Chapter 14 - Pagpapakilala
ALEX'S POV
Nang makarating ako sa pintuan ng bahay ay dahan dahan ko itong binuksan. Pagbukas ko ay kinakapa ko pa ang switch on ng ilaw. Sa pagbukas ko ay may nakita akong mga lalaki na nakaupo sa may sala. Yung isa sa kanila ay nakakunot ang noo.
"H-hi?" nahihiyang pag ngiti ko kila Tristan, Erick, Charles, at Dave habang kamot kamot ko ang aking ulo. "Bakit gising pa kayo?" nahihiyang dugtong ko sa kanila. Kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit gising pa sila.
Habang tinitignan ko sila ay hindi ko mawari kung anong ang mga reaksyon nila dahil halo halo yung emosyong lumalabas sa kanilang mukha.
Maya maya pa ay tumayo na sila sa pagkakaupo sa may sala at sabay sabay silang lumapit sa akin habang ang kanilang mukha ay hindi ko pa rin mawari kung ano ang nararamdaman nila ngayon.
"Saan ka ba nanggaling Alex?" pag-aalalang tanong ni Tristan sa akin.
"Alam mo bang ilang oras ka naming hinahanap sa loob at labas ng bar?" pag-aalalang dugtong ni Erick habang hawak ang aking braso.
"Sorry guys, hindi ko naisipan na magpaalam pa sa inyo. Hindi ko na uulitin sa susunod. Patawad kung pinag-alala ko kayo." paghingi ko ng paumanhin dahil sa perwisyong nagawa ko.
Kapansin pansin na sobrang mag aalala itong apat na ito sa akin. Kahit seryoso si Charles tumingin sa akin ay bakas pa rin sa kanyang mukha na nag aalala siya. Ganon rin si Dave kahit naka-simangot ramdam ko na gusto niya akong lapitan kanina. Si Tristan sa una palang ramdam ko na ang pag-alala niya sa akin. Ganon rin si Erick sobrang sweet nga lang kung mag-alala akala mo jowa niya ako.
"It's great that you had a good time wherever you went." sarkastikong sambit ni Dave habang nakakunot ang noo nito sa akin. "It's good that you enjoy it." pasarkastik nitong dugtong sa akin at napatingin naman sila Erick kay Dave.
"Why you all looking at me?" naiinis na tanong ni Dave habang nakatingin kami sa kanya.
Alam kong dapat nag eenjoy rin sila Dave ngayon dahil eto na yung last party nila pero nasira ko pa dahil sa pagiging makasarili ko. Dapat di na lang ako umalis at nag stay na rin ako doon sa loob ng bar kahit naglalaplapan na sila sa harap ko.
"Sorry Dave. Alam kong dapat nag eenjoy kayo ngayon naubos ko pa ata yung time niyo sa paghahanap sa akin." paumanhin ko kay Dave pati na rin sa iba.
"Okay lang yon Alex." pagpapakalma sa akin ni Erick at napansin ko rin ang pagkunot ng noo ni Dave sa akin.
"Tsssk." tanging salita na lumabas sa bibig ni Dave habang nakakunot pa rin ang noo.
"Saan ka ba nagpunta Alex?" pag-uusisang tanong ni Tristan sa akin.
"Ahm, Sumama ako sa kaibigan ko." medyo natatawang pagsagot ko sa katanungan ni Tristan.
"When have you had a friend here besides us?" pagtatakang tanong ni Charles sa akin.
Kaloka ah, mukhang maganda rin pala yung ganito dahil nakakausap ako ni Charles ngayon.
"Akala niyo ha, kayo lang may pa surprise." nakangising sambit ko sa kanilang apat pero nagpipigil pa rin ako ng tawa.
Pagkasabi kong iyon ay bumakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka kung ano ang ibig kong sabihin.
"What do you mean?" pagtatakang tanong ni Charles.
"Hindi niyo sinabi sa akin na may mga girlfriend na pala kayo, so same lang sa akin hindi niyo alam na may kaibigan na pala ako. Surprise di ba?" nakangising nakakaloko ang aking itsura at lalo lang naasar si Dave sa akin.
