapit sa kanila upang makausap ay siya namang paglayo ng mga ito. Para akong may sakit na nakakahawa na kailangan nilang iwasan.

Alam ko naman ang rason kung bakit ako iniiwasan ni Dave dahil hindi ko tinupad ang pinangako ko sa kanya. May rason din naman ako pero ayaw niya akong paniwalaan. Kaya kahit anong pilit kong humingi ng tawad sa kanya ay hindi pa rin ako nito kinakausap. Patuloy pa rin ito sa pagtaboy niya sa akin kaya hindi ko na rin pinipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman akong makasama.

Hindi gaya ni Charles pag lumalapit ako sa kanya ay hindi ito lumalayo pero hindi naman ito kumikibo pero kapag kinausap mo sumasagot naman pero matipid lang. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba tinanggihan ko siya. Nung isang araw nga kinausap ko uli siya kung kailan siya mag sstream. Nagtaka naman ito kung bakit ko tinatanong kaya sinagot ko siya kung pwede makisali ako sa stream niya pero ngumiti lang ito at sinabing hindi na kailangan kaya na niya mag solo.

Pero nung chineck ko yung stream niya ay wala ng ibang lumabas kundi ang huling stream na kasama niya ako. Simula nung tinanggihan ko siya na samahan siya sa stream niya ay hindi na ito muli nag stream pa.

Nakakalungkot lang isipin dahil nagkakaroon kami ng mga ilangan tuwing kakain kami sa umagahan at sa gabihan lalo na kapag kami ay nagsasalo salo. Napapansin naman iyon nila Erick at Tristan.

Kaya nagtataka sila kung may mga problema ba kami or nagkaroon ng away. Dahil tuwing lalapit daw ako kila Charles at Dave ay umiiwas daw sila sa akin. Hindi ko rin naman masabi ang katotohanan dahil ayoko rin na baka sila Tristan at Erick ay iwasan din ako.

Dumating na ang alas onse ng umaga upang maghapunan kaya naman tinawag ko na sila Tristan upang makapag simula na kaming mag hapunan. Nakaayos na ang mga plato sa kanilang mga upuan nakahain na rin ako ng kanin at ulam. Inilabas ko na rin ang mga inumin kung sakaling mauhaw ang mga ito ay agad namang may pangtulak.

Nagsidatingan na nga sila Tristan kasama sila Dave, Erick, at Charles pero hindi na rin ako tumingin kila Dave at Charles dahil wala naman itong pakealam sa sasabihin ko at nasanay na rin naman akong hindi nila pinapansin.

Umupo na nga sila Tristan sa kani-kanilang upuan, pa rectangle ang lamesa namin na gawa sa nara. Ang ayos namin ngayon ay kung paano ang ayos ng aming mga kwarto. Kung si Tristan ay nasa unang kwarto siya ang uupo sa unahang upuan.

Samantalang ako naman ay nasa pangalawang upuan. Hindi kami magkatabi ni Tristan dahil nakaupo siya sa may ulo ng lamesa habang ako ay nakaupo sa unang katawan ng lamesa ang kabi ko sa upuan ay si Dave dahil sa pangatlong kwarto ay ang kanyang silid. Kaya siya ang uupo sa pangatlong upuan.

Sa pang apat na upuan ay doon nakaupo si Tita Rachelle kung sakaling umuwi ito dito sa apartment niya. Sa pang limang upuan ay si Erick at sa pang anim na upuan ay si Charles. Katapat ko ngayon si Charles dahil siya ang pinakadulo habang katabi ko naman si Dave. Mula kay Tristan paikot papunta kay Charles ganyan ang aming pwesto.

Habang kumakain kami ay halos walang kumikibo, para kaming may tape ang bunganga upang hindi makapagsalita. Ng biglang basagin ni Erick ang katahimikan.

"Alex!" tawag sa akin ni Erick habang ito ay ngumunguya pa sa kanyang kinakain kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Erick?" tawag ko sa kanyang pangalawan habang nakataas ang dalawa kong kilay upang alamin kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

"Dahil magsisimula na ang pasukan bukas pwede ka bang sumama sa amin mag party mamayang gabi?" pag-anyaya ni Erick habang nakatingin ito sa akin.

