STORIES

Seize Everything - Chapter 15

Chapter 15 - Peace offering

Andito na nga kami sa Starbucks habang hinihintay namin sila Dave at Elijah. Nauna na kaming pumunta dito sa Starbucks dahil sinamahan pa daw ni Elijah ang kanyang girlfriend sa registrar. Habang nag hihintay kami ay umorder na rin si Tristan ng aming iinumin. 

Habang sa pagnilay-nilay ko ay pumasok sa aking isipan kung ano ang itsura ni Elijah. Naiisip ko kung maganda rin kaya ang hubog ng katawan nito gaya ni Charles, meron din kaya itong magandang asal gaya ni Tristan, kasing talented kaya nito si Erick, or mas malala pa kay Dave. 

Naalala ko ang mga sinabi nila na ayaw na ayaw niya nagpapasok sa kanyang kwarto at ayaw niya rin yung ginugulo yung mga gamit niya kaya kapag nag lilinis ako sa aking kwarto ay ibinabalik ko rin sa ayos ang kanyang gamit.

Mga ilang saglit ay nagpaalam muna ako kila Tristan upang mag cr dahil naiihi na ako.


AUTHOR'S POV

"Why did you take so long to accompany your girlfriend?" pagtatakang tanong ni Dave kay Elijah habang nakasakay ito sa kotse ni Elijah

"We just fixed her form. She said she didn't see her name on the list so she immediately went to the registrar." pagsagot nito sa tanong ni Dave habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Mga ilang minuto ay nakarating na nga sila Dave sa Starbucks kung saan andon sila Tristan. Sabay na bumaba si Dave at Elijah upang mag tungo sa loob ng Starbucks.

Pagdating nila Elijah sa loob ng Starbucks ay kusa namang tumayo sila Erick, Charles, at Tristan. Upang kamustahin ang isa't isa dahil matagal ng hindi nila nakakasama si Elijah.

"How are you bro?" pagsalubong ni Charles kay Elijah at saka niyakap ito na parang sobrang tagal na di nila nakasama.

"Hahaha, tang ina mo Charles na miss niyo ako agad eh kasama niyo ako kagabi sa bar." nakangiting sagot ni Elijah habang nakayakap ito kay Charles.

Nagkamustahan nga ang magkakaibigan dahil matagal na rin itong hindi nakakasama sa mga lakad nilang magkakaibigan. 

Umorder na rin si Dave ng maiinom nila ni Elijah. Habang si Elijah ay magpaalam muna upang mag cr dahil kanina pa raw ito naiihi.

ALEX POV

Pagkatapos kong mag cr ay agad akong naghugas ng kamay at inayos na rin ang buhok bago lumabas. Pagpihit ko ng door knob ay lumantad sa aking harapan ang isang lalaking nakakunot ang noo.

"Ikaw na naman?" pagkabigla kong sambit sa kanya habang hawak ko pa rin ang pintuan.

"Stalker ka bang stupid ka? Haggang dito ba naman sinusundan mo pa rin ako. May gusto ka ba sa akn?" naiinis nitong sumbat habang ang kanyang mga kilay ay magkasalubong pero hindi naman ako nagpatinag sa kanya kahit mas malaki siya sa akin.

"ABA! Ang kapal din ng mukha mo no. Sinong nagsabi sayo na sinusundan kita. Kita mo ako ang nauna dito sa cr papasok ka palang palabas na ako. Oh! Sino sa atin ngayon ang nag mukhang stalker." bwisit kong sagot sa kanya habang nakakunot na rin ang aking noo.

"Malay ko sayo baka sinadya mong pumasok agad sa cr para hindi halatang nag s-stalk ka o baka naman alam mong papasok ako sa cr kaya agad kang pumasok at kunyaring lalabas ka, gusto mo uli magpabangga sa akin no nadama mo ba ang burat ko?." pang-iinis nito sa akin kaya nag palting ang tenga ko sa kanyang tinuran.

Patuloy pa rin kami sa pag away sa may pintuan ng cr kahit may mga taong gusto ng mag cr pero wala silang lakas loob na pumasok dahil sa matinding sagutan namin. Dahil napapalakas na rin ang aming sigawan ay naririnig na ito sa loob ng Starbucks.

