Chapter 19 - Takot
Alas kwatro palang ng madaling araw ng ako'y magising kaya pag bukas ko ng lampshade, lumantad sa aking harapan ang malaking katawan. Napakusot pa ako ng aking mata at tumingin ako sa kanyang mukha.
Nanlilisik ang kanyang mga mata kaya tumayo ako upang tumakbo pero nahawakan nito ang aking braso kaya hinila ako nito pabalik atsaka itinulak sa kama. Napapikit pa ako ng mata dahil sa takot na baka mabagok ako.
Mga ilang minuto ay dumilat na rin ako at kita ko ang kanyang mga mata na may galit, poot, at pagkamuhi. Dahil sa takot ko ay sumiksik ako sa dulo ng aking higaan habang yakap ang unan ngunit hinila niya ang aking paa at pumatong ito sa akin.
Itinali nito ang aking kamay at sinimulan nito hawakan ang aking leeg. Mahigpit ang pagkakahawak nito at halos wala ng hangin ang lumalabas at pumapasok sa aking katawan kaya nagsimula ng tumulo ang aking mga luha.
Pinipilit kong abutin ang kanyang mukha ngunit hindi ko siya maabot abot dahil itinali nito ang aking mga kamay. Tuwang tuwa pa ito sa kanyang ginagawa. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan kahit isang salita o sigaw ay walang lumalabas sa aking bibig dahil sa pagkasakal nito ng maghigpit.
Maya maya ay bumukas na ang pinto at nakita kong may lalaking lumapit sa amin ngunit hindi man lang niya ako tinutulungan para bang wala siyang nakikita.
"Elijah eto na pala yung kutsilyo" abot ng isang lalaki kay Elijah. Lumaki ang aking mata dahil hindi ko alam na kaya niya pala akong patayin natatakot ako at patuloy pa rin ako sa pag-iyak wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak.
"Hi Alex" demonyong pagtawa nito sabay nakatutok sa akin ang kutsilyo na hawak niya umiling iling ako para ipahiwatig na huwag niya akong papatayin pero hindi siya nakikinig.
Natatawa lang ito sa kanyang ginagawa at maya maya ay itinaas niya uli ang hawak nitong kutsilyo at wala akong makitang awa sa kanyang mukha disidido siyang patayin ako. Nang makalas ko ang mga tali sa aking kamay ay agad ko itong itinulak, natumba pa ito at agad akong tumakbo palabas ngunit nahawakan nito ang aking paanan at hinila niya ito papunta sa kanya at aakma na niya akong sasaksakin. Isa dalawa tatlong saksak ang natamo ko puro ako duguan hawak hawak ko ngayon ang kutsilyo dahil pinipigilan ko itong saksakin ako.
Patuloy ako sa paghingi ng tawad ngunit hindi siya nakikinig sa aking sinasabi sobrang sakit na ng nadarama ko hindi ko na kaya pero hindi ko na halos maramdaman ang buo kong katawan. Tumingin uli ako sa kanyang mga mukha at nakangisi itong nakataas ang hawak niyang kutsilyo itinutok nito sa aking puso at biglaan nitong pagbagsak sa aking dibdib.
"Wag Elijah!" tanging lumabas sa aking bibig habang tumutulo ang aking mga luha humahagulgol ako na parang isang bata.
Hindi ko mawari ang aking panaginip na parang totoo. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang buo kong katawan. Kaya agad na akong tumayo at tumingin sa salamin.
Inusisa ko ang buo kong katawan kung may mga dugo ba o galos ngunit wala naman kaya napabuntong hininga ako. Kaya marahan akong naghilamos upang mahimasmasan.
Kinuha ko ang towel na nakasabit lang sa tabi at ipinunas ko iyon sa mukha. Pagkatapos ay tumingin uli ako sa salamin kung ayos na ba ang itsura ko ng biglang lumitaw sa aking likuran si Elijah. May hawak itong kutsilyo na punong puno ng dugo.