"Bakit kailangan kasama pa ako?" takang tanong ko kay Erick habang patuloy pa rin ako sa pag nguya.

"Simula kasi nong umalis si Tita Rachelle ay ni isang beses na yayain ka namin mag party ay lagi kang tumatanggi." sagot naman nito kaya napalingon ako sa iba naming kasama.

"One time lang Alex you'll enjoy it." dugtong ni Tristan na siya namang paglingon ko sa kanya.

Tinignan ko muna sa harapan ko si Charles pero busy ito sa kanyang pagkain at saka ako lumingon kay Dave at lumingon din ito sa akin pero seryoso ang kanyang mukha.

"Ahm, hindi na ako sasama." mahina kong sambit pero alam kong narinig pa rin nila ang aking sinabi.

"Ha? Bakit naman?" pagkadismaya ni Erick ng sinabi kong hindi ako sasama. "Ayaw mo ba kaming makasama mag party?" pag-uusisa nitong tanong sa akin.

"Hindi naman sa ganon Erick." sagot ko sa kanyang katanungan.

"Eh, bakit ayaw mong sumama?" usisang tanong ni Erick habang tinitignan ako sa mga mata at agad naman akong umiwas sa kanya at itinuon na lang sa pagkain.

Pero deep inside ay gusto ko ng magpalamon sa lupa, ang popogi kasi nila hindi ako makatingin ng maayos sa kanilang mukha.

"Wala kasi akong pera pang party." pagsisinungaling ko dahil hindi naman talaga ito yung rason kung bakit ayoko mag party ang rason ko ay ayaw kong mawala sa mood sila Dave at Charles kung kasama nila ako.

"Don't worry about the money Alex, I'll treat you. Makasama ka lang sa amin." nakangiting sagot ni Tristan habang ito ay nakatingin sa akin.

Shit! Naman Tristan bakit ba kasi may jowa kana nakakainis ka talaga. Sino ba kasing Giselle yan ng matadyakan ko... pero ang swerte niya kay Tristan apaka boyfriend material.

Hindi ko alam pero hindi napigilan ng labi ko na mapangiti na lang dahil ililibre ako ni Tristan. Napansin ko rin na napansin ako ni Charles na napangiti dahil nakatitig ito sa akin. Kaya sumubo na lang ako ng isang kanin bago sagutin ang tanong ni Tristan.

"Tristan! thank you pero keep mo na lang yang pera mo sayang eh." nahihiyang sagot ko pero ang totoo gusto ko talagang sumama sa kanila kasi bukas may pasok na.

"Ano ka ba Alex, like i said wag mo alalahanin ang pera, ako na bahala don basta sumama ka lang." nakangiting sagot nito sa akin habang ako ay kilig na kilig sa loob loob ko. Napangiti uli ako sa sa kanyang sinabi dahil sobrang bait niya talaga tapos mas iniisip pa niya ang kasiyahan ng ibang tao. Kaya siguro ganon na lang ako mainlab sa taong ito tapos perfect pa ang itsura.

"Ibig bang sabihin ng mga ngiti mo Alex, is sasama ka na sa amin?" nakangising tanong ni Erick habang ang dalawa niyang kilay ay nagpapataas baba.

"H-ha?" tanging salita na lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam na napansin pala nila iyon at kusa ng namumula ang aking pisngi.

"Anong ha?" patanong ni Erick habang nakangiti pa rin ito. "Basta sumama ka ah, asahan kita." dugtong ni Erick kaya napatango na lang din ako kay Erick para sabihin oo at ngumiti naman ito at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos namin mag hapunan ay napansin ko si Dave na parang naiinis dahil ata sa pagsang-ayon ko na sasama ako sa party. Pero hindi naman na ako pwedeng tumanggi pa kay Erick at Tristan dahil nangako na akong sasama ako sa kanila. Ayaw ko rin na mangyari ang nangyari sa amin ni Dave. Kaya sasama na lang ako para matupad ko ang pangako ko.

