Chapter 20 - Dark
"Bakit ka nakangisi?" pagtatakang tanong ko kay Carlo at agad naman itong sumagot sa akin.
"Kasi ang akala ko hindi na matutuloy ang dinner nating dalawa." sagot naman nito sa aking katanungan.
"Hindi raw kasi uuwi sila Tristan." medyo iritado kong sagot sa kanya.
"Bakit parang may ngingit ka?" natatawang tanong nito habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho kaya tumingin ako sa gawi niya para usisain ito. Hindi ko alam na pansin niya pala ang pagkainis ko.
"Hindi ah. Tsaka akala ko ba gusto mong makipag dinner sa akin." malumanay kong sabi dito atsaka lumingon ako sa may front door glass para silayan ang kapaligiran.
Pero ang totoo may tampo ako sa kanila kahit isa sa kanila walang nagstay para makisabay sa akin. Nakakainis silang lahat.
"Sus ako pa niloko mo. Alex ilang araw palang tayo magkaklase pero kilala na kita." sagot nito sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin kaya sumandal na lang ako sa front door ng kotse niya. "Siguro may gusto ka sa mga kuya ko no?" dugtong nito kaya agad akong napalingon sa kanya.
"H-ha. Siraulo ka ba? Kanino naman ako magkakagusto kay Tristan? Edi ba may jowa na siya." mabilisang sagot ko rito atsaka namang pagtawa nito sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?" dugtong ko.
"Napaka defensive mo naman Alex atsaka wala naman akong binanggit na pangalan ah bakit sinabi mo agad si Tristan." natatawang sambit nito sa akin at lumingon ito sa aking gawi at ibinalik na niya uli ang kanyang tingin sa dinaraanan namin.
"H-ha." tanging salita ang lumabas sa aking bibig dahil sa pagkasabi ko kaya namula naman agad ang aking pisngi dahil ako na mismo ang nagsabi kung sino yung gusto ko.
"Bukod kay kuya Tristan sino pa gusto mo?" pag-usisa nitong tanong sa akin pero hindi ko na sinagot dahil bukod kay Tristan ay wala naman na akong gusto. "Siguro si kuya Charles?" hindi ako umimik. "Si kuya Dave?" hindi ko uli ako umimik. "Si kuya Erick?" tumingin ako kay Carlo habang nakakunot ang noo dahil kung sino sino ang sinasabi nito. "How about kuya Elijah." huling dugtong nito.
"What the fuck. Mamatay na lang akong matanda kesa sa magustuhan ko siya." nandidiri kong sagot rito dahil ang pangit ng ugali ni Elijah unang una palang ay hindi na kami kompatible sa isa't isa.
"Grabe ka naman kay kuya Elijah. Mabait iyon maniwala ka sa akin." pagdedepensa nito kay Elijah.
"Baka sayo mabait dahil kapatid ka ni Charles. Eh sa akin halos tapakan niya na ang pagkatao ko." iritado kong sagot rito.
"Baka naglalambing lang iyon o kaya humihingi siya ng atensyon sayo." pagpapaunawa nito sa akin atsaka ako humarap sa kanya habang nanlilisik ang mata.
"Nanlalambing? Sigurado ka ba Carlo? Panlalabing na pala yung pagkalat ng mga gamit sa bahay tuwing umaga. Pag-utos sa akin na kahit andyan na sa harapan niya ay ako pa ang kukuha. Pangpipikon niya sa akin tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng school." sarkastik kong pagtawa kay Carlo dahil naiinis na ako.
"Chill ka lang Alex. Bakit ka nagagalit agad." natatawang sagot nito atsaka lumingon sa aking gawi. "Binibiro lang kita eh." dugtong nito sa akin.
"Grabe siya humingi ng atensyon kung atensyon man iyon." naiinis kong sumbat kay Carlo.
"Okay fine, Alex. Just chill." natawang pagpapakalma nito sa akin kaya tumahan na nga ako.
Maya maya ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan kaya agad na binuksan ni Carlo ang kanyang kotse at agad itong tumakbo papunta sa pintuan ko atsaka niya ito inopen para makalabas ako.
"Gentlemen yarn?" pabiro ko rito atsaka siya tumawa.