Lumingon ako sa kanya at agad naman itong sumugod sa akin. Bago pa ako makatakbo ay agad niyang nahawakan ang aking kamay at aakmang sasaksakin ako ng bigla akong nagising sa isang alarm clock.
Kring!!! Kring!!! Kring!!!
"Panaginip sa isa pang panaginip?" pagtataka ko sa aking sarili at halos hindi makapaniwala sa panaginip na nangyari sa akin. Kaya agad na akong lumabas at hindi na ako naghilamos ng mukha at sa bahay na lang ako maghihilamos.
Lumabas na ako sa maid rooms at nagtungo na ako sa apartment pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa aking harapan si Elijah, nanlaki pa ang aking mata ng makita ko siya.
"Ano? Bakit ganiyan ka makatingin? Umalis ka nga diyan." nababanas nitong sambit sa akin at tumungo sa may ref. upang kumuha ng gatas habang ako at sinusundan lang siya ng tingin. "Ano tinitingin tingin mo diyan bakla? Ang aga-aga tas itong bakla pa yung bumungad sa akin." naiinis nitong dugtong sa akin.
Dahil sa sinabi niya ay naalala ko ang panaginip ko kanina na gusto niya akong patayin.
"Ahm, Elijah." kinakabahang sambit ko sa kanya at nakita kong nakatingin naman sa akin "Ahm, sorry nga pala sa nagawa ko kagabi hindi ko na uulitin." paghingi ko ng paumanhin atsaka nagtungo na ako sa ref para kumuha ng gatas.
Hindi ko na rin inalam kung ano yung sasabihin niya basta nakahingi na ako kapatawaran sa kanya.
Maya maya ay isa isa ng nagsisibabaan sila Tristan mula sa pangalawang palapag.
"Good morning Alex" nakangiting pagbati ni Charles.
"Good morning Charles sa inyo rin Dave, Erick, and Tristan." pagbibigay ko ng magandang ngiti sa kanila.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin mag umagahan kaya isa isa na silang bumalik sa kanilang silid upang mag si ligo dahil maaga pa sila papasok sa paaralan.
Pumunta na rin ako sa aking silid at isinabay ko na rin ang pagligo. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis. Lumabas na nga ako sa aking silid at pupunta na sana ako sa labas para maghanap ng masasakyan ng ayain ako ni Erick.
Nung una ay hindi ko ito pinansin dahil nahihiya ako sa kanya pero binuksan na niya ang kanyang pintuan sa aking harapan kaya pumasok na lang rin ako.
Nakarating na kami sa unibersidad na wala man lang imikan. Humingi pa ako ng pasasalamat dahil hinatid niya ako pero walang salita ang lumabas sa kanyang boses kaya bumaba na lang rin ako at pinaandar na niya ahg kanyang kotse palayo sa akin.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng aming paaralan ng bigla akong lapitan ni Luigi.
"Beh. Kita ko kayo kanina ni Erick. Kayo na?" kinikilig na tanong sa akin ni Luigi.
"Hindi!" tipid kong sagot sa kanya dahil hindi naman talaga kami.
"Eh bakit may pahatid ka? Don't tell me magkapatid kayo?" pag-uusisa nito sabay tingin sa akin at umiling iling naman ako. "Eh ano? Mag pinsan? Relatives?" dugtong nito at pinahinto ako nito sa gitna ng hallway para alamin.
"Hindi, magkasama kami sa apartment." sagot ko sa bumabagabag niyang pag-iisip.
"OMG! Live in kayo ni Erick" pagkalakas lakas nitong sambit at agad ko namang tinakpan ang madaldal niyang bibig.
"Ang ingay mo beh! Hindi kami live in. Pinatira ako ni Tita Rachelle sa apartment nila kaya kasama ko sila ngayon sa bahay." sagot ko sa kanya at naglakad na uli kami.
"Oh no! Yung Macabre kasama mo sa bahay?" pasigaw nitong sambit sa akin at nagtitinginan na rin ang ibang estudyante sa amin.