Dumating na nga ang gabi kaya nag si ligo na ang bawat tao dito sa bahay dahil lahat sila ay mag paparty. Kaya naman naligo na rin ako. Pagkatapos kong maligo ay naghanap pa ako ng damit na susuotin ko dahil first time ko lang pumunta sa party ay nahihirapan akong maghanap.

Tok! Tok! Tok!

"Sino yan?" pag-uusisa kong tanong sa taong nagmula sa labas ng aking pintuan. Nang bigla kong naalala na sound proof pala ang kwarto namin kaya kahit anong sigaw ko ay hindi maririnig ng tao kung ano ang nangyayari sa labas. Kaya pumunta ako sa may pintuan upang silipin kung sino ito.

"Erick, anong kailangan mo?" takang tanong ko habang nakatago ako sa likod ng pintuan. Ang tanging pwesto ko ay nakatago ang katawan ko sa likod ng pintuan habang ang ulo ko lang ang nakikita.

"Sinisigurado kong sasama ka baka mamaya natutulog kana." nakangiting sagot nito sa akin.

"Ano ka ba sasama nga ako." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Pwedeng pumasok?" paghingi ng permiso ni Erick sa akin habang hinihintay akong masalita.

"Hindi pa ako nakabihis eh." nahihiyang sagot ko rito kaya ngumisi ito.

"Okay lang wala namang malisya di ba?" nakangising tanong ni Erick at agad naman itong pumasok sa kwarto ko kahit hindi ko pa siya pinahihintulutan.

"Ahm, Erick!" nahihiyang sambit ko. Nakita kong tinignan ako ni Erick mula ulo hanggang paa ng nakatapis lang at napansin kong namumula na ang kanyang mukha kahit pa ito'y moreno.

"Erick hindi ko alam susuotin ko sa party eh?" nahihiyang tanong ko habang nakayuko dahil nahihiya akong makita niyang nakahubad.

"Kahit t-shirt at short na lang, okay na yon." nakangiting sagot ni Erick habang inuusisa pa rin nito ang aking likuran. "Tsaka mag suot ka rin pala ng underwear." natatawang dugtog ni Erick sabay hawak sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa.

"Ah, ganon sige lumabas ka na." naiinis kong sagot habang pinapalabas si Erick. Nakalabas na nga si Erick at nag simula na rin akong mag bihis nag t-shirt lang ako at jeans. Nag simula na rin akong mag suklay hindi ko na ito tinali. Tanging nakalugay lang ito pero maayos naman tignan. Mukha akong babae kapag mahaba ang buhok ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para hindi ako yung hinihintay nila. Sa pagbaba ko ah nakatayo silang lahat sa labas ng pintuan.

"Wow! Alex ang ganda mo ah san lakad mo?" pabirong tanong ni Erick sa akin. Habang pababa sa may hagdan ay nakita ko namang napatulala si Dave sa akin pero nung nakita niyang tumitingin din ako sa kanya ay agad naman itong umiwas sa akin.

"Tara na?" pag-anyaya ko sa kanila.

"Sa akin kana sumabay." pag-alok ni Erick na sa kotse na lang niya ako sasakay.

"No, sa akin siya sasabay." sagot ni Tristan kaya naman napalingon kami sa kanya.

"H-ha, di ba may Giselle kana?" pag-uusisang tanong ni Erick kay Tristan.

"Gago?! ano bang iniisip mo sasabay lang naman siya sa akin kasi ako yung manglilibre sa kanya." pag depensa ni Tristan upang walang maging malisya pero deep inside ay kinilig ako.

Dahil nagtatalo si Erick at Tristan ay agad namang hinawakan ni Dave ang aking pulsuhan palabas sa bahay at tinungo ako nito sa kanyang sasakyan. Nabigla naman ako sa kanyang inasal dahil sobrang higpit ng kanyang pagkahawak.

"Outch! Dave yung kamay ko!" naiinis kung sambit habang inaalis ko ang kanyang kamay sa aking pulsuhan pero nagpatuloy pa rin siya sa paghila sa akin. "Dave, ano bang problema mo nasasaktan ako?" naiinis kong dugtong pero patuloy pa rin siya sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan.