Dahil napapalibutan na kami ng mga tao ay agad namang lumapit ang mga staff upang pakalmahin kami at sa labas na lang ituloy ang aming pagdi-diskusyon pero hindi namin pinakinggan ang sinabi ng staff dahil patuloy pa rin kami sa pagsusumbatan.

Mga ilang segundo rin ay dumating na sila Tristan na may pagtataka sa kanilang mukha atsaka inawat kaming dalawa dahil marami ng taong nanonood sa amin at kinukuhaan na rin kami ng mga video.

"Elijah, Alex!" paulit ulit na salita ang aming narinig kila Tristan. Hinila ni Tristan at Charles si Elijah habang ako naman ay hinila ni Dave at Erick.

Sabay sabay kaming lumabas sa Starbucks dahil napag-uusapan na rin kami at maya maya ay nagtanong na rin sila Tristan kung ano ang nangyari.

"Alex! What happened?" mausisang tanong sa akin ni Dave habang nakahawak ito sa aking balikat

"Eh itong gagong ito tinawag akong stupid. Sinabihan pa akong stalker. Sino ba siya sa inaakala niya. Artista ba yan. Kung artista yan napaka pangit naman ng ugali." naiinis kong sagot sabay turo sa hawak nila Tristan.

"Bakit totoo naman ah, stupid ka hindi ka nga marunong tumingin sa dinadaanan mo eh at saka ilang beses na rin tayong nagkita at alam kong hindi insidente iyon. Ang ibig lang sabihin non ay sinusundan mo ako." sagot nito sabay duro duro sa aking mukha na akala mo siya na ang pinakamataas sa lahat.

"Wow! Ang kapal ng mukha mo sino ka ba para sundan ko. Nakakasuka ka." nanggigigil kong sumbat sa kanya dahil angsarap niyang kurutin ng nail cutter.

"So nagkita na kayo?" patanong ni Erick pero walang ni isang sumagot sa tanong niya dahil parehas kaming banas na banas sa isa't isa. 

"Elijah?" pagtawag ni Charles sa kanyang pangalan habang ako'y nabigla atsaka lumingon sa gawi nila.

"Wait, what? Siya si Elijah?" pagtatakang tanong ko sa kanila at tumango naman sila sa akin habang nakatingin si Elijah at nakakunot ang kanyang noo.

SHIT! tanging lumabas sa aking bibig.

Nalaman kong si Elijah pala yung kinaiinisan kong tao at bukod pa don sa kwarto niya ako natutulog baka lalong mag karoon ng rambolan kapag nalaman niya iyon.

"So, kilala niyo ang stupidong ito?" pag-uusisa ni Elijah habang naka duro sa akin ang kanyang midle finger.

"Patay." mahinang sambit ni Erick ngunit narinig naman ito ni Elijah.

"Kilala niyo ba yung stupidong ito?" pasigaw ni Elijah dahil walang sumasagot sa kanya habang naka duro ang kanyang daliri sa akin "Dave, Erick, Tristan, Charles?" sunod sunod na pag tawag nito sa mga pangalan ngunit hindi pa rin kumikibo sila Tristan.

"Dave?! Just fucking answer me." nababanas na sigaw ni Elijah. 

Tumingin naman si Dave kila Tristan para tulungan siya sa pagpapaliwanag. Dahil hindi magugustuhan ni Elijah ang kanyang malalaman.

"Yes, Elijah. We know Alex." pag sagot ni Tristan sa tanong ni Elijah at ngumisi naman itong parang demonyo.

"haha, siya ba yung stupidong hinahanap niyo sa bar?" nakangising tanong nito na medyo naiinis "saan niyo nakilala yung stupidong yan." dugtong nito sabay duro at aakmang lalapit sana sa akin ngunit nahawakan ni Charles.

Sobrang sakit na mag salita si Elijah, nakarami na siyang banggit ng stupido sabay turo sa akin ng madiin pero kailangan ko muna mag behave. 

"Alex is not just an acquaintance Elijah." seryosong pag sagot ni Charles sa kanya at bigla namang tumigil si Elijah sa pag tawa at tumingin naman ng seryoso ito kay Charles. "He is with us at home." dugtong nito atsaka namang pagtataka ni Elijah.