"Sige pasok ka uli sa kotse ko tas ikaw na magbukas." pagtutulak niya sa akin papunta sa kotse niya.
"Joke lang naman eh." pagbawi ko sa sinabi ko.
"Ikaw eh, nagpapaka gentlemen na nga ako tas gaganyanin mo lang ako. Tara na nga." pagpapakyut nito tsaka hinawakan ang aking pulsuhan at dumiretso na kami sa loob ng restaurant.
Maganda ang restaurant na pinuntahan namin maaliwalas tignan at hindi mo maamoy ang pagkain na nagmumula sa loob ng kusina.
Habang naglalakad kami ni Carlo ay bigla itong tumigil sa aking harapan kaya tumigil na rin ako. Tinignan ko kung saan siya tumitingin at nakita kong nakatingin ito sa kinauupuan ng magandang babae.
"Crush mo no?" pagbibiro ko rito atsaka siya lumingon sa akin at tinignan ako ng masinsinan.
"Lipat na lang tayo?" pagbabago ng mood nito dahil kanina ay masaya pero ngayon parang nalungkot.
"Ha! Bakit naman?" pagtatakang tanong ko rito pero parang hindi na siya komportable na dito kami kumain. "Ahm, sige lipat na lang pala tayo." dugtong kong pagsang-ayon.
Aakma na sana kaming lalabas ng biglang bumungad sa aming harapan ang isang matipunong lalaki. Maputi ito at kulay tsokolate ang mata. Matangos rin ang ilong. Dahil sa pag-uusisa ko ay bigla akong napatingin sa kanyang ibaba at napansin kong malaki rin ang burat nito dahil bakat na bakat ito sa kanyang pantalon na maong. Napatingin na lang ako bigla sa ibang direksyon ng mapansin kong ngumiti ito sa akin habang kinakausap si Carlo.
"Oh! Carlo anong ginagawa mo rito?" pag-uusisang tanong ng lalaki kay Carlo atsaka naman lumingon si Carlo sa aking gawi.
"Sinamahan ko lang itong kaibigan ko kumain dito." pagsagot ni Carlo sa lalaki atsaka lumingon naman ang lalaki sa aking gawi.
"Andito rin pala si Mhaela nagkita na ba kayo?" tanong ng lalaki kay Carlo at ako naman ay tahimik lang nakiki usyoso sa kanilang pinag-uusapan.
"Ahm, hindi pa eh." sagot ni Carlo rito.
"Tara gusto niyo ba sumabay sa amin since andito rin naman kayo?" pag-anyaya nito sa amin at bigla naman napalingon si Carlo sa akin at tinignan ko lang ito.
"Ah hin-" pagputol ko sa sasabihin niya
"Aba syempre hindi namin tatanggihan yan kanina pa ako nagugutom eh." pagsingit ko sa kanilang usapan dahil gusto ko rin malaman kung sino si Mhaela at itong lalaking nasa harap namin ngayon.
"Ganun ba sige tara doon tayo." sambit nito sabay turo sa direksyon kung nasaan yung babaeng nakita namin kanina.
Kaya naglakad na kami papunta sa gawi ng babae. Nauna yung lalaking bumungad sa amin kanina at kaming dalawa ni Carlo ay nasa likuran niya. Tumingin naman si Carlo sa akin na parang galit kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Hi babe." sambit ng lalaki na bumungad sa amin kanina sa babaeng nakaupo at hinalikan niya naman ito sa pisngi. Napansin ko rin ang pag-iwas ng tingin ni Carlo ng halikan nung lalaki yung babae.
"Carlo?" pagtatakang tanong ng babae habang nakatingin ang dalawa kay Carlo. Dahil sa pag-uusisa ko ay parang alam ko na ang nangyayari paniguradong may love triangle na nangyayari sa kanilang tatlo.
"Yes babe. Nakasalubong ko sila kanina sa entrance kaya niyaya ko silang sumabay na lang sa atin kumain. Matagal na rin nating hindi nakasama ang kaibigan nating si Carlo." sambit ng lalaki sa babae habang bakas naman kay Carlo ang pagkabalisa.
"Yah! It's been a long time since the three of us graduated from senior high." sang-ayon nito sa sinabi ng lalaki pero parang may kakaiba sa itsura ng babae kapag si Carlo ang pinag-uusapan.