"DAVE...." sigaw ko ng malakas kaya bigla naman itong huminto.

"Ano bang problema mo Dave? bakit basta basta mo na lang ako hinihila na parang laruan." naiinis kong sumbat pero hindi pa rin ito lumingon sa akin at hawak hawak pa rin nito ang aking pulsuhan.

"May problema ba Alex? Dave?" pagtatakang tanong ni Tristan habang palingon lingon ito sa aming gawi.

"Ahm, wala ang bagal niyo daw kasi eh malalate na tayo sa pupuntahan natin." pagsisinungaling ko sa kanila at tinanggal ko na rin ang pagkahawak ng kamay ni Dave sa aking pulsuhan.

"Ahh. sige tara na. Kanino ka sasabay Alex?" tanong ni Erick sa akin at nagtinginan naman sila sa aking gawi.

"Sayo na lang siguro Erick." nakangiting sagot ko sabay ang paglingon ko sa kanya.

"Okay tara sa kotse ko." saad nito sabay hawak sa aking pulsuhan patungo sa kotse niya. Sumama naman ako kay Erick at sumakay ako sa kotse niya at ganun din sila Charles, Tristan, at Dave na sumakay na sa kanilang kotse.

Kay Erick ako sumama dahil hindi ako okay sa mga inaasta ni Dave hindi ko alam kung ano problema niya, nung nakaraan hindi niya ako pinapansin tas bigla niya na lang ako hihilain. Ganun din naman kay Charles kung sa kanya ako sasama baka hangin lang maririnig namin sa kotse niya. Tsaka di naman pwedeng sumama ako kay Tristan kahit pa na gusto ko siya dahil may Giselle na siya. Buti na lang andito si Erick walang jowa at hindi ako iniiwasan so safe ako kapag siya kasama ko.

Mga ilang oras din ay nakarating na din kami sa bar. Nakita kong nauna ng pumasok sila Dave, Charles at Tristan sa Bar. Habang ako ay hinihintay si Erick.

Maya maya pa ay dumating na si Erick at niyaya niya akong pumasok na kami sa isang pintuan kung saan walang masyadong tao kaya nagtataka ako bakit dito kami dadaan.

Ang sabi niya na lang na kami ay VIP sa bar. Pagpasok namin ay may hinihingi yung bouncer kay Erick at ipinakita naman niya ito. Pagdating sa akin ay may hinihingi rin ito pero hindi ko alam ipapakita ko. Napatingin naman sa akin si Erick kung bakit ako napatigil. Lumapit ito sa akin at tinanong niya yung bouncer kung ano problema sinabi naman ng bouncer na bawal ang minor dito kahit VIP pa ito.

Sinubukan pakiusapan ni Erick yung bouncer pero ayaw mag paawat ng bouncer.

"Alex, wait lang ah tawagin ko lang sila Tristan dito ka lang muna." sambit nito sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nakatutok sa akin para sabihing dito lang ako sa kinatatayuan ko habang ako naman ay tumango lang upang sumang-ayon.

Pumasok na nga si Erick sa loob upang hanapin sila Tristan. Mga ilang segundo ay lumayo muna ako sa may pintuan ng bouncer upang makapasok yung ibang VIP.

Mga ilang saglit pa ay may naramdaman akong pag hampas ng malakas sa aking pwetan na siya namang pagkatingkayad ko. Tinignan ko ang aking likuran at nakita ko ang kanilang mga mukha at napansin kong pinagtatawanan nila ako ng dahil sa nangyari.

"Fuck?! gago ba kayo?" nababanas kong sambit sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin at patuloy pa rin sila sa pagtawa.

Maya maya pa ay lumabas na sila Tristan at Erick.

"Alex!" sigaw ni Erick mula sa aking likuran kaya bumalik na ako sa paglingon sa kanila at tumungo na rin ako pero bago ako bumalik kila Erick at pinakyuhan ko muna yung mga siraulong ng hampas sa maumbok kong pwetan.

