STORIES

Seize Everything - Chapter 16

Chapter 16 - Pagpapakilala

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Alas siete na pala kaya bumangon ako at tumungo sa bahay upang makapag linis bago pumasok sa paaralan.

Nagulantang ako sa aking nakita andaming kalat sa loob ng bahay para kaming ninakawan. Tinignan ko ang bawat paligid at wala namang kahit ano ang nawawala tanging ang mga unan na nag mula sa sofa ang nakakalat sa lapag, mga sopang nakataob, mga platong nasa lababo halos gamit ito dahil may mga mantsa pang pinagkainan, kahit ang mga kurtina ay nakatiwangwang, at mga larawan na nakasabit sa mga poste ay nakabaliko.

Mga ilang segundo sa pagkabigla ay naririnig ko na ang mga yapak na nagmumula sa pangalawang palapag patungo sa hagdan dahil sa takot ko na baka may magnanakaw ay kinuha ko ang kawali at ginawang armas kung sakaling magnanakaw nga ito. Nagtago ako sa gilid upang hindi ako nito makita at mapansin. 

"What the hell?" tanging salita ang aking narinig na nagmula sa may hagdan. Lumabas naman ako upang tignan kung sino ito pero gaya ko ay nabigla rin ako nung una kong nakita ang mga kalat rito.

"Dave?" tanging sambit ko ng makita ko siyang nabigla at tumingin rin ito sa aking gawi nakakunot ang noo nito dahil sa pagtataka kung ano ang nangyarari dito sa bahay.

"Alex? Bakit hawak mo yang kawali?" tanong nito habang humahakbang pababa sa hagdan gaya ko ay nabigla rin ito hindi niya rin inaasahan ang kanyang masasaksihan.

"Nanakawan ba tayo?" nagtatakang tanong ni Erick at lumakad naman ito patungo sa akin at inusisa nito ang buo kong katawan. "Okay ka lang ba Alex? Nasaktan ka ba? Gago yung magnanakaw na yun ah." pag-alalang dugtong ni Erick habang pinaikot ikot ako.

"Ahm Erick. Ayos lang ako. Hindi ko rin alam kung anong nangyari dito. Nagising na lang akong ganito na rito sa bahay. Atsaka wala rin namang nawawalang gamit rito kaya nagtataka ako kung bakit ganito kagulo sa bahay kung nanakawan tayo bakit walang nawawala." pagtatakang sagot ko kay Erick.

"Who the hell would do this in our house?" naiinis na tanong ni Dave habang pababa na ito mula sa hagdan at nakakunot pa rin ang noo nito napakibit balikat na rin ako sa kanya.

"Ahm, sige. Mag luto na lang muna ako ng makakain niyo tas lilinisan ko na lang rin itong mga nakakalat para maaga kayong makapasok." sambit ko sa dalawa.

"Tulungan ka na namin mag ligpit para mapadali." pag-alok ni Erick at napatingin naman ako sa gawi nito.

"Ah, hindi na Erick tsaka nakabihis na kayo eh. Kaya ko na to tsaka baka malate rin kayo, lalo ka na Erick." pagtanggi ko sa alok ni Erick dahil 7:30 ay dapat nasa unibersidad na ito kasama ang mga kaband mate niya.

"Hindi Alex atsaka baka ikaw naman ang malate niyan." pag-alala ni Erick dahil tama siya malalate rin ako kung ako lang ang gagawa nito ayoko pa naman malate sa unang klase ko.

"Erick, hayaan mo na siya and You heard what he said, right? At kung gusto mong makatulong sa kanya edi sa labas na lang tayo kumain para hindi madagdagan ang gagawin niya rito sa bahay." pagsang-ayon nito sa aking sinabi na nagmula sa may hagdan nakangisi itong nakakaloko sa akin ngunit naging seryoso ito ng lingunin nila Dave at Erick si Elijah.

Mukhang alam ko na kung sino ang gumawa nito dahil wala namang nawawala rito sa bahay ay malamang may nagkalat ng mga kagamitan rito pero wala akong ebidensya kaya hindi ako dapat magparatang ng sino man.