"Home? at Tita Rachelle's house?" pag-uusisang tanong ni Elijah.

"Yes, bro." pagsingit ni Dave sa usapin.

Tumahimik naman ang lahat wala kaming ibang naririnig kundi ang mga dumaraang sasakyan at mga taong naglalakad lang. Maya maya pa ay nag salita na uli si Elijah.

"Saan siya natutulog?" seryoso itong nakatingin sa amin at halos lahat kami ay ramdam ang kaba dahil sa bilis ng pag tibok ng aming mga puso.

"Saan siya natutulog?!" pasigaw nito sa amin kahit naririnig na siya ng mga ibang tao. Sobrang kaba ko at sobrang takot na rin ang nakikita ko kay Elijah.

"Kalma ka lang Elijah." pagpapakalma ni Erick kay Elijah sabay hinawakan nito ang kanyang braso pero hinawi naman ito ni Elijah.

"In your room." seryosong sagot ni Tristan kay Elijah habang napatingin naman sila Dave kay Tristan.

"HAHAHAHHAHA" nakakatakot nitong tawa at muli itong nag salita "Tang ina niyo, hindi niyo sinabi sa akin na may natutulog na pala sa kwarto ko mga puta kayo." nanggagalaiti nitong inis sa kanyang mga kaibigan.

"When Tita Rachelle wanted to let someone else use your room, I called you but you didn't answer." pag sagot ni Dave kay Elijah

"Kasama niyo ako sa bar Dave bakit hindi niyo sinabi." naiinis nitong sagot "Tang ina naman oh?!" Dahil sa inis ni Elijah ay binuksan nito ang kanyang sasakyan.

"Elijah, saan ka pupunta?" pag-uusisa ni Tristan kay Elijah pero hindi ito sumagot at bigla niya na lang pinaharurot ang kanyang kotse palayo sa amin.

Pag alis ni Elijah, bigla na lang lumuwag ang aking paghinga. Tumingin naman sila Tristan sa akin upang tignan kung okay lang ako.

"Alex, are you okay?" pag-alalang tanong ni Tristan sa akin habang hinahawakan ang aking mukha at tumango naman ako.

"Did he hurt you?" pag-alalang tanong ni Charles sa akin.

"No, Charles nabigla lang ako sa nangyari nindi ko rin alam na siya pala si Elijah." sagot ko sa kanila habang nakatingin pa rin ako sa pinaroonan ni Elijah.

Dahil sa nangyari ay natanong ako ni Tristan kung gusto ko pa bang pumasok sa school dahil hindi pa naman tapos ang orientation pero hindi na rin naging maganda ang pakiramdam ko kaya sinabi ko na uuwi na lang ako para mag pahinga.

Habang paalis kami ay nagtanong tanong sila sa akin. Kung bakit ganon magalit si Elijah sa akin. Ang sinabi ko lang ay hindi maganda ang una naming pag kikita dahil muntik na ako nito mabunggo pero hindi siya humingi ng tawad bagkus ininsulto pa niya ang pagkatao ko kaya nagkasagutan kami.

Ganun rin sa pangalawang pag kikita namin ininsulto niya ang pagkatao ko. Sa pangatlong pagkikita namin ay hindi rin naging maganda dahil muntik na niya akong masuntok sa bar buti na lang napigilan siya ng gf niya.

Nang makauwi kami sa bahay ay nakita namin na may tao sa loob kaya naman agad kaming pumasok sa loob upang tignan ito. Nakita namin si Elijah na may kausap sa cellphone pero hindi ko na rin siya pinansin at pumasok na lang ako sa loob ng bahay.

ELIJAH POV

Phone Scene;

"Tita Rachelle bakit naman hindi niyo sinabi sa akin na may gumagamit na pala ng kwarto ko." 

<Elijah ilang buwan ka ng wala sa bahay tas ayaw mong ipagalaw sa iba kahit kila Dave.>

"Tita babalik naman ako eh, sinamahan ko lang yung girlfriend ko." 

<Hayy nako Elijah, wala ka ng magagawa pa. Binigay ko na kay Alex yung kwarto mo.>

"Tita! babawiin ko na na yung room ko."