"Alam mo beh ipapakain ko na sayo itong hawak kong libro." pagbibiro kong sambit sa kanya at hinawakan naman niya ang kanyang bibig. "Oo. Kasama ko sila sa apartment silang lima." dugtong ko. Nakita ko pang kinilig ito pero kalaunan ay hinampas ako sa braso.
"Ang swerte mo beh. Jackpot ka, for sure nakita mo na silang hubaran." nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito at baka may makarinig pa na iba.
"Huwag ka ngang maingay" naiinis kong sambit dito at nagtungo na nga kaming parehas sa room.
Mga ilang minuto ay pinapunta kaming lahat sa basketball court upang doon gumawa ng mga props para sa gagamitin naming role play. Doon na rin nagpraktis sila Miguel at Sharon dahil sila ang gaganap bilang Maria Clara at Ibarra.
Pinapanood lang namin sila Miguel at Sharon sa kanilang role at ilang beses na rin silang nagkakamali sa mga linya nila pero kita naman sa kanilang itsura na desidido silang ayusin para makuha ang best roleplay sa buong taon ng freshmen.
Mga ilang oras na rin kami sa paggawa ng mga props kaya nag-aya na si Luigi para mab canteen muna pero tumanggi naman ako sa kanya dahil gusto kong tapusin muna itong ginagawa ko.
"Hey Alex. Kumain ka na muna mamaya na yan." sambit nito sa akin at may inaabot na pagkain sa aking harapan kaya lumingon ako sa kanyang gawi.
"Ikaw pala yan Carlo, okay lang ako tsaka hindi pa naman ako nagugutom eh." sagot ko rito.
"Kainin mo muna ito para naman may lakas ka tignan mo sarili mo oh ang payat mo." panenermon nito sa akin kaya agad ko namang kinuha ang pagkain na inaabot nito.
"Eto na kakain na kailangan talaga idamay ang physical appearance ko?" medyo naiinis kong sagot rito pero tumawa lang ito sa akin.
Lumipas na rin ang ilang oras kaya bumalik na uli kami sa paggawa ng mga props habang yung iba ay abala sa paggawa ng mga notes at nageensayo.
Hindi rin nagtaggal ay nagsipasukan na ang mga varsity player ng Holy University sa loob ng court. Sabay sabay nagtilian ang mga babae at hindi mawawala sa pagtili kapag may nakita itong pogi lalaki walang iba kundi si Luigi.
"Omg! Dave Quirino" sigaw ni Luigi sa aking tabi at pilit naman akong lumalayo sa kanya dahil sobrang sakit sa tenga kapag ito'y sumisigaw.
Dahil sa lakas ng pagsigaw ni Luigi ay napansin ito ni Dave kaya lumingon ito sa amin atsaka kumaway nagbigay rin ito ng heart sign. Halos himatayin si Luigi dahil sa ginawa ni Dave na pag heart sign.
"Hoy ackla kalmahan mo ang iyong puday. Parang iyon lang kinilig kana agad?" usisa kong tanong sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Beh ang pogi kasi niya tas nag heart sign pa alam mo ba inig sabihin non?" patanong nito sa akin at umiling iling naman ako "Beh ibig sabihin non may gusto siya sa akin." dugtong nito sa akin at kumunot naman ang noo ko.
"Potacah beh. Itigil mo yang kahibangan mo. Wala kang chansa sa kanya." sambit ko rito.
"Epal ka! Wala kang support sa preny mo. Porket kasama mo lang sila sa iisang bahay ganiyan kana." naiinis nitong sambit pero at the same time ay tumatawa pa rin.
"Beh sinasabi ko lang ang katotohanan tsaka bilang preny mo ayaw ko rin na masaktan ka no. Alam mo bang masungit yan nung una naming meet." sambit ko sa kanya.
"Really Alex?" pagsingit nito sa aming usapan kaya napalingon ako sa kanya at sabay ngiti habang siya ay nakapamewang sa amin.