"Ahm, pwede na ba kami umupo?" pag-singit ko sa mga ito dahil kanina pa kaming nakatayo at nagugutom. Tumingin naman ako kay Carlo at ayain na siyang umupo pero hindi pa rin ito kumikilos sa kanyang kinatatayuan.
"Ayy…." sabay hawak sa aking bibig at saka lumingon sa kanilang dalawa. "May nakalimutan pala ako sa bahay." pagsisinungaling ko. "Ahm, Carlo pwede mo ba akong samahan?" paghila ko sa kamay niya kahit hindi pa ito sumasagot.
Nagpaalam naman na ako doon sa lalaki at don sa kasama niyang babae na tinawag niyang Mhaela.
Pagkalabas namin sa restaurant at inusisa ko si Carlo kung ayos lang siya pero wala pa rin itong imik kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito atsaka ko iniharap sa akin.
"Carlo are you okay?" nag-aalalang tanong ko rito dahil kanina pa ito balisa mula nung makasalubong namin yung lalaki at lalo itong tumahimik ng makita niya ang babae.
Mga ilang segundo rin ay tumingin na sa akin si Carlo na para bang iiyak kaya niyakap ko ito para kumalma. Hindi ko alam kung anong nangyayari at sa una palang alam kong hindi na komportable si Carlo ay pinilit ko paring makiusyoso.
Dahil sa tagal na naming magkayakapan ay iniharap ko uli ito sa akin at inusisa ang kanyang mukha pero medyo tumahan na ito.
"Carlo sa bahay na lang tayo." nakangiting pag-anyaya ko rito. Habang hinahaplos ko ang kanyang mga pisngi dahil sa mga luhang lumabas sa kanyang mga mata.
"I'm sorry Alex." nalulungkot nito habang nakatingin sa aking mga mata pero sinuklian ko lang ito ng ngiti. "Dapat talaga special tong gabing ito eh." dugtong nito pero tumawa na lang ako sa kanya.
"Hay nako Carlo! Doon na lang tayo sa bahay at ipagluluto kita ng special na ulam." natatawang sagot ko sa kanya at tumawa na rin ito.
Sumakay na nga kami pareho ni Carlo sa kanyang kotse at agad na nitong pinaandar. Wala kaming imikan ni Carlo sa loob ng kanyang kotse kaya nakatingin lang ako sa front door glass ng kanyang sasakyan.
Nagnilay-nilay ako kung ano ba ang posibleng nangyari sa nakaraan ng tatlo. Matalik silang magkakaibigan at halos ilang buwan na rin silang hindi nagkikita. At dapat sa araw na pagtagpo nila ay dapat masaya sila pero hindi iyon ang nangyari.
Tila bang may madilim silang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan. Pero ano naman kaya ang posibilidad na maging sanhi ng kanilang madidilim na nakaraan.
Tumingin ako kay Carlo at inusisa ito habang patuloy sa pagmamaneho napansin nitong nakatingin ako kaya ngumiti ito sa akin.
Base sa pagkakilala ko kay Carlo ay isa siyang masayahing tao funny ito lalo na kapag nag jojoke. Mabait rin naman ito at masipag rin sa gawaing proyekto. Napaka gentleman at palangiti. Pero ibang Carlo ang nakita ko kanina. Ano ba ang nakaraan mo Carlo.
"Alex! Andito na tayo." nakangiting pagtawag nito sa akin kaya ito'y bumaba na sa kotse at agad umikot para pagbuksan ako. Bumaba naman ako at ngumiti naman itong isinara ang kanyang kotse kaya ibinalik ko rin ang ngiti niya.
Sabay na kaming pumasok ni Carlo sa bahay at napansin kong wala pang tao rito dahil tahimik at sarado ang ilaw sa sala.
"Ahm, Carlo manood ka muna diyan mag luluto lang muna ako ng makakain natin." paglingon ko sa kanya at tumango naman ito kaya tumungo na agad ako sa kusina upang mag simula ng magluto.