"Anong pangalan ng kaibigan mo?" pag-uusisang tanong ni Erick sa akin pero kapansin pansin sa kanya na naiinis siya.
"Si Leo." nakangiting sagot ko sa kanila at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka dahil paniguradong hindi nila ito kilala dahil sa ibang unibersidad ito nag-aaral.
"Sinong Leo naman yan?" pagtatakang tanong ni Erick sa akin.
"Hindi niyo kilala yon, tsaka dapat hindi niyo na ako hinintay at dapat maaga na kayong natutulog dahil maaga pa tayo bukas papasok di ba." pagpapaalala kong payo sa kanila
"Alex, gusto lang namin malaman kung na sa mabuti kang kalagayan tsaka paano kami makakatulog kung hindi namin alam kung nasaan ka. Ano sasabihin namin kay Tita Rachelle kung sakaling may nangyari sayong hindi maganda." nag-aalalang paliwanag ni Erick sa akin at bigla naman akong natauhan dahil tama nga ang kanyang sinabi.
"Thank you Erick. Sa inyo rin guys thank you, na appreciate ko yung care niyo, hindi bale next time always na akong mag papaalam." paghingi ko ng paumanhin atsaka nag papuppy eye pa ako para mapatawad nila ako. HAHAHA
Maya maya ay sinabihan ko sila na matulog na kami para may lakas kami bukas bago pumasok sa paaralan. Niyaya na nga ni Tristan sila Charles at tumango naman ang mga ito. Nauna ng umakyat si Tristan at nagpaalam pa ito sa akin. Sumunod na umakyat si Charles. Habang si Dave at Erick ay hindi pa rin umaakyat.
"Ahm, may kailangan pa ba kayo? Erick, Dave?" pag-uusisa kong tanong sa kanilang dalawa pero hindi naman sila kumikibo.
Napansin kong nagkatitigan ang dalawa.
"Hindi ka pa ba matutulog Dave?" mausisang tanong ni Erick kay Dave.
"Later, you?" seryoso nitong pagbalik tanong kay Erick habang nakatingin sa akin.
"Mamaya rin, hindi ka pa ba aakyat?" patanong uli ni Erick kay Dave.
"Hayy nako, matulog na kayong dalawa. Di ba meron ka pang banda bukas." pagsingit ko sa kanilang dalawa sabay turo kay Erick dahil kakanta pa ito bukas.
"May gusto pa kasi akong sabahin sayo eh." sagot ni Erick sa akin.
"May bukas pa naman Erick tsaka mas importante ang may lakas ka bukas." sagot ko rito kaya samang ayon ito sa akin kaya nag paalam na nga si Erick upang matulog. Habang si Dave at ako na lang ang naiwan dito sa baba. Dahil bwisit naman ito sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin kumuha ako ng tubig para uminom muna. Pagkatapos kong uminom ay aakyat na ako sa hagdan.
"Alex!" pagbanggit nito sa aking pangalan kaya napahinto naman ako sa pag-akyat at lumingon sa kanya. Pero hindi ako nagsalita. Mga ilang minuto na rin ay hindi na uli ito nagsalita pa kaya umakyat na ako papunta sa silid ko. Habang siya ay nakaupo sa uluhan ng couch na parang may gustong sabihin.
Dahil alas tres na ng madaling araw ay agad na akong natulog. Pero bago ako natulog ay nag alarm na muna ako para siguradong magigising ako ng tamang oras.
Alas siete na ng umaga ng mag alarm ang aking cellphone kaya agad akong bumangon upang magluto ng almusal dahil paniguradong tulog pa ang mga kasama ko.
Pagkatapos kong magluto ay isa isa akong pumunta sa kanilang silid. Una kong pinuntahan si Tristan upang gisingin at para makapag almusal na rin. Kumatok ako ng tatlong beses at agad naman nitong binuksan.
Pag bukas niya ng kanyang pintuan ay tumambad sa akin ang hubot hubad niyang katawan. Tanging boxer lang ang suot nito. Maganda rin ang kanyang katawan anim ang pandesal nito sa katawan. Kulay rosas ang utong. Mas masarap pa siya sa umagahan.