<Elijah sinasabihan kita, wag mong gagalawin si Alex malilintikan ka sa akin isusumbong kita sa magulang mo kung gusto mong bumalik makiusap ka o di kaya maghati kayo sa kwarto mo tutal malaki naman iyon>

"Tita bakla si Alex baka mamaya habang tulog ako pagsamantalahan ako non eh."

<Jusko Elijah, yung utak mo linisan mo. Sumasakit ang ulo ko sayo. Binabalaan kita Elijah wag mong gagalawin si Alex.>

Fuck, pinatay bigla ampt. 

Dahil ayaw makisama ni Tita Rachelle ay ako na lang ang kusang kukuha ng kwarto ko sa ayaw at sa gusto ko. Kaya naman pumasok na ako sa bahay para kunin ang akin.

------×××------

ALEX POV

Umiinom ako ng bigla kong makita si Elijah papasok sa loob ng bahay kaya agad kong nilapag ang iniinom kong tubig. Sa pag pasok niya ay nakita ko pa ang nanlilisik niyang mata sa akin.

"Hoy, stupidong bakla kunin mo yung mga basurang gamit mo sa kwarto ko." nababanas nitong sumbat sa akin sabay duro sa aking pagkatao.

"Elijah watch your mouth." napatayo ito sa pagkakaupo sa may sofa at ipinagtanggol ako nito kay Elijah.

"Shut up Tristan! I'm not talking to you." naiinis nitong sagot kay Tristan.

"Your behavior is not right anymore Elijah. You don't know how to show respect. The person has a name and you call him stupidong bakla. Okay ka pa ba?" naiinis na pag sagot ni Tristan kay Elijah at kumunot na rin ang noo nito.

Ang sweet talaga ni Tristan kaya lalo ko siyang nagiging crush eh dahil kaya niya akong ipagtanggol pero ayaw ko naman silang mag away na mag kaibigan.

Kaya ako na lang mag aadjust. Kukunin ko na lang yung mga gamit ko sa kwarto ni Elijah para hindi na sila mag away away pa.

"Saan ka pupunta Alex?" pag-uusisang tanong ni Tristan at bigla naman ako napahinto at ngumiti sa kanya.

"Kukunin ko lang yung gamit ko sa kwarto ni Elijah." nakangiting sagot ko kay Tristan dahil gusto kong makita niya na hindi ako ganon ka apektado.

Kinuha ko na nga ang mga gamit ko sa silid ni Elijah at nilagay ko lahat iyon sa maid room. Dahil wala namang guest room dito sa bahay ni Tita Rachelle.

Sa maid room na ako matutulog tutal maid naman ako rito sa bahay tsaka mas okay na to para hindi na magalit yung gagong Elijah na yon mas malala pa pala siya kay Dave. Dahil sa pagod ko ay bigla namang dinaloyan ng antok.

Tok!!! Tok!!! Tok!!!

Nagising ako sa katok na nagmumula sa aking pintuan sabay banggit nito sa paulit ulit kong pangalan. Naalala ko hindi na pala ito soundproof dahil nasa maid room na ako.

"Erick? Anong ginagawa mo rito?" pag-uusisa kong tanong sa kanya habang nag hihikab pa ako.

"Okay ka lang ba diyan sa loob?" pag-uusisang tanong ni Erick sa akin "Gusto mo sa share na lang tayo sa room ko." dugtong nito atsaka napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.

"Nako Erick, Salamat ah. Pero okay na ako dito baka kung ano pang isipin nila." ngiting sagot ko kay Erick.

"Kaya pala andito ako kasi yayain sana kitang kumain na, mag aalas sais na ng gabi eh." pag-alok ni Erick sa akin.

"Huwag na Erick, dito na lang ako tsaka baka lalong mainis si Elijah sa akin at mawalan pa ng ganang kumain iyon." pagkadismaya kong sagot rito sabay pout ng aking labi.

"Kinausap na namin si Elijah na hindi ka na niya aawayin." pagpu-pumilit ni Erick sa akin. Pero totoo bang nakausap nila ng maayos si Elijah pero hindi ko na lang masyadong inintindi at susubukan kong makisama sa kanya.