"Potacah beh, hindi mo sinabi na andito pala siya." bulong ko kay Luigi at nagtakip naman ito ng bibig.
"Beh. Sorry nag sign kasi siya na huwag maingay habang papalapit siya eh." pabalik nitong pagbulong sa akin kaya wala na rin akong nagawa at kinausap na rin si Dave.
"Totoo naman di ba Dave?" pekeng pagtawa ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako ng masinsinan at parang hindi ko gsuto ang kanyang naiisip.
"Really? But that day I make you happy, didn't I?" nakangising sagot nito sa akin at tumingin naman ako kay Luigi at nakatingin naman si Luigi sa akin.
"Ayun naman pala akala ko ba masungit?" sagot ni Luigi sa akin at ako naman ay hindi makaimik.
"Dave!" sigaw ng isang lalaki na kasama pa ni Dave sa varsity at nagtitili na naman si Luigi dahil yung crush niya iyon.
"I'll go first. We still have a game." sambit nito sa amin at tumango naman kami ni Luigi. "Alex, keep an eye on me." dugtong pa nito sabay takbo sa gitna ng court at nakipag fist bump pa ito kay Elijah.
"Go! Baby Elijah." sigaw ni Luigi pero hindi siya pinansin ni Elijah.
"Beh tumigil kana mapapaos ka lang mas masungit pa yan kay Dave." pag-papaalala ko sa kanya.
"Beh ganiyan rin sinabi mo kay Dave pero tignan mo kanina binigyan niya ako ng heart sign." kinikilig nitong sagot sa akin at patuloy pa rin siya sa pagsigaw ng go baby Elijah.
Hinayaan ko na lang rin siya kaya tumayo na ako para pumunta sa tabi nila Sofia at Carlo para tumulong sa paggawa ng props dahil natapos ko ng gawin ang akin.
Habang sa gumagawa kami ng props ay masaya naman kaming nagkwekwentuhan nila Sofia at pinagtatawanan namin si Carlo. Hindi ko kasi akalain na ibang iba ang ugali nito kesa kay Charles. Napaka funny ni Carlo talagang lahat ng banat nito ay nakakatawa.
"Ikaw Alex. Wala ka bang baong joke diyan?" tanong ni Carlo sa akin habang patuloy namin nirorolyo ang mga liham.
"Ahm, wala eh." sagot ko kay Carlo at mukhang hindi naman ito naniniwala sa akin.
"Ikaw mawawalan ng joke. Eh bukod sa matalino ka alam kong may tinatago kang joke kaya ilabas muna." pagpupumilit ni Carlo sa akin kahit wala naman talaga akong joke.
"Okay fine i have three joke." nakangising sambit ko sa kanila at nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ayan, ayan ang gusto ko sayo Alex eh. Sige ano yung joke mo?" pagkabilid ni Carlo sa akin at tumigil sila sa pag rolyo ng mga lihim at tumingin ng masinsinan sa akin upang marinig nila ang yung joke ko.
"Joke Joke Joke" pagpigil ko sa sarili kong tawa habang sila ay seryosong nakatingin sa akin.
"Asan na yung joke mo?" nagtatakang tanong ni Carlo sa akin.
"Tapos na yung joke ko." sagot ko rito at tumingin naman ako kay Sofia at tumawa nga ito ng patagilid.
"Ayun na iyon? Ang corny mo naman Alex." natatawang pang insulto nito sa akin kaya nakitawa na lang rin ako.
"Tumawa naman si Sofia sa joke ko ah." sagot ko rito habang patuloy pa rin kami sa pag tawa.
"Hindi ako sa joke mo natawa. Kundi sa kakornihan mo." sagot ni Sofia at nagsimula na uli itong tumawa. Akala ko pa naman kaya siya tumawa kasi sonupport niya yung joke ko pero hindi ko sila masisi kasi ang corny nga talaga at nakitawa na uli ako.