Ang swerte talaga ni Giselle. bulong ko sa aking isipan.
"Bakit ang aga mo naman gumising?" pagtatakang tanong ni Tristan sa akin habang nag hihikab pa ito.
"Ahm, para, ano, ahh di ba maaga kayo papasok?" nauutal kong pagpapaliwanag kay Tristan.
Shit! Bakit ako nauutal.
"Ah, sige maliligo lang ako tas baba na rin ako." pagsang ayon ni Tristan.
Sunod kong pinuntahan ay ang silid ni Dave. Kumatok ako sa kanya ng tatlong beses pero hindi pa rin niya ito binubuksan. Ilang beses na akong kumakatok ng bigla niya itong buksan.
"WHAT!" pagalit nitong sambit habang ang noo niya ay nakakunot.
"Ang sungit mo naman, gigisingin na nga eh." naiinis kong pag sagot kay Dave kaya mas lalo itong nainis sa akin.
"Did i say wake me up?" naiinis nitong sumbat kaya kumunot naman ang noo ko.
Ang sungit naman nito hindi pa rin ba niya nakalimutan yung ginawa ko sa kanya. Ilang beses na ako humingi ng tawad ah.
"Edi wag matulog ka na lang uli." naiinis kong sagot. "Alam mo di bagay sayo yung pangalang Dave palitan mo ng simangot, Mr. Simangot" dugtong ko at mas lalo pa siyang nainis sa ginawa ko.
Bigla naman niyang sinarado ang kanyang pintuan. Kaya nag tungo na lang ako sa silid ni Erick upang gisingin ito dahil ang alam ko need niya maunang makapunta sa school.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ni Erick at agad naman itong nag bukas. Naka hubot hubad rin ito at tanging boxer niya lang ang kita ko. Makinis talaga ang balat ni Erick. Bumabakat pa ang kanyang malambot na burat sa kanyang boxer.
"Ahm, sorry Alex hindi ako nakapag damit agad kakabangon ko lang eh." nahihiyang sambit nito sa akin siguro napansin niya akong kinikilatis ang kanyang katawan.
"H-ha, okay lang Erick." nauutal kong pag sagot.
"Ano palang kailangan mo?" mausisang tanong nito sa akin habang tinatakpan ang kanyang katawan medyo naakward na rin ako makipag usap sa kanya baka kung ano isipin niya.
"Ginising lang kita baka kasi ma late kang pumasok, di ba dapat ikaw ang nauunang pumasok?" nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Ahh, okay. Salamat sa concern, sige maliligo na rin ako." nakangiting sagot ni Erick sa akin.
Kaya naman nagtungo na ako sa silid ni Charles. Kumatok rin ako ng tatlong beses sa kanya at agad naman nitong binuksan. Napatingin rin ako sa kanyang katawan wala rin kasi itong suot na damit tanging boxer short lang rin. Napansin kong napangisi si Charles kaya sa mukha niya na lang ako tumingin.
"What do you need?" pag-uusisang tanong ni Charles sa akin. Ekew po.
Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ako makatingin sa kanya ng deretso sa kanilang apat pustahan si Charles ang pinakamalaking burat.
"Alex?" paulit-ulit na tawag niya sa aking pangalan.
"Ahm, yayain ko sana ikaw mag almusal na? Dahil maaga kayong papasok di ba." pagsagot ko sa kanya at agad naman na akong tumalikod upang pumunta sa unang palapag hindi ko na rin hinintay yung sasabihin niya.
Mga ilang minuto rin ay bumaba na sila Tristan at nakapambihis na ng mga pang casual na damit.
Sa pagbaba nila ay lumantad sa akin ang kanilang kapogian. Sobrang sarap nilang lahat este sobrang sarap pala nilang pagmasdan.
Habang papalapit sila sa lamesa kung nasaan ako ngayon ay parang hindi ko maigalaw ang aking katawan para akong na estatwa sa aking kinatatayuan. Dahil sa ganda nilang katangian.
Habang pinagmamasdan ko silang apat para akong magkakasala. Lord sorry na po pero ang sarap nilang lahat ako na ata ang pinaka swerte sa buong mundo.