"Tama siya Erick." napabuntong hininga ako at sumang-ayon kay Elijah kahit labag sa aking kalooban pero wala akong magagawa dahil katulong naman ako rito at responsibilidad ko naman linisan at iligpit ang mga kalat rito sa bahay.

Kaya sinimulan ko na ang pag-aayos sa mga natumbang sofa pinunasan ko ang mga ito dahil may mga alikabok ito sa mga parte ng upuan. 

"Are you sure Alex?" pag-alalang tanong ni Dave sa akin pero binawian ko lang ito ng ngiti at sinubukan nitong iangat ang iba pang sofa.

"Dave! Akala ko ba sasama ka sa akin?" pasigaw nito kay Dave mula sa hagdan hanggang sa living room hindi naman lumingon si Dave at isinaayos pa rin niya ang mga sopang naka taob. "Dave! Answer if you don't want to come and I'll leave?" dugtong nito dahil hindi siya napansin ni Dave.

"Dave. Kaya ko na to. Salamat." malapad kong pagngiti sa kanya dahil gusto niya akong tulungan pero ayaw ko na rin siyang madungisan dahil nga maalikabok ang mga sofa. 

Patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga sofa at napansin kong bumaba na rin sila Tristan at Charles. Nakita nila akong inaayos ang mga nakakalat na kagamitan at kumunot ang noo nito ng tignan niya sila Erick, Dave at Elijah.

"Why are you just watching him? you won't even help him?" naiinis nitong sagot sa tatlo "Who the hell did this?" dugtong nito sabay nakakunot ang noo.

"Oh! bakit ka sa akin nakatingin? Pinagbibintangan mo ba ako Tristan?" naiinis nitong sumbat kay Tristan.

"Ahm, Tristan they really wanted to help me but I refused them because it might stain the uniforms they were wearing." pagputol ko sa kanilang bangayan habang patuloy pa rin ako sa pagbabalik ng mga unan na nakakalat sa lapag papunta sa sofa.

"Pero andami nito Alex. Napaka immature naman kung sino mang kumag ang gumawa nito. atsaka baka malate ka rin kung sakaling tatapusin mong mag isa itong mga gawain." pag-alalang sambit nito pero tumayo lang ako at humarap sa kanila kahit bakas pa rin sa akin ang pag-alala na baka malate ako sa klase dahil ayoko rin na masermonan agad ako ng una naming prof... naturingan pa naman akong scholar sa magandang unibersidad tas ganto lang ang ineexpect nila sa akin.

"Okay lang Tristan mauna na lang kayong umalis para hindi na kayo malate tsaka lalo lang ako matatagalan kung panonoodin niyo ako sa paglilinis." ngising tawa ko sabay kamot sa likod ng aking ulo.

Hindi pa rin nagpatinag si Tristan at gusto niya talaga ako tulungan pero tinaggihan ko siya. Kaya naisip ko na banggitin ang pangalan ni Giselle, at ayun, naalala niya ngang susunduin daw niya ito sa kanilang bahay upang siya ang maghatid tungo sa paaralan.

Pumayag na nga si Tristan at humingi ito ng paumanhin pero nginitian ko lang ito. Sa totoo lang napaka swerte ni Giselle kay Tristan napaka boyfriend material talagang uunahin ka niya bago ang kanyang sarili. 

Alas otso pasado na ako natapos sa paglilinis gusto ko pa sana magpahinga dahil sa pagod pero hindi ko na nagawa dahil mas lalo lang akong malalate kung magpapahinga pa ako.

Nagsimula na nga akong maligo at pagkatapos nag bihis na rin ako. Pagkatapos ko ay lumabas na ako upang maghanap ng taxing masasakyan may huminto naman agad na taxi at agad akong sumakay rito.

"Saan po tayo Ms.?" usisa nito habang nakatingin sa may mirror sa harapan pero hindi ko na pinansain ang sinabi niyang Ms..

"Sa holy University po manong." tanging sagot ko. Sa taxi na rin ako nag tali ng buhok dahil sa kakamadali ko.