Napansin kong nakangiti na si Carlo habang nanonood ito sa flatscreen tv. Sobrang amo ng kanyang mukha para siyang bata kapag ngumingiti dahil sa sobrang kakyutan. Kaya napalingon ito sa aking gawi at napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"Ahm, chinecheck ko lang kung gising ka pa baka kasi mamaya pagnaluto ko na itong ulam eh tulog ka na." pagsisinungaling ko at tumawa naman ito sa akin.
"Syempre hihintayin ko yung special mong niluto. Hindi pwedeng hindi ko matikman yan." nakangiting sagot nito at ngayon ko lang napansin na kapag ngumingiti ito'y bigla na lang pumipikit ang kanyang mata. Sobrang cute niyang pagmasdan.
Mga ilang minuto na rin ang lumipas ay natapos ko ng lutuin ang special na ulam. Paniguradong magugustuhan niya ito dahil ito ang pinakapaborito kong ulam.
Napansin kong busy si Carlo sa panonood ay ako na lang ang kumuha ng mga plato nilagyan ko na ito ng isang cup na kanin atsaka inilagay ko na rin ang ulam sa bowl. Bitbit ko ngayon ang tray para sa paglalagyan ko ng ulam at kanin upang hindi mapaso ang aking kamay.
Nagsimula na akong humakbang patungo sa kinauupuan ni Carlo at doon na lang kami sa sala kumain para makanood kami pareho.
"Oh Alex." pagkagulat nito atsaka biglang tumayo upang hawakan ang dala kong pagkain. "Bakit naman hindi mo ako tinawag." dugtong pa nito atsaka sabay na naming inilapag ang tray sa lamesa.
"Syempre tuwang tuwa ka sa pinapanood mo kaya hindi na kita ginulo." sagot ko rito at sabay non ang pagkunot ng kanyang noo.
"Pwede ka namang makisuyo tsaka ikaw na nga nagluto tas ikaw pa magdadala nito sa mahal na hari mo?" nagsisimulang pagtawa nito kaya kusa na siyang napahalakhak.
"Kumain ka na nga lang diyan. Andami mo pang sinasabi eh." sagot ko rito atsaka na ako nagsandok ng ulam at gayon rin siya.
"Ano uli tawag rito?" usisang tanong nito habang tinuturo turo ang ulam na kinukuhaan namin kaya lumingon muna ako sa kanya.
"Ang tawag diyan ay chicken cooked with potatoes, carrots and capsicum in coconut milk with mild curry powder at nilagyan ng mas special na spermniosm." malanding pagmamalaki ko sa kanya atsaka naman siya tumatawa habang binabanggit ko ang bawat salita.
"Anong klaseng ulam niyan for sure walang bibili diyan dahil sa haba ng pangalan." pagtaas nito ng kanyang kilay habang inuusisa ang aking mukha. "At saka ano naman yung spermniosm?" pagtatakang dugtong nito atsaka ako humagikgik dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Chicken Curry with ano…" pagnilay nilay kong tanong sa kanya habang nag uumpisa na siyang sumubo ng pagkain napatingin pa ako at parang slow motion siyang susubo ng pagkain. "Sperm." dugtong ko ng maisubo niya na ang kinakain niyang chicken na may kanin.
Wala lang itong reaksyon ng masabi kong sperm ang special sa niluto ko at patuloy pa rin ito sa pagnguya atsaka seryosong nakatingin sa akin. Siguro alam niyang nagbibiro lang ako kaya hindi niya inintindi ang sinabi ko.
"Ano Alex kaya pa ba? Tulala ka diyan." pagbabalik nito sa aking katinuan kaya tumango akong nakangiti atsaka kumuha na rin ako ng ulam at tuluyan na ring kumain.
Ilang minuto rin kami sa pagkain medyo natagalan kami dahil habang kumakain ay patuloy pa rin kami sa pagkukwento at wala kaming tigil sa pagtatawanan.
Isa isa ko ng niligpit ang mga plato atsaka si Carlo naman ay patuloy pa rin sa panonood. Sinimulan ko na ang paghuhugas habang si Carlo ay naririnig kong tumatawa. Para siyang bata sa kakatawa. Nanonood kasi ito ng Mr.Bean kaya kahit hindi ko nakikita ang pinapanood nito ay napapatawa rin ako. Nakakahawa kasi yung pagtawa niya.