"Oh, Alex, bakit hindi ka pa naliligo hindi ka ba papasok?" pag-uusisa ni Tristan.
"Mamaya pa ako papasok tatapusin ko lang itong gawaing bahay atsaka mahaba pa naman yung oras." nakangiting pagpapaliwanag ko kay Tristan.
"Hmm, sure ka ba na mamaya kana papasok?" pag-sigurado ni Tristan sa akin at tumango naman ako.
"Gusto mo hintayin na lang kita matapos para sabay na tayo umalis." pag-aalok ni Erick sa akin pero hindi ko na siya sinang-ayonan.
"Hindi na kailangan Erick tsaka mas kailangan ka don may performance ka pa di ba." Pag-sagot ko kay Erick at nalungkot naman ito.
Umalis na nga sila Erick, Tristan, Dave, at Charles.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos ko na rin ang aking gawain dito sa bahay kaya naman naligo na ako. Pagkatapos kong naligo ay naghanap na ako ng damit na maisusuot.
Tumingin muna ako sa salamin kung maayos ba ang aking itsura nakita ko naman na okay na. Hindi ko na rin tinali ang aking buhok hinayaan ko na lang itong nakabagsak pero hindi naman ito magulo.
Mga ilang segundo sa aking silid ay bumaba na ako sa unang palapag at nagtungo na ako sa labas upang mag hanap ng masasakyan.
Mga ilang segundo rin ay may taxing dumaan kaya kinawayan ko ito at agad naman itong huminto sa aking tabi. Ilang saglit pa ay pinaandar na ni manong ang taxi patungo sa Holy University.
Pagdating ko sa Holy University ay halo halo ang aking reaksyon. Sobrang kabado ko pero at the same time ay sobrang excited ko. Halos mga estudyanteng nakikita ko ay may mga sari-sariling sasakyan.
Pumasok na nga ako sa gate at maglalakad na ako patungo sa campus ng biglang may nagbusina sa aking likuran kahit nasa gilid naman ako.
Tinanaw ko ang kotseng nag busina sa aking likuran at laking gulat ko dahil pamilyar ito. Ito yung kotseng muntik ng makabangga sa akin. Siya rin yung lalakeng nasa bar yung gusto akong suntukin.
"Hayyys, kapag minamalas ka nga naman." napabuntong hininga na lang ako at dumiretso na lang ako sa loob upang mag libot libot dahil hindi ko pa kabisado ang loob ng unibersidad. Pumasok na nga ako sa campus upang silipin ang mga silid.
Habang sa paglakad lakad ko ay napapansin kong tila ako lang ang walang kaibigan dito. Puro sila may groupo. Maya maya pa ay may nakita akong nag kukumpulan sa may gilid. Dahil gusto kong maki usyoso ay agad naman akong pumunta doon.
Napansin kong ang pinagkukumpulan pala nila ay ang mga list ng mga estudyante kung sino ang mga nag aaral dito at may mga nakalagay na ring room section ang bawat pangalan.
Kaya agad ko namang hinanap ang aking pangalan. Dahil first year college ako ay sa first year lang ang tinignan ko pero hindi ko makita dahil madaming list ng students.
Mga ilang segundo sa paghahanap ay may naririnig akong nag kwekwentuhan.
"Wow! ang galing naman niya. Siya lang yung scholar dito sa ating paaralan?"
"Oo nga eh, sobrang talino siguro nito."
"True, akalain mo siya lang ang scholar sa prestigious university."
Kaya naman napalingon ako sa mga estudyanteng nag uusap dahil isa rin naman akong scholar. Tinignan ko ang list kung saan sila nag uusap at nakita kong isa lang nga ang scholar na nakuha sa unibersidad na ito. Hindi ako makapaniwala na ako lang ang scholar.
Napatalon pa ako sa tuwa at sumisigaw ng walang boses na lumalabas habang nagpapaikot ikot sa hallway.
"Par, tignan mo oh parang baliw."
"Gago ka par, baka marinig ka."
Bulungan ng dalawang magkaibigan ngunit hindi ko na lang iyon binigyan pansin bagkus masaya ako dahil isa akong official student ng Holy University.