Pagkatapos pakiusapan ni Tristan ang bouncer ay pumayag na itong pumasok ako. Kaya pumasok na kami nila Tristan sa loob. Sinundan ko lang sila Tristan kung saan kami tutungo. Habang sa paglalakad ay nasisilayan ko na rin sila Dave at Charles sa kanilang kinauupuan habang umiinom ng wine.

"Alex umupo ka muna diyan." sambit ni Tristan habang ako ah tumango lang.

Pinagmamasdan ko ang paligid maraming tao ang palakad lakad at halos sila ay mukhang mayaman. Napansin ko rin ang mga ilaw na papalit palit at mga tugtugan na pang sayaw. Nakita ko rin ang mga taong sumasayaw sayaw sa pag tugtug. Mga ilang minuto ay may mga dumating na babae papunta sa aming table mukhang excited silang makasama kami.

Hanggang sa makita ko ang isang babae na tumawag sa aking manang. Hinding hindi ko makakalimutan ang pag tawag niyang iyon. Napansin kong lumapit ito kay Charles at bigla niya itong hinalikan.

"I miss you Charles." sambit ng babae sabay kumandong ito sa binti ni Charles nakita ko pang humipo ito sa kargada ni Charles. Tumaas naman ang isa kong kilay dahil sa babaeng haliparot na kumandong sa kanya.

Napansin naman ni Charles na nakatingin ako sa kanila kaya umiwas na ako ng tingin. Maya maya pa ay may dalawang babae pang dumating papunta sa aming table.

"Baby!" sambit ni Tristan sa babaeng tinawag niyang baby at paniguradong si Giselle ito dahil kung hindi mababangasan ko si Tristan.

Niyakap naman ng babae si Tristan at sabay silang naghalikan nakakainsulto dahil wala silang respeto sa single na katulad ko. Nakakainggit pero wala akong magagawa admirer lang ako jowa siya.

Napansin ko pa yung isang babae na lumapit kay Dave yung kasama ni Giselle. Tumabi rin ito sa tabi ni Dave at sabay humiga sa dibdib ni Dave. kumunot naman ang noo ko at tumingin kay Dave napansin kong lumingon rin ito sa aking gawi pero hindi niya ako pinansin.

Maya maya pa ay pinatigil muna ni Erick ang paghaharutan nila at ipapakilala niya daw muna ako nito sa mga babaeng kasama namin ngayon.  Tsaka hindi rin naman ako interesado sa mga ito.

"Alex ito nga pala si Giselle Maroto girlfriend ko future to be my wife." nakangiting pagpapakilala ni Tristan at saka niya ito jinalikan sa labi at yun nga nag uumpisa na uli silang maglaplapan.

Maganda si Giselle matangkad siya para siyang modelo, kayumanggi ang kulay makinis ang kutis at maganda ang pangangatawan. Mukha din siyang mabait at alam mo talagang mahal nila ang isa't isa. Nako Alex umabot nga ng 3 yrs eh.

"Hi Giselle! Nice to meet you, Alex nga pala." nahihiyang pagpapakilala ko kay Giselle habang inabot ko ang aking kamay at nakipag kamay naman ito malambot din ang kamay ni Giselle.

"Dave, Charles ipakilala niyo yung inyo." sambit ni Erick kila Dave at Charles habang tinuturo niya sila Charles gamit ang kanyang hintuturo papunta sa akin.

"Alex, this is my girlfriend Trisha Suarez." seryosong pagpapakilala ni Charles sa kanyang Gf kumaway naman si Trisha sa akin at nginitian ko naman ito. Nagtaas naman yung kilay ko kay Charles dahil hindi ko alam na may GF pala ito. Sinama sama pa ako sa livestream niya balak pa ata akong gawing kabit.

Gaya ng sabi ko si Trisha ay magandang babae, maputi at makinis ang kanyang balat na mala polserana, sexy, at malaki ang kanyang hinaharap. Pero ang ayaw ko lang sa kanya ang pagtawag niya sa aking manang. Hindi ko siya bet para kay Charles.