Mga ilang minuto rin ay agad ng huminto ang sinasakyan ko at bumaba na ako patungo sa loob ng building at bago pumunta sa building kung saan ang room ko ay hinanap ko muna ang cr upang tignan ang sarili bago pumasok sa klase. Nakita ko naman na maayos ang aking itsura at hindi naman mukhang hagard at para ring akong model ng eskwelahan sa sobrang ayos ko kaso basa lang ang buhok.

Alas nwebe pasado na pala. Sa sobrang kaba ay halos lumabas na ang puso ko sa pagtibok nito halos titigan ko lang door knob ng aking room dahil sa kaba.

Ilang segundo rin ay naglakas na akong buksan ito pero hindi ko pa binubuksan ay bumukas na ito at bumungad sa akin ang magandang babae. 

"Hi! sino po sila?" tanong nito sa akin

"Ahm, dito po ba yung room 212?" kinakabahang sagot ko rito at tumango naman ito sa akin. "Ah dito po kasi ang classroom ko." dugtong ko

"Why are you still outside?" boses ng matandang babae na nagmula sa aking likuran kaya napatingin ako rito. "Pasok na kung dito ka nakaroom." tumango naman ako dahil sa kaba ay agad akong pumasok sa loob.

Sa pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang mga kamag-aral kong nagsi-sigandahan at naggwa-gwapuhang estudyante. Nagpapatagisan rin sila ng mga suot nilang bag at mga hawak nilang iphone. Bigla akong nahiya dahil simple lang ang aking kagamitan.

"Oh, ikaw umupo ka na?" pagturo nito sa akin at tumango naman ako.

Napansin kong halos wala ng bakanteng upuan sa harapan gusto ko sana sa harapan ako umupo para makapag aral ako ng mabuti pero dahil late ako ay naunahan na ako sa pag-upo. Dahil napansin kong nasa likuran na lang ang may bakanteng upuan at lumapit na ako sa isa at duon na lang ako umupo.

Pag-upo ko sa upuan ay bigla itong bumigay. "Awww!" ang tanging salita na lumabas sa aking bibig.

Napatingin naman ako sa kanila at sabay sabay silang nagtatawanan dahil sa nangyari ay nahiya naman ako dahil sa late at ganito na ang nangyari sa akin.

"Quiet! Ang tatanda niyo na but you act like a elementary students. Tama ba ang ganiyang behaviour?" pagsermon ng aming guro sa aking mga kaklase at tumahimik naman ang mga ito. "My god! Saan ba galing yung upuan na yan hindi man lang chineck ng janitor ang mga upuan kung sira ba o hindi. Nakakahiya prestigious university pero sira sira ang upuan." huling dugtong nito atsaka tumayo. Napansin naman nito ang isa pa naming kaklase dahil sa hagikgik. "Oh, Ikaw what's your name?" sabay turo sa lalaking estudyante.

"I'am Carlo po." deretsahang pagtayo nito.

"Dahil ikaw ang tumatawa ikaw ang kumuha ng upuan para don sa... what's your name iho? Or iha?" usisang tanong nito sabay turo sa akin.

"I'am Alexis po and I'am a boy po." sagot ko at tumango tango naman ang aking kamag-aral gayon din ang aming guro.

"Did you hear Mr. Carlo? Kumuha ka ng upuan para kay Mr. Alexis." mautoridad nitong utos kay Carlo at napansin kong kumunot naman ang noo nito.

Mga ilang minuto at nakakuha na nga ng upuan si Carlo at ibinigay sa akin imbis na mainis ito ay nginitian niya ako kaya bumawi rin ako ng ngiti at bumalik na ito sa kanyang kinauupuan.

Ilang saglit rin ay tumayo na ang aming Professor sa harapan at nag umipisa na itong magpakilala. Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib dahil sabay lang kami pumasok nito kanina kaya ibig sabihin hindi ako late at ngayon palang maguumpisa ang pagpapakilala.