Dahil nakita ko na ang section ko ay agad naman na akong umalis upang hanapin ito. Sa paglibot libot ko at paglingon lingon sa bawat gilid ay bigla kong nabangga ang babae.
"Outch"
"I'm sorry po hindi ko po kayo napansin agad." paghingi ko ng paumanhin sa babae.
Pagharap nito sa akin ay nakita ko ang kanyang mukha sobrang ganda nito maputi, mala polserana ang kutis, matangkad, slim, at medyo hawig sila ni Tristan.
"No, It's okay." sambit nito sa akin "Are you a freshmen?" takang dugtong nito habang inuisisa ako mula paa hanggang ulo.
"Yes po." pagsagot ko sa kanyang tanong.
"Do you need help, I'm Remy nga pala and I'am fourth year college." nakangiting pagpapakilala nito sa akin sabay iniabot ang kanyang kamay.
"Hi, I'm Alexis Guevara but you can call me Alex na lang, freshmen po ako." nakangiting pagsagot ko kay Remy at nakipag kamay naman ako.
"Ikaw yung Scholar ng Holy University?" mausisang tanong ni Remy na may pagkagulat sa kanyang mukha.
"Yes po" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Wow! ang talino mo naman pala, alam mo bang never pa akong naka diskubre na may nakuha ang Holy University na scholar at ikaw lang yun." pagkamangha ni Remy sa akin at kahit ako ay hindi makapaniwala na isa ako sa mga nakuha ng unibersidad na ito.
"Gusto mo bang i-tour kita dito sa campus, since i'm your senior naman, tas dont call me ate. Remy na lang?" pag-alok ni Remy sa akin at tumango naman ako.
Nag libot-libot na nga kami ni Remy sa Campus. Itinuro niya sa akin ang mga rooms ng course, library, elevator, registrar, department office, locker rooms depende sa sports. Sunod namin pinuntahan ay ang B/V court, swimming pool area, music room, drama class, at ang canteen.
Huli naming pinuntahan ang canteen dahil nagutom bigla si Remy. Habang ako naman ay patuloy pa ring namangha dahil sobrang lawak ng canteen nila dito.
"Alex do you want something? libre ko?" pag-alok ni Remy sa akin.
"Wag na po busog pa ako" nahihiyang sagot ko kay Remy dahil ngayon lang kami nagkakilala eh may palibre na agad siya.
"Once lang ako manlibre kaya i-grab mo na." nakangiting sagot nito sa akin at ako naman ay lumapit na sa kanya dahil once lang pala eh. Naniniwala kasi akong bawal tanggihan ang grasya. ehe.
Tinuro ko lang yung pinakamura dahil nakakahiya naman kung yung mahal yung pipiliin ko, libre na nga abusado pa. Yung mura nila dito yung tig 200 my gosh malulusaw ang bulsa ko nito.
"Salamat Remy." pagpapasalamat ko sa kanya.
Maya maya ay umupo muna kami ni Remy at nagkwentuhan pinag-usapan namin kung paano ako nakapasa sa pagiging scholar dahil hindi daw ito makapaniwala. Sinabi ko naman sa kanya na hakot awards ako noong senior high ako at talagang focus ako sa pag-aaral ko.
Bukod pa don ay competative rin akong estudyante kaya lahat talaga ng program sinasalihan ko dahil gusto kong maging proud ang parents ko sa akin. Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay may dumating na isang lalake patungo sa amin.
"Ate Rem." sambit ng gagong lalake at niyakap at hinalikan ito sa pisngi sabay tingin sa akin pero tinarayan ko lang siya dahil nakakabanas yung mukha niya.
"Mag kakilala kayo?" pag-uusisa nitong tanong kay Remy habang nakakunot ang noo nito sa akin.
"Ahm, yah he's Alex a freshmen student here in Holy University at alam mo bang siya lang ang nakapasa dito as a scholar." pagpapakilala sa akin ni Remy pero wala man lang siyang naging reaksyon sa katalinuhan ko.
Nakakunot parin ang noo nito at ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit at mukhang napansin rin ni Remy na ganon ang itsura nito.