Sumama naman ako kay Erick at nagtungo na nga kami sa kusina upang mag hapunan. Nag order na lang si Charles ng Jollibee dahil wala naman sa kanila ang marunong magluto puro prito lang sila. 

Mag uumpisa na nga kaming kumain pero nabago na ang aming pwesto sa upuan nakaupo na ako ngayon sa upuan ni Tita Rachelle. Nasa kaliwa si Dave at sa kanan naman si Erick at ang aking katapat ay si Tristan.

Tahimik lang akong kumakain dahil hindi ko alam kung paano ako makikipag sabayan sa kanila sa pakikipag kwentuhan para akong mahiyaing pipe na tanging kamay at bibig lang ang aking ginagamit sa paggalaw.

Binasag ni Erick ang aking katahimikan "Alex, alam mo bang ikaw lang ang nakakuha ng scholarship sa unibersidad na pinapasukan natin?" nakangiting sambot nito sa akin.

Nagsitahimikan at lumingon naman ang mga ito sa aking gawi ng sabihin iyon ni Erick. "Ah, Oo nakita ko na. Nagulat rin ako eh kung bakit ako lang yung natanggap sa unibersidad na iyon."

"Ibig lang sabihin non matalino ka talaga, tsaka halata naman kasi sayo na kaya mong gawin ang lahat." sambit ni Erick. Napansin ko ring nakakunot ang noo ni Elijah ganon rin si Dave para silang mag-ama pinaglihi ata ang mga ito sa sama ng loob.

Natapos na ang aming hapunan at tumungo na sila sa kani-kanilang silid. Naiwan naman si Charles at Erick dito sa baba upang iligpit ang mga pinagkainan namin.

"Erick?" pagtawag ko sa kanyang pangalan "Ang galing mo palang kumanta kanina hindi ko alam na ayun pala yung prinaktis niyo atsaka nagustuhan ko yung laman ng kanta lalo na yung last message mo nakaka motivate." nakangiting sambit ko sa kanya habang sinisimulan ko ng maghugas.

"Ah yun ba very basic lang." natatawa nitong sagot. "Hindi naman kami nahirapan kunin yung tono nung kanta. Tsaka hindi kami ang namili nung kanta. Supervisor ang namili at nung pinakinggan naman namin napaka inspirasyonal pala non kaya inaral namin." 

"Naku! Alam mo ba andaming nagtitilian at puro ikaw ang bukang bibig ng mga nakatabi ko habang pinapanood ka." lakas loob kong sambit kay Erick at saka naman siya ngumiti.

"Eh, ikaw ba hindi kaba napatili sa akin?" pag-usisa nito at ngumisi naman ako sa kanya.

"Hindi! Pero sobrang proud ako sayo. hahaha, parang nanay lang pero legit Erick namangha ako sayo feeling ko nga isa ka ng professional singer eh. Andaming humahanga sayo." nakangiting saad ko sa kanya.

"Okay, I'll take that as a compliment." nakangiting sagot nito at sabay idinampi ang kanyang labi sa aking labi. Nabigla ako sa nangyari ganon rin si Charles dahil hindi namin inaasahan na gagawin niya iyon kahit kasama namin si Charles.

"Erick bakit mo ginawa yon?" pagtatakang tanong ko sa kanya at nakita kong nakangiti lang ito sa aking harapan. Naramdaman ko na rin na nag-iinit na ang aking mukha at alam kong namumula na ito kaya tumalikod ako sa kanya upang hindi niya ako mapansin na namumula.

"Sorry, Alex nabigla lang ako." paghingi nito ng paumanhin habang hawak nito ang aking kanang braso dahil gusto niya ako i-harap sa kanya. "Alex?"

"Erick, go up and I'll take care of it." seryosong pag-singit ni Charles at napatingin naman si Erick sa kanya.

"Mamaya na, tapusin ko lang tong pinupunasan ko." pagtanggi naman ni Erick sa utos ni Charles.

Habang sa paglilinis ay ramdam ko ang pagiging bingi dahil sa katahimikan tanging mga plato at pagbuhos ng tubig ang aking naririnig walang salitang binitawan si Erick at Charles.