"Good morning my students. As you know I'am your Professor in History. My name is Cynthia Guerero but you can call me Prof. Guerero. At sa buong araw na ito ay ako muna ang magiging guro niyo did you understand?" medyo iritadong sambit nito sabay hampas sa lamesa. 

"Yes, Prof. Guerero." sabay sabay naming banggit.

"I also want to meet you one by one. So, the introduction is from front to back." sambit nito at agad namang nagpakilala na ang mga ito isa isa.

Mga ilang minuto sa pagpapakilala at tumungo na ito sa babaeng bumungad sa akin kanina sa may pintuan.

"Hi! Everyone my name is Sophia Nicole Mirendez and I'am 16 years old." gaya nga ng sabi ko sa una ay maganda si Sophia maputi, skiny at mukhang matalino hindi rin siya ganon katangkaran siguro nasa 5'4 lang ang taas nito.

Sumunod na nag pakilala ay si Luigi medyo chubby ito at cute din pero may lahing berde dahil sa kilos palang ng pagtayo niya ay alam mo ng burat rin ang gustong susuhin parehas kasi kami.

"Hi Dear Student. Standing infront of you a 17 years old fresh, succulent, and bodacious. My name is Luigi Batumbakal na nag iiwan ng isang katagang mataba man ako sa inyong paningin dila ko palang kayo'y mahuhumaling." pagkalanding pagpapakilala nito sabay hiyawan ang mga estudyante kahit ang aming guro ay napatawa dahil sa intro nito.

Sumunod na nag intro ay si Carlo yung lalaking kumuha ng mauupuan ko aminado akong pogi rin ito at the same time ay cute kapag ngumingiti akala ko nung una ay masungit dahil kumunot ang noo nito pero habang tumatagal ay napapalitan naman ito ng ngiti.

"Hi! Student my name is Carlo Ventura I'am 18 years old." nanlaki ang mata ko ng ipakilala niya ang pangalan niya. Isa siyang Ventura ibig sabihin kapatid niya si Charles Ventura kaya pala gwapo at the same time ay lumalabas ang pagkakyut niya dahil magkapatid pala sila ni Charles.

Kung pagbabasehan naman itsura nila ng kuya niya ay di hamak na mas maganda at malaki ang katawan ni Charles pero may isa lang pumasok sa isip ko kung malaki rin ba ang kargada nito dahil kay Charles ay sobrang haba at taba ahhh... erase erase bakit ba andumi ng iniisip ko.

"Mr. Alexis!" Pagkalabit sa akin ng babae sa aking harapan dahil kanina pa pala ako tinatawag ni Prof. Guerero kaya tumayo naman ako.

"Hi! Everyone." kinakabahang sambit ko dahil nakatitig itong lahat sa akin. Teka bakit ako kinakabahan dapat malakas ang loob ko dahil scholar ako at dapat ko iyon ipagyabang in a nice way. "Hi Everyone! My name is Alexis Guevera, I'am 17 years old. and I hope our association will be good in this class." 

Napanganga naman ito hindi dahil sa introduction ko kundi sa pangalan ko. "Alexis Guevara? Ikaw yung nag iisang scholar na natanggap sa unibersdad na ito?" tumango naman ako kay Prof. Guerero. Nagsimula na ngang magbulong bulungan ang aking mga kaklase. 

"Wow! Then congrats Mr. Guevara you're very lucky because you are the one who got as a scholar in this university." papuri ng aming Professor at tumungo na nga ako sa aking kinauupuan.

Mga ilang oras na rin ay mag sisimula na ang breaktime kaya nauna ng lumabas ang aming guro at lumabas na rin ang iba pa naming kaklase. 

Akma na sana akong tatayo ng biglang lumapit si Sofhia at Luigi rito sa aking pwesto napatingin naman ako sa kanila.

"Hi Alexis, Sofhia nga pala can we be friends?" pag-alok nitong makipag kaibigan at iniaabot ang kanyang kamay sa akin.

"Hello Sofhia I'm Alexis but you can call me Alex na lang." saka ko hinawakan ang kanyang kamay upang makipag shakehand.