Natapos na rin ang aming paggawa ng props atsaka pinabalik na rin kami ng aming prof sa aming room.
"Okay class listen first i have announcement." sambit ng aming Professor habang pinapalo palo niya ang kanyang lamesa para tumahimik ang lahat. "Malapit na yung roleplay niyo gusto ko maging ready at active kayo sa presentation na iyon dahil hindi lang mga guro ang manonood sa inyo. Kasama natin ang 2nd year hanggang 4th year. Gusto ko kayong i cheer at sana, sana kayo ang makakuha ng best in roleplay sa buong taon na ito. Ayun lang students. So see you tomorrow." dugtong nito at sabay sabay na kaming nagpaalam sa kanya.
"Alex!" palapit ito sa akin habang inaayos ko ang aking gamit.
"Yes, Carlo? May kailangan ka?" sagot ko rito.
"Tatanong ko sana kung may pupuntahan ka pa bang iba?" usisa nitong tanong sa akin at lumingon naman ako sa kanya.
"Ahm, wala naman na. Uuwi na rin ako niyan eh." sagot ko sa katanungan ni Carlo.
"Ah ganon ba ayain sana kita mag dinner sa bahay." pag-aalok nito sa akin at napahinto uli ako sa pagliligpit ng aking kagamitan.
"Gusto ko sana eh ang kaso walang magluluto sa bahay baka pag umuwi yung mga kasama ko wala silang makain." pagtanggi ko sa kanya at tumango naman ito hindi naman siya nagpumilit.
"Sige ako na lang maghatid sayo pauwi." sagot nito sa akin kaya tinanggap ko na rin ang alok niya at para makatipid na rin ako.
Sabay na nga kaming bumaba ni Carlo at kasabay pa rin namin sila Luigi at Sofia. Habang bumaba ay masaya naman kaming nagkwekwentuhan. Ang sarap lang makinig sa kanila dahil nakakatawa si Carlo at dinagdagan pa ni Luigi. Sobrang ingay nga ng aming samahan eh puro tawanan.
"Dito na lang ako." pagpapaalam ni Sofia sa amin dahil andito na ang kanyang sundo kaya nagpaalam na rin kami sa kanya.
Maya maya ay nagpaalam na rin si Luigi sa amin dahil sinusundo na siya ng stepdad. Kaya pumunta na ako sa labas para hintayin si Carlo dahil kinuha niya pa ang kanyang kotse sa parking lot sa loob ng school. Habang sa paghihintay ay lumingon lingon naman ako sa paligid at nakita kong papunta sa labas sila Elijah.
Napansin kong papalapit na sila dahil naririnig ko na ang malanding si Camille. Malanding pagtawag kasi nito na baby kay Dave kaya nakakasuyang pakinggang. May patawag tawag pa siyang Baby kay Dave eh mukha namang damulag.
"Oh Alex! bakit andito ka pa naghihintay kaba ng masasakyan?" tanong ni Tristan sa akin habang nakayakap pa sa kanya si Giselle.
"Ahm, hindi hinihintay ko kasi yung kaibigan ko ihahatid niya raw kasi ako." sagot ko kay Tristan habang inuusisa ang mga kasama nilang babae at napansin ko lang na may ka holding hands na si Erick pero hinayaan ko na lang rin.
"Hi!" sambit ng babae at parang familiar siya. "Ikaw pala si Alex." dugtong nito.
"Hello! Yup I'm Alex." nakangiting sagot ko rito.
"I'm Andrea. Elijah's girlfriend." pagpapakilala nito sa akin. Hindi rin ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ni Elijah. Maganda kasi talaga si Andrea. Kutis palang palaban na matangos rin ang kanyang ilong maganda ang pilik mata pinkish ang labi at meron ding ibubuga sa dibdib niya. Pero ano naman ang nakita ni Andrea kay Elijah.
Alam kong gwapo si Elijah naka left over ang hair nito. Matangos rin ang ilong matangkad siguro nasa 5'10 singtangkad ni Charles at Tristan. Malaki din ang katawan nito at halatang maganda ang katawan. Maganda rin ang kutis. Ang kaso suplado.