Tatlong minuto rin ay natapos na ako maghugas hindi kasi ganon karami ang hinugasan ko kaya madali ko lang natapos kaya lumapit na ako kay Carlo upang magsiyasat.
"Carlo hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na rin kasi eh." usisang tanong ko rito at sabay naman siya sa paglingon sa akin.
"Dito na ako matutulog." nakangiting sagot nito sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit eh wala naman ng bakanteng kwarto at wala rin itong dalang unipormeng pang eskwela.
"Hindi ka ba papasok bukas? May susuotin ka bang uniporme? Atsaka saan ka matutulog? Sa kwarto ni Charles?" pagsisiyasat ko sa kanya kaya tinignan ako nito sa mata ng masinsinan.
"Papasok pa rin ako bukas tsaka may extra uniform ako sa locker room ko sa school. Kung sa pagtulog naman ay tama ka wala na ngang kwarto rito." sagot nito sa aking katanungan kaya nagnilay nilay ito. "Sabi ni Tita Rachelle dati na dalawa ang higaan sa maids room kaya doon na lang ako matutulog." nakangiting dugtong nito at siya namang paglaki ng mga mata ko.
"Masikip sa maids room atsaka hindi ka magiging komportable don. Anak mayaman ka pa naman." pagtataboy ko sa kanya para doon na lang siya sa bahay nila matulog. Pero kahit ako mayaman dati at nakayanan ko naman ang masikip at mainit na kwarto.
Ano naman kaya naisip nito at gusto pa sa maids room pwede naman siya tumabi kay Charles kung tutuusin eh. bulong ko sa aking isipan.
"Hindi porket malaki ang kwarto ko at may sariling aircon ay hindi na ako sanay sa masikip at mainit na kwarto." sagot nito sa akin habang ako ay nag-iisip ng pwede pang irason dahil ayokong may kasama lalo kung lalaki pa ito. Kadalasan kasi sa mga lalaki mahilig maghubad pag natutulog kaya i can't talaga. "Tsaka diba sabi ko sayo dati laking probinsya ako kaya, kaya ko." nakangiting dugtong nito sa akin at bumalik na ito sa kanyang panonood.
Napa Buntong hininga na lang ako at tumingin pa ito sa gawi pero bumalik uli ito sa panonood.
Nagtataka ako mula sa panonood namin ay hindi pa rin nakakauwi sila Tristan. Ano kaya ang ginagawa nila. Pasadong alas diyes na kasi tas may pasok pa ang mga ito.
"Carlo hindi ka pa ba inaantok?" usisang tanong ko rito dahil gusto ko ng humiga at magpahinga.
"Hindi pa naman. Ikaw ba?" pabalik tanong nito at agad ko namang sinagot.
"Hindi rin pero gusto ko ng humiga eh." sagot ko sa tanong niya atsaka siya tumayo at pinatay ang tv kung saan siya ay nanonood.
"Samahan na kita. Balak ko na rin humiga eh." pagsang-ayon nito sa akin kaya naman tumayo na rin ako sa aking kinauupuan pero nag tungo muna ako sa entrance door upang icheck kung naisara ko na ba ito baka kasi pasukin kami ng magnanakaw.
Naglakad na nga kami ni Carlo patungo sa maids room hindi naman kalayuan sa apartment ni Tita Rachelle. Pagpasok namin sa bahay ay inaya ko na si Carlo pumasok.
"Ahm, Carlo siguro ikaw na lang sa taas tas ako dito sa baba." double bed kasi itong kwarto ng mga maid yung up-down.
"Sige." nakangiting sagot nito sa akin kaya naman naglakad na ako sa aking higaan atsaka ako humiga. Nakita ko naman na nakatingin lang ito sa akin. "Akala ko ba hihiga ka na?" pagtatakang tanong ko rito. Ngumiti lang ito sa akin atsaka ito umakyat sa up bed.
Lumipas na rin ang ilang oras sa pagkakahiga ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising lang ako dahil may naririnig akong mga bulong galing sa taas ng aking kama. Sinilip ko naman ito mula sa pagkakahiga ngunit wala naman itong kausap o ilaw na nanggagaling sa kanyang higaan.