"Luigi." abot nito sa kanyang kamay at nakipag shakehands naman ako. "Tutal breaktime naman sama ka na lang sa amin ni sofhi." tumango naman ako.

Nasa canteen na kami ngayon sa dulo ng table. Nakaupo kaming tatlo at nagkwekwentuhan na rin upang makilala namin ang isa't isa. Tama nga ang hinala ko matalino nga si Sofia at dahil daw sa nalaman niyang scholar ako sa unibersidad na ito ay magkakaroon na raw siya ng kakompitensya. 

Si Luigi naman ay puro kalalakihan lang ang kanyang kinukwento at nabanggit rin nito na patay na patay ito sa Macabre lalong lalo na raw kay Elijah sobrang hot kasi nito at iba ang dating suplado pero mapagmahal raw gaya sa girlfriend niya na laging hatid sundot i mean sundo.

Natapos na rin ang pagkwekwentuhan namin nila Luigi at Sophia marami-rami rin ang aming pagkwewentuhan sobrang saya naman dahil sa unang klase palang ay nagkaroon na agad ako ng kaibigan. 

Bumalik na kami sa loob ng classrom pero wala pa ring ganap puro kwentuhan lang wala rin ang aming guro dahil nasa faculty ito. Kaya humiga na lang ako sa aking desk para makapag pahinga dahil napagod rin ako sa paglilinis ng mga kalat sa bahay. Sino kaya ang may gawa nun si Elijah kaya? Ayyy hindi pwedeng mangbintang lalo't walang ebidensya tsaka kahit ganon siya ka suplado mukhang hindi naman niya gagawin iyon. 

Mga ilang minuto rin sa pagnilay-nilay ay naririnig ko ang mga pagsigawan ng mga kababaihan lalong lalo na si Luigi grabe ang sakit sa tenga bakit ba sila nagsisigawan.

Binangon ko ang aking ulo mula sa pagkakahiga at napasulyap ako sa mga taong nagkukumpulan nakita ko ang mga kaklase ko na nasa labas at nagtitilian sa may koridor. Dahil sa usisa ko lumabas na rin ako upang maki-usyoso.

"Luigi! Ano bang meron bakit kayo nagtitilian?" pag-uusisa ko sabay hila sa kanyang balikat.

"Walang suot pang-itaas ang mga swimmer natin?" kinikilig na sagot nito sa akin. Apaka lande talaga nito ni Luigi.

Sumilay naman ako sa baba upang tignan kung sino ba ang sinisigawan nila. Totoo nga mga walang saplot pang itaas ang mga ito. Ang gaganda ng hubog ng kanilang katawan kaya naman pala nag sisitilian ang mga mahaharot na babaitang mga ito lalo na si Luigi dahil mga hubad ang mga ito.

Kita ang magaganda nilang katawan at makikinis nilang balat. At bukod pa ron bakat rin pala ang kanilang tinatagong kargada sa masikip nilang pang-ibaba. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng lumabas ang isang lalaki, familiar ito dahil sa katawan palang ay ulam na.

"CHARLESSSS"
"Ang sarap ni Charles."
"Charles asawahin mo ako"

Sigawan ng mga babae at mga binabae sa paglabas ni Charles hindi ko rin sila masisi sobrang hot ba naman kasi ni Charles sobrang laki pa ng dinadala pag nagsalita ito sobrang sarap ring pakinggan lahat ata ay masarap sa kanya eh.

"Charlesss anakan mo ako bente." sigaw ni Luigi ng pagkabigla ko at sabay natawa na rin sa kanyang inasal hindi ko inaasahan na isisigaw niya iyon.

"Beh! Itigil muna mapapaos ka lang diyan nasa pang-apat na palapag tayo ng building hindi maririnig niyan" sambit ko kay Luigi pero wala pa rin siyang tigil sa pagsigaw. "Bahala ka na nga diyan mapapaos ka ring bakla ka." huling saad ko sabay balik na sa classroom.