"Hi Trisha nice to meet. Alex nga pala hindi manang." pagtataray ko kay Trisha habang inabot ko ang aking kamay at nakipag kamay naman ito.

"Aym sorry akala ko katulong ka." malandi nitong sagot sa akin at mukhang hindi seryoso ang paghingi niya ng paumanhin at napansin ko rin na napangisi si Dave at kusa na lang kumunot ang noo ko.

"Dave?" sambit ni Erick upang ipakilala na niya ang kanyang kasama.

"Alex, this is my beautiful girlfriend Camille Sanchez." pagpapakilala ni Dave kay Camille na may halong pang aasar dahil hinalikan niya ito sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.

"Pang ilan naman iyan?" pabulong ko. Sapat na iyon para marinig niya dahil magkatabi lang kami.

"What did you say?" pag-uusisang tanong ni Dave pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko alam kung makikipag kilala pa ako kay Camille or hindi na dahil busy ito sa pakikipag laplapan kay Dave. Tsaka kung sa tingin ni Dave na nagseselos ako sa ginagawa niya nagkakamali siya dahil alam kong marami na siyang kinantot at ako lang naman ang nilapitan niya sa lahat ng kinantot niya.

"Eh, ikaw Erick wala ka bang ipapakilala sa aking girlfriend mo?" naiinis kong tanong na medyo mataas ang tono ng pagkakasabi ko.

"Hindi daw siya makakapunta eh kaya hindi ko maipapakilala." malungkot na sagot nito na siya namang pagkabigla ko dahil akala ko single ito kaya napakunot uli ang noo ko. "Kaya ikaw muna ang magiging girlfriend ko ngayong araw." dugtong ni Erick sa kanyang sinabi habang nakangisi ito sa akin.

Lumingon lingon naman ako kila Tristan, Dave, at Charles kasama mga partner nila dahil alam kong narinig nila ang sinabi ni Erick. Pero parang wala silang pakialam sa sinabi niya. Dahil siguro alam nila na niloloko lang ako ni Erick.

"Hindi mo ako option Erick. Hindi ko deserve maging option ng kahit sino at kung joke man ito hindi ito magandang biro lalo na sa girlfriend mo." seryoso kong sagot kay Erick pero mahina lang.

Napatigil naman sila sa paghaharutan ng masabi ko iyon. Nakatitig sila sa aking gawi ngayon at sobrang nahihiya ako sa mga sinabi ko. Akala ko si Erick lang ang makakarinig pero narinig rin pala nila kahit malakas ang tugtog ng musika.

"Cheers!" pagtaas ko ng aking baso sabay ininom ng wine kahit na hindi ako umiinom ay nagpatuloy pa rin ako sa pag inom dahil sa kahihiyang sinabi ko masyado ko kasing sineryoso eh.

"Woh! relax Alex." pagpapakalma sa akin ni Tristan habang hawak ang aking kamay. Tumingin naman ako dito at tumango habang nakakandong si Giselle sa kanyang binti.

Maya maya pa ay nagsimula na kaming mag inuman at napaparami na rin ang pag inom ko medyo lasing na rin ako nag iinit na rin ang mukha ko habang si Camille ay nakapatong na kay Dave, naglalaplapan ang mga ito na para bang wala silang kasama.

Pag lingon ko sa mga gilid ay nakita ko sila Charles at Tristan na parwho rin ang ginagawa sa kanilang mga girlfriend. Habang ako naman ay pinagmamasdan sila kung paano nila pasayahin ang kanilang sarili.

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa mga nangyayari dahil siguro ay nagawa ko na ang mga ginagawa ng mga babae sa kanilang boyfriend pero hindi ko pa rin mapigil ang pag tawa.

Mga ilang saglit ay tumayo na rin ako sa aking upuan nag libot na muna ako sa bar na ito sobrang laki pala. Hanggang sa malapit na ako sa pintuan palabas ng bar ng bigla ako mabangga ng isang lalake matangkad ito maputi, matangos ang ilong, naka tshirt na black at naka trouser ito malaki din ang kanyang katawan, maamo ang kanyang mukha pero ng papalapit na ang kanyang mukha sa aking mukha ay unti unti kong nakikita ang nakakainis niyang mukha.