Kaya tumayo ako upang tignan ito. Nakita ko siyang nakahiga at nakapikit at patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha na nanggagaling sa kanyang mata. Kaya mas lumapit ako rito upang usisahin kung nanaginip ba ito.
"I'm sorry Mhaela. Please patawarin mo ko, hindi ko na uulitin. Mhaela mahal kita wag mo ako iiwan parang awa mo na." mga salitang lumabas sa kanyang bibig kahit tulog ito at hindi tumigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gigisingin ko ba siya? bulong ko sa aking isipan atsaka ko pinalo ang ulo ko para mahimasmasan dahil ang tanga ko.
Kapag may nanaginip Alex gisingin mo baka bangungot niya iyon sa nakaraan. dugtong ko sa aking isip.
"Carlo?" pagtapik ko sa kanyang binti ngunit hindi pa rin ito nagigising. "Carlo? Wake up." pagtapik-tapik ko ng ilang beses pero hindi pa rin ito nagigising kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat nito atsaka ko niyugyog ng marahan.
"Ahh Alex?" pagkabigla nito dahil nagising ito sa isang bangungot. Patuloy pa rin ang kanyang paghikbi atsaka niya ako niyakap. Tinapik-tapik ko naman ang kanyang likuran habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo upang tumahan na ito.
"Carlo! Okay ka lang ba?" hindi ito sumagot sa akin at patuloy pa rin ito sa paghikbi at ramdam ko ang pagpatak ng kanyang luha sa aking balikat.
Ilang minuto rin ay napapansin kong nagiging okay na si Carlo dahil hindi ko na ramdam ang kanyang paghikbi mula sa pagkayap nito sa akin. Kaya ipinaharap ko ito sa aking harapan upang usisain kung okay na ba talaga ito. Hindi sa pagiging chismoso gusto ko rin malaman kung bakit ito humihingi ng tawad kay Mhaela.
"Carlo binabangungot ka kanina." sambit ko rito at tumitig ito sa akin na may pag-alala at parang kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kanya.
"Ano ang mga narinig mo?" usisang tanong nito sa akin pero sa ibang direksyon na ito nakalingon.
"Nagmamakaawa kang huwag kang iwan ni Mhaela at habang sinasambit mo iyon mas lalong lumalakas ang pagdaloy ng mga luha mo." nag-aalalang sagot ko rito at saka naman siyang lumingon sa akin at magsisimula na ulit itong umiyak. Kaya agad ko siyang siniil ng yakap. "Okay lang yan Carlo. Nandito lang ako. Pwede mong sabihin sa akin yung nararamdaman mo. Hindi kita huhusgahan." dugtong ko atsaka siya humakap sa akin ng mahigpit.
"Alex, Hindi ko alam ang gagawin ko at parang bumabalik uli ako sa nakaraan. Hindi ko siya kayang harapin, hindi ko sila kayang harapin Alex." humagulgol nitong sagot sa akin at hindi ko rin siya masyadong maintindihan dahil sa pag-iyak nito.
"Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung paano." pagpipigil ko sa pag tulo ng luha dahil kung ipapakita ko sa kanya ang pag kaawa ay baka mas lalo lang iyon makaapekto sa kanya kaya kailangan ko tibayan ang loob ko para sa taong ito dahil kailangan niya ng masasandalan ngayon. Hindi ko man alam ang nararamdaman niya pero ramdam ko ang bigat ng sakit na dinadala nito.
"Alex!" kumalas ito sa pagkakayakap at lumingon sa akin. "Pinagpalit ako ni Mhaela sa kaibigan ko." dugtong nito habang ako ay patuloy pa ring nakikinig.
"Si Greg. Si Greg yung kaibigan ko, siya yung lalaking nakasalubong natin sa entrance kanina." pagkwekwento nito habang ako ay nagnilay-nilay sa kaniyang kwento.
"So, ibig mong sabihin two timer si Mhaela?" takang tanong ko rito pero parang hindi sumang-ayon si Carlo sa aking sinabi.
"No, Alex. I don't know how to explain this but Greg and I are Mheala's boyfriends." na bigla ako sa sinabi ni Carlo ngunit hindi ko ito ipinakita sa kanya dahil ayaw kong isipin nito na hinuhusgahan ko siya.