"Nice to meet you Andrea." nakangiting pagbati ko sa kanya sabay abot ng aking kamay at nakipag shakehand naman ito sa akin. Mukha rin siyang mabait at sana lang hindi siya binubugbog ni Elijah.
"Take your alcohol spray, babe, your hands might be dirty." sambit nito kay Andrea habang pinupunasan ng panyo ang kanyang kamay at sabay non ang pagkunot ng noo ko sa kanya dahil sobrang kaartehan ni Elijah.
"Ang OA." pabulong ko pero halatang narinig nila iyon kaya tumingin sa gawi ko si Elijah habang patuloy sa pagpupunas sa kamay ni Andrea.
"Ahm, Tristan tatanong ko sana kung saan pala kayo kakain ngayon?" tanong ko kay Tristan dahil busy si Dave sa pakikipaghalikan at yung iba ay busy sa kasama nila actually lahat sila may kasamang babae.
"Siguro ikaw na lang mag-isang kakain dahil baka malate na kaming makauwi niyan." sagot nito atsaka naman ako tumango sa kanya.
"Okay." tanging naging sagot ko dahil mag-isa lang pala akong kakain.
"Sorry Alex ah." paghingi nito ng dispensya dahil hindi sila makakasabay sa aking kumain.
"Nako Tristan okay lang ako." natatawang sagot ko sa kanila para hindi naman ako malungkot tignan.
Sobrang tagal naman ni Carlo gusto ko ng umalis rito dahil kanina pa ako naiinis sa kahalikan ni Dave ang sarap tadyakan ang ingay umungol.
Beep!!! Beep!!! Beep!!!
"Ay andyan na pala ka date ko. I mean maghahatid sa akin." pagpaparinig ko sa kanila at mukhang umepekto naman dahil nagkatinginan naman silang lahat sa aking gawi.
"Alex! Sakay na." paglabas nito sa kanyang kotse at humudyat na sumakay na ako.
"Where are you going Carlo?" pag-uusisang tanong ni Charles kay Carlo at nakalimutan kong kapatid niya pala iyon shuta naman.
"Iha-" pagputol ko sa sasabihin niya.
"Mag di-dinner kami ni Carlo ngayon dahil expected kong aalis kayo kaya sasama ako kay Carlo." nakangiting sambit ko sa mga ito atsaka lumingon ako kay Carlo para ipahiwatig na sakyan niya ang aking rason.
"Yuh! Niyaya ko si Alex mag dinner sa bahay pero since gusto ko maging special ang aming gabi ay ilalabas ko lang siya sa magandang resto." pagmamayabang nito sa kanyang kuya pati kila Tristan dahil napansin kong iba ang dating ng sinabi niyang iyong. "Sige na Alex sakay kana." dugtong nito. At sumakay na nga ako sa kotse niya nakita ko pang nagkatinginan sila Dave, Erick, Tristan, at Charles sa isa't isa.
"Sige na mga kuya mauuna na kami. Mukhang napaghintay ko yung kadate ko eh." sambit nito kila Charles.
Parang may kakaiba akong kutob sa kanila bakit parang ganon ang kanilang naging reaksyon parang gulat silang lahat o baka dahil bakla ako at hindi nila inaasahan na idadate ako ni Carlo. Tingin ko hindi iyon ang rason kung bakit sila nagulat kasi kung sa pagiging bakla ko hindi ganon ang reaksyon nila Dave at Charles dahil may nangyari na sa amin ni Dave at Charles kaya imposibleng iyon ang rason.
Pero hinayaan ko na lang rin at hindi inintindi. Maya maya ay sumakay na nga si Carlo at agad nitong pinaandar ang kanyang kotse paalis sa pwesto nila Elijah.
Habang sa pagmamaneho ay kitang kita kong nakangisi si Carlo kaya nagtataka ako kung bakit ito nakangisi.