"El is there something wrong ba?" pagtatakang tanong ni Remy dahil napansin niyang nakakunot ang noo nito sa akin.
"Ah wala sige Ate Rem later na lang ulit." pagpapaalam nito kay Remy habang nakakunot ang noo nito sa akin pero hindi ko na rin iyon pinansin. Sino ba siya sa inaakala niya madami pa namang gwapo rito sa school kaya hindi siya kawalan.
"Magkapatid ba kayo non Remy?" pag-uusisa kong tanong kay Remy.
"Hindi naman pero parang kapatid na rin." sagot naman nito sa aking katanungan.
Pagkatapos naming mag usap ni Remy ay naghiwalay na kami dahil may pupuntahan pa daw ito. Kaya lumabas muna ako sa canteen at may mga tao akong nakitang nagtitilian sa may stage kaya tumungo ako roon upang maki-usyoso.
Nakita ko si Erick sa may stage habang hawak nito ang kanyang gitara. May mga kasama rin ito sa stage ito siguro ang kanyang mga ka band mate. Inaayos nila ang kanilang instrumento.
Habang nagbubulong bulungan naman ang mga ibang estudyante at napapasigaw sa pangalan ng kanilang banda.
"Omg, The Brigde is back!"
"Ang gwapo talaga ni Erick"
"Nakakamiss sila"
"Oo nga eh last year pa bago ko uli sila nakita."
"THE BRIDGE!!!"
Mga salitang naririnig ko at mga bulong-bulungan nila.
Nang maka set up na sila Erick ay agad namang pumwesto ito sa kani-kanilang pwesto. Nakita ko pang kumaway si Erick sa mga manonood habang palingon lingon ito na tila'y may hinahanap na tao.
Mga ilang saglit rin ay nag simula ng hampasin ng isang drummer ang drum. Pahiwatig ito para mag simula na sila habang yung isa naman ay sinimulan ng patugtugin ang electric guitar. Bago nagsimulang umawit si Erick ay nagbigay muna ito ng konting talumpati.
"Ang kantang ito ay inaalay namin sa inyong mga estudaynte. Ang kantang magpapatibay sa inyo at bigyan kayo ng magandang inpirasyon sa unang araw na pagpasok niyo sa unibersidad na ito. Ang kantang ito ay pinamagatang BELIEVE samahan niyo akong damhin ang magandang awitin upang maging inpirasyon sa inyong pag-aaral." pagbibigay mensahe ni Erick sa mga estudyanteng kasama kong nakatayo ngayon sa ibaba ng entablado.
(Erick sang Believe by Fearless Soul)
Nag simula na ngang kumanta si Erick habang ang mga estudyante ay tahimik lang na nakikinig at nanonood sa magandang awitin ng THE BRIDGE.
Habang kumakanta si Erick ay kitang kita sa kanyang mukha kung paano niya damhin at awitin ang bawat salita na nagbibigay ng magagandang mensahe sa bawat estudyante.
Napansin ko rin ang mga estudyanteng sumasabay na sa pag awit ng kanta kaya hindi ko na rin mapigilan na sumabay sa pag kanta. Nakakadala ang inaawit ni Erick habang kinakanta ito ay parang nabunutan ako ng tinik sa aking puso.
Maya maya ay napansin ko si Charles sa aking tabi kasama niya si Tristan. Kitang kita ko sa mga mata nila na proud silang pinapanood si Erick. Naririnig ko na rin na sumasabay na sila sa pagkanta.
Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang ito talagang mabuti silang kaibigan sobrang swerte ni Erick at meron siyang kaibigan na handang sumoporta sa mga bagay na magpapasaya sa iyo.
Nang matapos na ni Erick ang kanta ay nag bigay pa ito ng mensahe sa mga estudyante.
"To achieve you must believe, you can live out all of your dreams, persevere you'll make it through, what you need is all in you!" nakangiting talumpati ni Erick at sabay itong umalis sa stage kasama ang kanyang mga ka band mate.
Dahil natapos na ang lahat ay nag aya sila Tristan na kumain kami sa labas kasama sila Dave, Erick, Charles at isasama daw nila si Elijah.