"Ikaw na naman?" naiis kong tanong sa kanya sabay tulak palayo sa akin. Napaupo pa ito ng bigla ko siyang itulak.

"Ugh! fuck. Stupid ka talaga." nababanas nitong sagot sa akin habang tumatayo siya sa pagkakaupo. "Bumalik ka na sa bundok stupidong bakla." naiinis na dugtong pa nito sa akin kaya naman tumayo na rin ako sa pagkakaupo.

"Stupid pala eh ikaw ano ka brainless?" naiinis kong sumbat sa kaniya habang nakatayo sa kanyang kinatatayuan.

"What did you say to me?" naiinis nitong tanong na may galit na sa kanyang mata.

"See brainless ka nga simpleng sentence hindi mo naintindihan." pang aasar ko sa kaniya para mas lalo pa siyang magalit.

"Gago ka pala eh." nanlilisik na ang kanyang mata at aakmang susuntukin niya ako ng biglang sumigaw ang isang babae na nagmula sa kanyang likuran upang pigilan nito ang dapat mangyari sa akin.

"ELI...." sigaw ng isang babae sa lalakeng gusto akong suntukin at napahinto naman siya sa pagsuntok sa akin.

"Pasalamat ka kasama ko girlfriend ko kundi mayayari ka sa akin." pabulong nitong pagbabanta sa akin.

"Sa girlfriend mo palang tiklop kana." pabulong ko sa kanya at narinig niya iyon kaya lumingon siya sa akin. Pero hinawakan ng babae ang kamay ng kanyang boyfriend atsaka sila pumasok sa loob. Muntik na ako don buti na lang dumating yung babae akala ko mabubogbog na ako. Kaya naman lumabas na rin ako sa bar upang mag pahangin at hintayin na lang sila Erick matapos sa bar.

Mga ilang segundo rin at hindi pa ako nakakalabas sa bar ay may isang lalakeng lumapit sa akin.

"Hey!" sambit nito sa akin sabay hawak sa aking balikat at ako naman ay lumingon sa kanya.

"Yes! do you need help?" pagtatakang tanong ko sa kanya habang nakataas ang aking kilay at nakita ko rin itong nakangiti.

"Ang galing mo don kanina ah." nakangiting sagot nito sa akin habang nakahawak sa aking balikat.

"Anong magaling don eh muntik na akong masuntok ng wala sa oras?" naiinis kong sabi sabay tingin sa gilid habang siya naman ay nakangiti

Unti unti na rin ako naiilang sa lalaking ito gwapo rin ito matangkad maganda ang panga malapad din ang kanyang balikat tapos yung kamay niya sobrang tigas, maganda din ang mga labi kissable.

"May kailangan ka ba?" pagtatakang tanong ko sa kanya habang hindi pa rin ako nakatingin dito.

"Wala naman gusto ko lang makipagkaibigan." nakangiting sagot nito sabay binitawan niya na rin ang aking balikat. "Okay lang ba?" dugtong pa nito.

"Okay lang naman." tanging naging sagot ko sa kanya.

"May kasama ka ba dito?" mausisang tanong nito sa akin.

"Meron kaso busy sila sa paghaharutan sa GF nila." naiinis kong sagot.

"Bakit parang naiinis ka? eh mag jowa naman ata sila di ba?" pagtatakang tanong nito kaya kumunot ang noo ko pero nakatalikod parin sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam na kasama pala mga jowa nila edi na out of place ako ngayon." naiinis kong sagot. "Sinama sama pa nila ako tas hahayaan lang din pala akong mag isa." dugtong ko pa.

"hahahaha!" natatawa nito habang hawak ang kanyang tiyan dahil sa kakatawa at kumunot ang aking noo dahil ako ang pinagtatawanan nito.

"Anong nakakatawa?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Ang cute mo kasi kapag naiinis para kang bata." natatawa nitong sagot. "Tutal busy naman sila sa Gf nila baka gusto mong sumama na lang sa condo ko?" paghihikayat nitong dugtong sa akin.


Susunod...