Nang matapos na kami sa paglilinis ay agad na akong nagpaalam kila Charles at Erick.

"Samahan na kita." pag-anyaya ni Erick sa akin patungo sa aking silid dahil nasa kabilang bahay ang maids room hindi naman ito malayo sa bahay nila Tita Rachelle mga pitong lakad lang mula sa likuran ay mararating na ang aking silid.

"Hindi na Erick. Salamat na lang. Tsaka malapit lang naman dito yung silid ko para namang nasa kabilang baryo lang ako." pabirong tawa ko sa kanya. "Charles, Erick mauna na ako. Matulog na rin kayo ah maaga pa pasok niyo bukas. Good night." masayang dugtong ko sa kanilang dalawa at ngumiti naman ang mga ito.

Tumungo na nga ako sa aking silid upang makapag pahinga na rin. Naghugas na muna ako ng aking sarili bago matulog dahil mas masarap matulog kapag fresh ang katawan.

Mga ilang minuto na rin ang lumipas ay may naririnig akong sumisigaw na nagmumula sa pintuan ng aking silid hindi na kasi sound proof ang bahay ng kasambahay nila.

Pinihit ko ang door knob at lumantad sa akin ang hubo't hubad na lalaki at tanging boxer brief lang ang kanyang saplot. Nakatingin ito sa akin at parang may gusto siyang sabihin. 

"Bakit ka andito? Ano kailangan mo?" pairap kong tanong sa kaniya at ibinaling ko ang aking tingin sa iba dahil baka ako'y matukso sa pumuputok nitong masels at bakat nitong pagkalalaki.

"I came here to apologize for my behavior." nakangiting paghingi nito ng paumanhin at may dala pa itong peace offering. Iniaabot niya ang dala niyang tsokolate at napangiti naman akong tumingin sa kanya.

"Oo na pinapatawad na kita, hindi naman kasi ako marunong magtanim ng sama ng loob eh." nakangiting sambit ko at kinuha ko ang tsokalate. Lumapit naman ito at niyakap ako. Naramdaman ko ang matitigas nitong masel sa aking buong katawan mula sa balikat hanggang sa kanyang pagkalalaki.

"Thank you Alex." bulong nito sa aking tenga habang yakap yakap niya ako ng mahigpit ng mapansin kong medyo matagal na rin kami sa pagyayakapan ay naramdaman kong tumitigas na ang kanyang hinaharap kaya umalis na ako sa pagkakayakap niya.

"Sige na matulog kana maaga pa klase niyo bukas tapos na ang orientation kaya paniguradong may lesson na kayo." pagsermon ko sa kanya habang hawak hawak ko pa rin ang tsokolateng binigay niya at ngumisi naman ito sa aking sinabi.

"Won't you even let me stay in your room?" pagpapa-awa nito habang ang kanyang labi ay naka sad pout. Nako ito talagang lalaking ito kaya siguro nakikipag bati dahil nalilibugan na naman.

"Nako Dave kaya ka ba nakikipag bati dahil nalilibugan ka na naman?" pag-uusisa kong tanong sa kanya at kita rin sa mukha niya ang pagbabago ng kanyang reaksyon.

"No" tipid nitong sagot sa akin habang ang black eye niya ay nakatingin sa kaliwa.

"Huwag ako Dave kaya siguro wala kang damit para akitin ako no? Nako Dave kung yun lang pala gusto mo sige sayo na tong chocolate mo." pagsusuplada ko kahit hindi ko naman talaga intensyon na supladahan siya gusto ko lang malaman ang magiging reaksyon niya.

"That's yours, I gave that to you besides, I'm leaving because you said there's a class tomorrow." nakangiting sagot nito at nagpaalam na nga siya sa akin. Tumungo na si Dave sa bahay at sa pag pasok nito ay lumingon pa ito sa akin at nagbigay ng flying kiss. Hindi ko naman iyon pinansin at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob.

Pumasok na rin ako sa aking silid at magpapahinga na rin dahil maaga akong gigising bukas upang makapag linis bago pumasok sa paaralan. Mga ilang minuto rin ay kusa ng pumikit ang aking mga mata.

Susunod...