Dahil wala akong magawa ay binalak ko na lang ihiga uli ang aking ulo sa desk. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Pero mga ilang minuto ay nagising rin ako pero sa pagising ko ay may isang magandang nilalang ang nakahiga sa aking desk at magkalapit ang aming mukha. Bigla naman akong tumayo ng tuwid at tumingin sa mga paligid ngunit patuloy pa rin sila sa pagsigaw sa labas.

"Why did you get up so soon did I disturb you?" pag-usisa nitong tanong sa akin habang ako ay gulat pa rin sa nangyari bakit nakahiga siya sa desk ko.

"Ahm, hindi naman." nahihiyang sagot ko at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko parang mamumula ito sa harapan niya sa sobrang pogi ba naman nitong kaharap ko sinong hindi mag blublush. "Ahm...Carlo bakit ka andito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Gusto ko lang makipag kaibigan sayo. Mukha kasing wala ka pang kaibigan." usisang sagot nito.

"Meron na akong kaibigan si Luigi at Sofia." sagot ko rito.

"Ah! Ganon ba pero pwede pa rin namang makipag kaibigan sayo di ba?" tanong nito at tumango tango naman ako sa kanya. "Bakit ayaw mong tumingin sa akin pangit ba ako?" dugtong nito at nanlaki naman ang mata ko at agad ko naman itong sinagot.

"Hindi ah. Ang pogi mo kaya." napatakip ako ng bibig ko ng bigla ko itong nasambit sa kanyang harapan tumawa naman ito sa akin.

"You know you're so cute." nakangiting sagot nito at tumingin naman ako sa kanya pero nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking bibig at nginitian ko naman ito tanging mata ko lang ang mahahalata.

Dahil na curious na rin ako kay Carlo ay nagtanong tanong na rin ako sa kanya tungkol kay Charles.

"Carlo? Pwede mag ask?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. You're already asking." natatawang sagot nito hindi ko rin alam na may pagkapilyo rin pala itong si Carlo.

"Diba magkapatid kayo ni Charles Ventura?" una kong katanungan sa kanya at sumagot naman ito ng oo.

"Bakit marunong ka mag tagalog tas siya puro english lang?" pangalawa kong tanong at agad naman itong sumagot.

"Magkaiba kasi kami ng kinalakihan nasanay siya sa mga english niyang tiyahin at ako naman ay sa probinsya na lumaki kaya marunong ako magtagalog" sagot nito. Tumango tango naman ako sa kanya.

"May Girlfriend na ba si Charles?" usisa kong tanong sa kanya at natawang nakatingin naman ito sa akin. "Why?" Dugtong ko dahil tumawa ito sa aking sinani.

"Isa ka ba sa Charles fans niya na kapag nakikita siya ay halos magwala na kagaya non oh." sambit nito sabay turo kay Luigi na halos magwala sa kakasigaw sa pangalan ni Charles.

"Hindi no. Bakit mo naman nasabi iyon?" tanong ko sa kanya 

"Eh kasi pagnalaman nilang isa akong Ventura pumapasok agad sa utak nila si Charles tas magtatanong sila kung may girlfriend na ba siya." sagot nito.

"Ahh! So, may girlfriend na siya?" tanong ko uli sa kanya pero sumagot ito ng wala pa.

"Kung wala pa siyang girlfriend eh sino si Trisha?" tumawa naman ito ng masabi ko ang pangalang Trisha kaya nagtataka ako.

"Si Trisha hindi niya gf yon." sagot nito. Hindi niya gf iyon pero naglaplapan sila sa bar ng gabing isama ako ni Erick. "Tsaka bakit mo natanong?" dugtong nito at sumagot naman ako ng wala lang.

Lumipas na ang ilang oras ay magsisiuwian kami kaya kinuha ko ang aking bag at kasabay ko sila Luigi at Sofhi pababa sa unang palapag ng building at nakisabay na rin si Carlo sa amin.

Nang makababa na kami ay nakipag hiwalay na ang mga ito sa akin dahil may sarili silang sundo. Kaya ako ay naghihintay ng taxi para makauwi na rin. 

Susunod...